Author's Note/ Disclaimer
This is my first story here in Wattpad, I hope may makabasa at matuwa sa story na 'to. Excited ako for this and I'm thinking of creating other stories aside from this. But for now, I have to test the water pa to know if I should continue this passion. But nevertheless, I will still continue this story.
Although most of the names of the characters here came from the people I personally know, this story has nothing to do with their lives. It is purely a product of my imagination. I personally picked some important places here, but any groups or organizations that appeared in this story is also part of my imagination, so any resemblance to others is an honest coincidence. Again, this story is a product of my not-so-wild imagination, so I hope you'll enjoy reading. Please, do vote and comment for me to know your feedback or reactions.
Samahan ninyo ako hanggang katapusan as we unfold the story of Marco and Stephanie. So, simulan na natin, ang dami ko pang sinasabi, nano-nose bleed pa tuloy ako hehehe.
PROLOGUE
"How's our baby doin' there?"
"Kuya naman eh!!! "
"Hahaha, why? Baby ka pa rin naman, di ba?."
"No, I'm not anymore!"
"Yeah right, but for me you still are."
Paulit-ulit na pinapanood ni Marco ang recorded video ng huling pag-uusap nila ng kanyang bunsong kapatid thru skype. And still, ganun pa rin ang nararamdaman nya, galit. Punung-puno ng galit! Si Elise, ang bunso nila, sa edad na 17, ay maagang namaalam sa mundong ito.
Dalawa lang silang magkapatid, kaya naman mahal na mahal nya ang bunso nila. Kahit pa isang taon lang ang tanda nya rito, itinuturing pa niya itong baby tulad noong mga bata pa sila. Kaya kahit ng lumuwas ito para mag-aral sa Ateneo, ganun pa rin ang turing nya rito.
Pero lingid sa kaalaman nila, nagkaroon pala ito ng kasintahan. Hindi nila kilala kung sino, kahit ang bestfriend nyang si Rori, hindi rin alam kahit pangalan. Ilang buwan nyang inilihim yun hanggang sa nagsumbong na si Rori sa kanya. Nakipagkita ito sa kanya isang Sabado sa isang coffee shop sa Katipunan.
"What is this all about, Rori?" may pagkabalisang tanong ni Marco, pagkaalis ng waiter na nag-serve sa kanila.
"Ah kuya Marco, please promise first you're not gonna freak out," ang kinakabahang sabi ni Rori.
"Rori please, you're killing me. Just speak up," kinakabahan ng usal nya.
Huminga muna nang malalim si Rori bago muling nagsalita. "Kuya, Elise is having an affair."
Napaawang ang kanyang bibig after hearing what she said. "Are you serious?" Tumango naman ito.
"But why is she not telling me? Even mom and dad, I'm sure they don't know about this," nagtatakang sabi nya bago humugot ng malalim na buntong hininga. "You know him?"
"Hindi po. I don't even know his name. Masyado syang secretive pagdating dito. Nagkakatampuhan nga kami kasi hindi talaga nya pinapakilala sa akin. I just know that she has a boyfriend. Nagkukwento lang sya ng mga nangyayari pero never ko syang na-meet," mahabang paliwanag ni Rori.
Humugot muna sya ulit ng malalim na hininga bago nagsalita. "And why are you telling me this now?"
"That's not all, kuya Marco," sabi nya sabay tulo ng mga luha.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
General FictionSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...