Dumaan ang mga araw at mapapansing lalo pang nagkakalapit sina Marco at Stephanie. Hindi na rin naman siya binantaan pa ni Graciella simula noon kaya tahimik ang buhay niya, maliban na nga lamang sa manaka-nakang bulungan ng mga kababaihan sa tuwing nakakasama niya si Marco. Hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito, sabi na rin ni Marco.
"Steph, we'll be having a Grand Alumni Homecoming, invite kita ha. You'll be my date." Seryoso at may pinalidad na usal ni Marco kay Stephanie, minsang kasabay nila itong mag-lunch. Kasama niya si Kristal at kasama naman nito sina Jace at Christian. Kasama rin nila ang dalawang babae mula sa counterpart nilang sorority, ang Sigma Delta, sina Jackie at Kaye. Mababait sila sa kanila ni Kristal at kahit mayayaman ay tunay namang nakikisama sa kanila. Naging kaibigan din nila ang mga ito sa pag daan ng mga araw.
"Ikaw rin, Kristal, sama ka." Pagpapatuloy pa nito.
Hindi talaga uso sa taong ito ang magtanong muna kung okay lang sa kanya, laging pa-utos? Usal ni Stephanie sa loob- loob niya.
"Parang pinilit lang naman ako." Kunwari pang tampo nito.
"Hindi ah." Si Marco.
"Kayong dalawa ang guest namin. Si Rose din pala, isasama natin." Nakangiti namang segunda ni Christian na sinag-ayunan ng mga kasamahan niya.
"Pero, kasi..." Nag-aalangan namang tugon ni Stephanie. Kasi naman, wala siyang damit na pwedeng isuot doon. Alam naman niyang formal pag ganung event at sabi nga nila, sa isang exclusive na resort sa Pansol gaganapin iyon na alam niyang pang-mayaman yun.
"Huwag ka ng tumanggi, girl. Okay naman na rin kay Kristal, diba?" Sabi ni Jackie na lumingon pa kay Kristal na mabilis namang tumango.
"At ito ang isuot mo oh, ang ganda at bagay sa 'yo tong suot mo nung prom nyo oh." Sabi naman ni Kaye na tinitingnan pala ang mga prom pictures nila sa Facebook last February.
"Patingin nga." Usisa rin ni Jackie. "Ay oonga, bagay na bagay sa 'yo yung gown mo."
"Uy, sino to ha? Makangiti naman tong si kuya, parang naka-jackpot." Sabi ni Kaye. "At may nag-comment pa kung sinagot mo na raw. Tingnan mo Marco, tingnan mo dali para magselos ka, hahaha." Ang kulit lang ni Kaye habang ipinakikita kay Marco yung picture.
Tumambad naman sa kaniya ang larawang naka-tag si Stephanie at nakapulupot pa ang kamay ng kumag sa bewang ng kanyang si Steph. Silang dalawa lang sa picture. In-slide pa ni Kaye yung picture at kuha naman nung nagsasayaw sila ang nakita niya. Nakapulupot ang dalawang kamay nito sa bewang ni Stephanie at nasa magkabilang balikat naman nito ang kamay ni Stephanie. He suddenly became tensed and unconsciously balled his fist and clenched his jaw.
"Ah, si Dave 'yan, batchmate namin." Sagot naman ni Stephanie nang mahulaan kung sino yung sinasabi nila.
"Nanligaw yan kay Steph kaya kung makangiti yan diyan, wagas. Kala mo nanalo sa lotto" Segunda naman ni Kristal.
"So ano, sinagot mo nga? Wala kasing reply dun sa nagtanong dito sa FB eh." Sulsol na tanong naman ni Jackie. Umiling naman si Stephanie rito bilang tugon.
"Di ba nga, NBSB." Nakakaloko namang dagdag pa ni Kristal. Siniko naman ni Stephanie ito atsaka inirapan pa ang kaibigan.
"Bro, relax. Di naman pala naging sila eh." Biro ni Chris habang mina-massage kunwari ang balikat ni Marco.
"Eh walang wala naman 'yan sa manok namin eh, hahaha." Sulsol pa ni Jace na ikinatawa na rin ng iba pa.
"Tss! Ano ba? Tigil nga!" Asar namang tinabig ni Marco ang kamay ni Chris na nasa balikat niya.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
General FictionSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...