"Thank you mam, enjoy your meal," magiliw na usal ni Stephanie sa customer. Pag-angat niya ng tingin, nagulat pa siya nang makita ang susunod na customer.
"Good evening sir, may I take your order?" magiliw niyang banggit kay Marco. Hindi ito tumitinag habang nakatitig sa kanya.
"Sir?" tawag niya ulit dito.
"Ahh..." saka ito tumingin sa menu board at ini-scan kung anong bibilhin. "One quarter pounder, large fries and large coke," usal nito maya-maya. Ipi-nunch naman niya ang order nito.
"Anything pa po sir?"
"How about... a date with me after your shift," nakangiti nitong sabi.
"Sir?" di makapaniwala sa narinig na tanong niya.
"I'm serious! I'll wait for you here."
"Pero ten o'clock pa out ko."
"No prob. It's already nine na rin. I can wait."
"Pero..."
"No buts! I wont take no for an answer!" May pinalidad na sabi nito, sabay bigay ng bayad niya. Inayos naman ni Stephanie ang order nito. Nagkadikit pa ang kamay nila ng kunin ni Marco ang tray ng pagkain. Halatang namula si Stephanie na ikinayuko niya. Hinawakan ni Marco ang baba niya sa pamamagitan ng hintuturo at itinaas ang ulo nito na lalong ikinapula niya. "I like it when you blush," sabi nito habang napapantastikuhang nakatitig sa kanya. Ipinilig naman niya ang paningin sabay kagat sa pang-ibabang labi.
"Ahh, e-enjoy your meal sir, t-thank you," nag-i-stammer na tugon ni Stephanie rito. Umalis na rin naman ito sa harapan niya at umupo. Pumuwesto ito sa tapat niya mismo at sinimulang kainin ang in-order habang tila binabantayan ang bawat kilos niya. Lalo naman siyang nailang at tila naglabasan sa lahat ng pores niya sa katawan ang pawis niya.
Dahil malapit na ring mag-close ang store, konti na lang ang kumakain dito at wala pang kasunod na customer kaya nagtungo muna siya saglit sa may kitchen at doon kumuha ng tissue para ayusin nang bahagya ang sarili. Ilang araw na rin niya itong iniiwasan, well, not really iniiwasan dahil magkaklase sila at groupmate pa. As much as possible, less contact na lang ang ginagawa niya. Ayaw niya ng gulo, kung sakali mang sila nga ni Graciella, halata namang gusto nitong umiwas siya sa binata. At higit sa lahat, ayaw niyang umasa at masaktan in the end. Pero ano itong ginawa niya? Bakit siya napapayag sa ano raw, tama ba ang dinig niya na date daw?
Hindi pa siya gaanong nakaka-recover nang mapansin ang panibagong customer na pumuwesto sa harapan ng kaha niya dahil may umoorder na rin sa dalawa pang kaha na naroroon. Itinuloy niya ang trabaho habang pinipilit maging normal ang kilos.
Pagkaraan ng ilan pang minuto, napangiti siya ng mamukhaan kung sino ang susunod niyang customer. Pilit niyang inasikaso ang order ng kaklaseng si Jake nang hindi naiilang dahil ramdam niya ang bigat ng titig ni Marco sa kanya. Nang ibigay niya ang sukli nito, hinawakan pa nito ang kamay niya na agad naman niyang binawi. Wala siyang naramdaman sa madaling contact ng kamay nila, hindi katulad ng magdikit ang balat nila ni Marco kanina. May ka-preskuhan namang ngumiti ito sa kanya at kumindat pa. Hobby na ata talaga nitong kumindat eh! Puna pa niya sa isip niya. Parati itong kumakain sa fastfood na ito at pansin niyang laging sa linya niya ito tumatapat. Nagpaparamdam ito kahit sa klase, maagang pumapasok para makausap siya at nagpapalipad-hangin. Gwapo rin naman itong maituturing kaya lang ayaw niya sa ugali nitong ma-presko at may kayabangan. At isa pa, loyal siya sa kanyang si Marco. Wala sa kalingkingan nito si Jake pagdating sa hitsura. Higit na mataas ito at maganda ang pangangatawan kesa kay Jake. Ano ba 'yan, kahit iniiwasan niya ito, nagsusumiksik pa rin naman ito sa utak niya. Speaking of Marco, di pa niya ma-process sa utak niya ang alok nito sa kanya kanina. Totoo ba yung narinig niya na date? Kinikilig siyang ewan. Ayan na naman siyang asyumera. Eh kasi naman eh, ka-assume-assume naman talaga ang ikinikilos nito. Pero paano si Graciella? Mamaya, tatanungin na lang niya ito. Bahala na lang kung paano.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
Fiksi UmumSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...