Matapos manggaling sa libingan, dumiretso ang dalawa sa bahay nina Stephanie. Walang tao roon, may pinuntahan ang mag-asawa at si kuya David, as usual ay di alam ni Stephanie kung nasaan. Hindi talaga nila natatandaan na kaarawan niya, o kung alam man nila, malamang na wala silang pakialam. Napagpasyahan nilang sa bahay na lamang mananghalian.
"You know, we should have dine out na lang, it's your birthday today," giit naman ni Marco habang naghihiwa ng manok si Stephanie.
"Mas okay nga kung magluluto na lang dito. Atsaka gusto ko namang patikman ng niluto ko ang boyfriend ko." Sa sinabing iyon, namula naman ang pisngi ni Stephanie. Hindi pa siya sanay na boyfriend na niya si Marco kaya bahagya siyang nailang ng sabihin iyon.
Si Marco naman ay sobrang lawak ng pagkakangiti. "Sounds good. 'boyfriend ko!' I love that, girlfriend ko," at ginaya pa niya ang tono ni Stephanie. Namumula namang ngumuso ito kay Marco. "I really love it when you blush... and the way you pout."
"Tumigil ka na nga," irap naman nito habang naghuhugas ng kamay. Hindi na siya tumitingin dito dahil lalo lang siyang namumula at aasarin na naman siya nito.
"And how you talk... how you move," pagpapatuloy naman nito habang malagkit na tinititigan si Stephanie. "Actually, I love everything about you, all of you," madamdamin pang sabi nito.
Hinarap naman siya ni Stephanie nang nakangiti at hinawakan ang mga kamay nito. "Alam mo, hindi mo na naman ako kailangang sabihan n'yan, hindi ka na nanliligaw. You already have me. Sa'yo na ako."
"But I want to, dahil yun ang nararamdaman ko. Hindi ako magsasawang sabihin sa'yo nang paulit-ulit ang mga katangian mo. I will not cease telling you how much I love you, my Stephanie," madamdaming hayag ni Marco na namumungay pa ang mga mata.
"Eh kasi, ahm...kinikilig ako lalo eh," pag-amin naman niya rito. Alam niya, pulang pula na talaga ang pisngi niya. Kasi naman eh, may papungay-pungay pa ng matang nalalaman eh, nakakapanghina tuloy ng tuhod.
Mahina namang tumawa si Marco sa kasintahan. "And I intend to always make you shiver." Itinalikod niya si Stephanie atsakay niyakap nang patalikod. Yumuko pa siya upang hagkan ito sa ulo atsaka inilapit ang mga labi sa tenga nito. "How can I help you on our dish, love?" Mahinang bulong nito.
Nagtaasan naman ang mga balahibo sa braso ni Stephanie. Bahagya siyang nailang sa posisyon nila at sa haplos ng hininga nito sa kanya. Her heart beat skips a bit sa ginawang iyon ni Marco. Muli siyang humarap dito at hinawakan ito sa dibdib habang marahang inilalayo. "Okay lang ako. Maupo ka diyan at hintayin mo na lang itong niluluto ko. Relax ka lang diyan, okay?"
"Okay, I'll watch you cook na lang. Ano ba 'yan?" nakangiti na lamang niyang tanong kay Stephanie. Hinalikan pa niya ang kamay nito.
"Adobong manok," sabi ni Stephanie.
"Wow, my favorite. Excited na ako," at pinagkiskis pa nito ang dalawang palad atsaka pumwesto na para panoorin ang kasintahan sa pagluluto.
Matapos naman nilang kumain ay nag-ayos muna si Stephanie ng mga gamit atsaka nagpunta na rin sila sa Los Baños. Hapon na silang nakarating. Nabanggit din niya na magdi-dinner sila ni Kristal at in-invite niya ito upang makasama.
"I'll try," maiksing banggit nito kasabay ng pagkibit ng balikat. Medyo nalungkot naman si Stephanie sa tugon na iyon ng kasintahan. Feeling niya kasi dapat kasama niya ito sa dinner na iyon. Feeling niya dapat tulad niya, gusto rin nitong i-maximize yung time nila together lalo na ngayong special na araw niya. Pero mukhang nagdadalawang isip pa ito para dun. Nais niya ring ipakilala na si Marco kay Kristal as her boyfriend.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
General FictionSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...