Chapter Four

15 1 0
                                    

Author's Note

Oh yeah guys, Tommy Esguerra as Marco Antonio del Viejo. Nagugwapuhan lang talaga ako nang sobra sa batang ire eh (ayiiie!!!) Galing po ulit kay google image yung photo ;)

Enjoy reading! :)


Nagdaan ang mga araw at unti-unti na ring nagagamay ni Stephanie ang kanyang schedule sa pag-aaral at trabaho. Medyo flexible din naman ang schedule niya sa fastfood dahil estudyante siya at alam ng pamunuan nito na maaaring maiba ang oras nila dahil sa pag-aaral at iba pang gawain, dapat lang na magpaalam ahead of time.

Masaya naman si Stephanie dahil lagi niyang pinananabikan ang pagkikita nila ni Marco sa classroom. Bihira niyang makita itong nakangiti kaya sa tuwing matyetyempuhan niya ang pagngiti nito ay tila ba nais niyang kunin ang cellphone niya upang ma-picture-an ito para pwede niyang titigan kahit anong oras. Kaya lang, syempre nakakahiyang basta na lang niyang picture-an ito at isa pa, di ganun kaganda ang camera ng cellphone niya.

Natutuwa siya dahil nagiging ka-close niya ang mga ka-grupo niya, lalo na si Rose. Magaan ang pakiramdam niya sa mga ito. Kahit na mayayaman ang mga kagrupong lalaki, maayos silang pinapakisamahan ng mga ito, although naiilang talaga siya kay Marco. Napansin din niya na kahit mukhang palikero ang mga ito ay may angking talino naman sa klase, talagang may maipagmamalaki. At dahil doon, lalo siyang humanga kay Marco. Idagdag pa na mabait ito sa kanya. Parati na rin siya nitong hinahatid sa susunod niyang klase. Ayaw niyang mag-assume pero sobrang kinikilig siya.

"Girl ha, may hindi ka sinasabi sa akin," panimula ni Rose minsang naghihintay silang magsimula ang klase. Konti pa lang silang naroroon sa classroom nila.

"Ha? Ano yun?" tanong naman niya.

"Hinahatid ka pala ni Marco lagi sa kasunod na klase mo ah."

"Malapit lang kasi naman yun dito sa classroom natin no, nakakasabay lang."

"Sus, palaging nakakasabay? Hay nako girl, wag mo ng i-deny," nanunuksong sabi pa nito na ikinangiti na lang niya bilang tugon. "Pero girl," pagpapatuloy pa nito, "medyo beware ka lang ha. Alam mo naman siguro ang image niya rito sa campus when it comes to girls, baka lang kasi masaktan ka in the end." Nalungkot siya sa sinabing iyon ni Rose. Oo, aware naman talaga siya dun at kahit wala pa man, nasasaktan na siya sa isiping baka pinagtitripan lang siya nito dahil nararamdaman na niyang lumalalim ang pagtingin niya para rito.

"Advise lang naman yung sa akin ha, wag mo sanang masamain."

"Hindi, ano ka ba? Gusto ko pa ngang mag-thank you sa concern mo. Alam ko naman yun, yaan mo mag-iingat ako," sabay malungkot na ngumiti ito sa kausap.


"Steph, you know I'm happy for you na nai-inlove ka na, kaya lang natatakot din ako para sa 'yo," sambit ni Kristal. Kinukwento niya rito ang damdaming nararamdaman para kay Marco.

"Love na ba 'to? Kasi parang ang bilis naman ng mga pangyayari eh," medyo naguguluhang tanong niya sa kaibigan.

"Ano ka ba? Feeling mo naman crush crush pa 'yan, pang-highschool lang yun no. Atsaka base sa mga kinukwento mo at nararamdaman mo, yun na yun! Ganyang-ganyan din ako noon kay Jonathan noong ma-realize ko na mahal ko rin siya. "

"Masaya ang pakiramdam ko, Tal. Kaya lang malabo namang magustuhan niya rin ako. Ayokong maging asyumera pero nag-aassume din ako na baka may patunguhan 'to. Pero dahil sa kilala kasi siyang palikero, parang nasasaktan na agad ako. Alam mo yun, natatakot akong mapaglaruan. Nasasaktan agad ako na baka wala lang naman talaga sa kanya yung paghatid-hatid sa akin sa kabilang classroom at yung pagiging sweet niya, tapos ako naman itong si tanga, assume pa ng assume, waahh!!!" litanya niya sabay gulong sa kama.

Sana Maulit MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon