Chapter Thirteen

9 1 0
                                    

Tapos na ang semester at kinukuha na lamang ng mga estudyante ang kanilang mga classcards. Masaya si Stephanie dahil sa dalawang semester niya sa pag-aaral ay lagi siyang nasa Honor Roll list ng department nila. Mahirap ding pagsabayin ang pag-aral at pagtatrabaho, naisip pa nga niya na kung tutok lang siya sa pag-aaral, baka sana naging College Scholar siya. Pero anupaman, laking tuwa na niya dahil kasama pa rin siya sa Honor Roll. Balak niyang mag-enrol ng dalawang subjects sa summer class at ipagpatuloy ang pagtatrabaho bilang service crew sa fastfood. Maayos at malinis siyang magtrabaho kaya naman natutuwa sa kanya ang management at itinutuloy lang ang pagre-renew niya ng kontrata rito.

Samantala si Marco naman ay consistent na College Scholar. At sa kasalukuyan ay naghahanda silang magkakaibigan upang mag-OJT.

Magkakasosyo ang pamilya nina Marco, Jace at Christian sa isa sa pinakamalaki at sikat na real estate company ng bansa, ang Southville Land Corporation. Ang ama nina Jace at Christian at ang kapatid ng kanyang mama na si Tito Rafael ang mga orihinal na nagtayo ng kumpanya. Nang makaranas ng pagkalugi ang kumpanya ilang taon na rin ang nakakaraan, tumulong ang papa niya upang makaahon ito at ngayon nga ay sila na ang may pinakamalaking share rito. Sa kasalukuyan ay nasa pamamahala ni Tito Rafael ang share niya, bilang takapagmana ng ama,at sa pagkakataong makapagsimula na itong mag-trabaho ay saka tuluyang isasalin sa kanya. Sa kumpanyang iyon din sila mag-o-OJT.

Bago magsimula ang summer class at OJT nila ay napag-isipan nilang mag-outing muna. Napagdesisyunan nilang sa Boracay ito ganapin sa loob ng kahit apat na araw lamang. Noong una ay alanganin pa si Stephanie. Siyempre gusto niyang sumama dahil andun si Marco pero iniisip niya ay ang budget at ang isusuot niya. Ayaw naman niyang ipaubaya kay Marco ang lahat ng gastusin niya subalit mapilit ito at sa huli ay ito rin ang nasunod. Ipinagpaalam din siya nito sa mga tiyuhin at halos ipagtulakan pa siya ng mga ito sa pagpayag. Kasama nila sina Jace, Jackie, Christian, Rose, Kaye at ang kasintahan nitong si Franco, at sina Kristal at Jonathan na nagiging ka-close na rin ng buong grupo.

"Tal, di ba mga bikini talaga isinusuot sa Boracay? Ayokong mag-ganun!!!" Nababahalang sabi ni Stephanie sa kanyang bestfriend.

"Ano ka ba, pwede namang hindi bikini, kahit ano'ng swimwear lang no. Atsaka bakit ayaw mo, pagkakataon mo ng akitin si papa Marco, ayiiie!!!" Panunukso naman nito sa kaibigan na may kasama pang kiliti sa gilid nito.

"Tse, ano ka ba? Anong akit-akit ang pinagsasasabi mo diyan? Umayos ka nga!" Irap nito sa kaibigan habang iniiwas ang sarili sa pangngingiliti nito. "Tulungan mo na lang ako. Rash guard na lang bibilhin ko para isuot, pwede naman yun di ba?" Tanong pa nito.

"Hello, chance mo na para i-flaunt yang katawan mo no, bat ka pa magra-rash guard? Ako nga eh, naiisip ko na ang mga isusuot ko. Mamaya ha, bili na tayo."

"Oo, bibili tayo mamaya. Pero naman, Tal! Hindi naman ako sanay mag-suot ng mga ganun eh."

"Ano ka ba, ang ganda nga ng katawan mo no! Tingnan mo naman ang boobs at puwet, pak na pak! Maglalaway yang jowa mo pag nakita kang ganun ang ayos." Sabi pa ni nito sabay tawa na tila nag-iimagine pa.

"Grabe naman yang bibig mo." Namumulang sabi naman ni Stephanie. "Basta, hindi ko kaya yang mga sinasabi mo. Ipili mo na lang ako ng medyo subtle na swimwear ha."

"Hay naku! Bahala ka. Basta ipipili kita ng babagay sa'yo." Sabi na lang ni Kristal.

"Steph!!! Kristal!!!" Medyo malayo pa sa kanilang unit ay rinig na rinig na ang pagsigaw ni Jackie.

Agad namang binuksan ng dalawa ang pinto. "Grabe din talaga bunganga mo, Jackie ano? Parang di anak-mayaman kung makatili." Pang-aalaska ni Kristal dito. Kasunod naman nito sina Kaye at Rose.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon