Sabado, ika-labingwalong taong kaarawan ni Stephanie. Para sa karamihang kabataang babae, pinananabikan nila ang pagsapit ng ganitong araw sa buhay nila. Syempre nga naman, debut yun eh. And having a debut party is a dream of every girls, yung magsusuot ng gown, may program, invited yung mga friends and love ones, may cotillion and foods everywhere. Pangarap din yun ni Stephanie, kaya nga lang alam naman niyang hindi yun mangyayari, hanggang imagination na lang niya yun.
Sabi ni Kristal sa kanya, magdi-dinner daw sila mamaya, sagot daw niya, kaya ayun na bale ang celebration niya. But knowing Kristal, marami itong pakulo tuwing birthday niya. Mga simpleng surprises lang naman. Tulad na lang dati ng ipa-announce pa nito sa buong school ang birthday niya nang hindi niya nalalaman. Kaya naman nung pumasok siya, halos lahat ng tao ay bumati sa kanya. Meron pa ngang nagbigay ng mga simpleng regalo at nangharana sa kanya. At sa bulletin board ng department nila, naka-post dun yung pagbati sa kanya. Simpleng effort lang yun ni Kristal na nagresulta sa mga pinagsamang simpleng effort din ng ibang tao, pero sobrang saya na niya.
Ngayon, tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing kaarawan niya, naririto na naman siya at dumadalaw sa mga magulang niya. Magkatabi ang puntod ng mama at papa niya. Noong ililibing ang mga ito, maraming tumulong sa kanila upang mabigyan ng disenteng libing sa memorial park ang mga magulang.
Nagdala siya ng mga bulaklak buhat sa kanyang mga tanim at maayos na isinalansan sa puntod ng mga magulang. Hindi tulad ng dati na lagi siyang umiiyak sa tuwing dumadalaw sa mga ito, ngayon ay pipilitin niyang huwag tumulo ang mga luha habang masayang kinakausap ang puntod ng mga magulang. Mapayapa ang pakiramdam niya sa tuwing dumadalaw sa kanila. Pakiramdam niya ay talagang naandun din ang mama at papa niya at nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Ma, Pa, eighteen na po ako." Nakangiting banggit niya sa mga ito. "Sabi nga ng iba, dalaga na raw pag eighteen na ang isang babae, hindi na raw menor de edad. Ma, Pa, may nanliligaw po sa akin, medyo matagal-tagal na rin, Marco Antonio del Viejo po ang pangalan. Mabait po siya, sweet, maalalahanin at nararamdaman ko pong mahal niya talaga ako. Mahal ko na rin po siya, Ma, Pa. Sa katunayan nga po, unang kita ko pa lang sa kanya noon, crush ko na siya eh, hehehe. Pero ngayon, sigurado na po ako sa nararamdaman ko sa kanya. Ganun po pala yun, no? Kapag inamin mo na sa sarili mong mahal mo ang isang tao, parang lalo pang lumalala yung pakiramdam mo, parang mas lalo mo siyang minamahal. Yun bang parang kulang yung dibdib mo para pagkasyahin yung tibok ng puso mo. Tapos yung tiyan mo, parang laging may kabag, naninigas, masakit na ewan. Pero masarap po sa pakiramdam. Ganun din po ba naramdaman ninyo sa isa't isa? Alam ninyo po, gusto ko na po sana siyang sagutin, Ma, Pa, okay lang po ba?" Kasabay nun ay biglang may mabining hangin na umihip sa paligid na ikinangiti niya.
"Ibig po bang sabihin nun, pumapayag kayo?" At mahina siyang tumawa. "Kaya lang, wala po siya ngayon eh. Hindi po sila nakauwi kahapon galing Pampanga, na-extend po yung ginagawa nila doon. Gusto ko nga po sanang makasama siya ngayong birthday ko eh. Hayy, Ma, Pa, ipagkakatiwala ko na po sa kanya itong puso ko. First time ko po kaya di ko alam kung ano'ng ie-expect ko. First time ko po, pero nararamdaman ko po sa sarili ko na siya lang ang lalaking iibigin ko. Pero Pa, huwag po kayong magselos ha, hehehe. Siyempre po, ikaw ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko, mahal na mahal ko po kayo, kayo po ni mama." At huminga siyang malalim.
"Miss na miss ko na po kayo." Kasabay nun ay may tumulong luha mula sa kanyang mga mata. "Ano ba 'yan, sabi ko di ako iiyak ngayon eh," sabay pahid ng pisngi subalit umaagos pa rin ang kanyang mga luha.
"Gustung gusto ko na po ulit maramdaman mga yakap ninyo, tulad noon sa tuwing naglalambingan tayo. Nami-miss ko na po yung pag-aalaga nyo sa akin lalo na kapag may sakit ako. Kasi ngayon, wala ng nagpupunas sa aking katawan para bumaba lagnat ko, walang nagsusubo ng pagkain at nagpapainom ng gamot. Miss na miss ko na po yung pag-aalaga ninyo." Tuluyan na ngang umiyak si Stephanie habang nakaupo at nakaharap sa puntod ng mga magulang.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
General FictionSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...