Chapter Eight

9 1 0
                                    

"You look so stunning!" Tila napapantastikuhang usal ni Marco ng mabungaran niya si Stephanie, matapos ang ilang sandaling pagkakatigil sa kinatatayuan. He is really in awe by the beauty in front of him. Bagay na bagay dito ang gown na suot. She's so sexy and really stunning. Kitang kita ang kurba ng kanyang katawan, ang dibdib at puwitan nito ay naemphasize din dahil sa pagkakalapat ng damit sa kanya. Manaka-naka niyang naaaninag ang makinis nitong binti sa likod ng transparent na tela. Ang buhok nito ay nakataas na medyo messy ang style at may nalalaglag na ilang hibla sa gilid at likuran. Napaka-refreshing din ng make-up nito. Light lang pero eleganteng tingnan. Ang alam niya, sa apartment na rin nina Stephanie nag-ayos sina Kaye at Jackie. These two know how to do their hair and face so no need to hire somebody. Malamang, sila-sila rin ang nag-ayusan sa sarili nila.

"Oh, ano! Tulaley ka diyan, no! Well, may I present you, Ms. Stephanie Francisco. Make-up, care of Kristal and hair, care of Kaye." Proud na proud na sabi ni Jackie. At lahat sila ay pare-parehong handa na. These four ladies are all stunningly beautiful but of course, his Stephy stands out the most.

"Eh ano namang care of mo?" Tanong ni Jace na kakarating din lang, kasunod si Christian at Rose. Sumama sila dahil napag-trip-an nilang convoy na lang sila pagpunta sa venue para sabay-sabay sila.

"Excuse me! Ako yata ang pumili ng gown ni Stephy!" Pagmamalaki naman ni Jackie.

"Oh siya, sige. Tara na at baka ma-traffic pa tayo diyan sa Junction." Putol naman ni Kaye. Nagsi-gayak na nga sila. Si Rose ang kasabay ni Christian sa kotse nito.

"Ah Steph, kay Kaye ako sasabay ha." Paalam ni Kristal sa kaibigan.

"Ha? Hindi, kasabay kita." Protesta naman niya.

"Ano ba. Napag-usapan na namin ito ni Kaye. Sa kanya na ako para ma-solo mo si Papa Marco, ahihi." May halong panunuksong pahayag pa nito.

"Pero..." usal pa nito habang hinihintay si Kristal na nagla-lock ng unit nila.

"Sige na, okay na. Masaya ako for you and I want you to enjoy the moment to the fullest."

"Oo girl. Safe naman sa akin si Kristal, hahaha." Natatawa pang wika ni Kaye na sumabad na sa usapan nila.

Hindi na siya nakapag-react pa ng kunin na ni Marco ang kanyang kamay upang alalayan paglabas.

"Hoy Jackie, sa akin ka na sumabay. Wala akong kasama sa kotse ko." Narinig pa niyang usal ni Jace.

"Ang sweet mo namang mag-alok. " Usal naman ni Jackie habang lahat sila ay papalabas na ng compound. Wala kasi ang sasakyan nito dahil naibangga niya one time sa concrete barrier kaya hanggang ngayon ay nasa pagawaan pa. Buti na nga lang at walang masamang nangyari sa kanya, hindi rin naman kasi ganung kalakas yung impact ng pagbangga niya. Nagkaroon lang ng dent yung bumper pero okay naman siya.

Habang lumalabas sila ay mapapansing pinagtitinginan sila ng mga estudyante na nakatambay sa loob ng compound. Naiilang namang napayuko na lang si Stephanie subalit bigla siyang nanigas ng ipulupot ni Marco ang braso nito sa kanyang bewang habang seryosong inaalalayan ang kanyang paglalakad.

Nang makarating sila sa kotse nito, pinagbuksan muna siya nito ng pintuan at inalalayang makasakay, seryoso pa rin ang mukha nito. Ano na naman kayang problema nito? Akala ko nagustuhan niya ang ayos ko pero parang hindi naman. Ano kayang mali sa akin? Nababaghang tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Marco ng lumigid upang sumakay na rin. Nauna ng makaalis ang tatlong kotseng kasama nila pero hindi pa rin pinapatakbo ni Marco ang sasakyan, in-start palang niya ito. Nang tingnan niya ang mukha nito, seryoso ito na nakatingin sa loob ng compound na pinanggalingan nila.

"Ahm Marco, may problema ba? H-hindi mo ba nagustuhan ayos ko? G-gusto mo, bababa lang ako para magpalit. K-kaya lang wala na kasi akong..." Napigilan siya sa pagsasalita at sa tangkang pagbubukas ng pintuan ng kotse ng hawakan siya ni Marco sa braso.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon