"Please Marco, please. Gusto ko talaga eh." Pangungumbinsi ni Stephanie sa kasintahan. Katatapos lang ni Rose mag-wall climb at gusto rin niyang i-try. Nasa harapan sila ngayon ng Student Union building kung saan nagtayo ng facility for wall climbing ang ilang student organizations para sa Fair event ng university.
Mataman naman siyang tiningnan ni Marco at sinuri ang kanyang suot na damit. Naka-black leggings siya at may kahabaang white t-shirt. Kagagaling lang niya sa PE class na kung saan ito ang last na klase niya ng araw na iyon.
"Okay, sige." Sabi ni Marco na medyo alanganin pa ang mukha pero pumayag na rin.
Yey!" Natutuwa naman si Stephanie na napa-palakpak pa sa sobrang saya. Napangiti na lamang si Marco sa nakitang kasiyahan sa mukha ng girlfriend. Sa loob ng halos isang taon ng kanilang relasyon, alam na alam na niya na madali lang talagang pasayahin ang babaeng minamahal. Kahit sa maliliit na bagay, natutuwa na ito.
Pumunta naman agad si Stephanie sa lalaking nag-aayos para sa mga gustong umakyat. Isinuot na niya ang helmet at ng akmang iba-buckle na sa kanya yung harness sa may tiyan niya ay biglang sumulpot si Marco sa pagitan nila.
"Let me. I know how to." Atsaka kinuha nito ang pang-buckle at siya na ang naglagay kay Stephanie. Hinayaan naman siya ng lalaki pero nanood naman siya upang masigurong tama ang pagkakalagay nito. Nang masigurong okay na ang lahat, pumwesto na si Stephanie sa may dingding. Si Marco naman ay malapit lang sa isa pang lalaking nakahawak sa kabilang rope na tutulong kay Stephanie upang hindi mahulog.
Nagsimula ng umakyat si Stephanie. Nang nasa bandang gitna na siya, may narinig si Marco sa bandang likuran niya. "Yeah, baby. Nice butt." Mula iyon sa isang lalaki at ng lingunin ni Marco ay nakakalokong nakangiti habang ngumunguya ng bubblegum at nakatingin sa itaas, kung saan naroroon si Stephanie. May kasama itong dalawang lalaki na nakatingala rin at nakangiti. Masama niyang tiningnan ang tatlo nang mapansin siya ng mga ito. Magsasalita pa sana siya nang biglang may sumulpot sa likod ng mga ito at mabilis ng niyaya ang tatlo at umalis na rin.
Mahinang napamura si Marco. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya alanganin siyang payagan si Stephanie na mag-wall climbing eh. Sa suot nito, mae-emphasize talaga ang puwet nito lalo pa at wala na itong pakialam kung paanong ibuka ang mga binti sa pag-akyat sa dingding. Gusto na sana niyang pababain ang kasintahan nang marinig niyang chini-cheer siya ng mga kasamahan nila. Kumpleto ang buong grupo sa pamamasyal sa naturang fair na iyon.
"Go Steph!" Halos sabay-sabay na turan ng mga kaibigan at may kasama pang hiyawan. Malapit na kasi siya sa dulo. Pero dahil maliit lang ang kasintahan, nahihirapan siyang abutin yung hawakan. Napapansin din niyang nangangalay na ang kamay nito dahil bahagya pa nitong pinapagpag ang kanang kamay upang ma-relax.
"Go, baby!" Encourage niya sa girlfriend. Maya-maya pa ay bahagya itong yumukod upang kumuha ng tyempo at tumalon upang maabot ang isang hawakan. Napa-palakpak naman ang mga tao sa paligid niya dahil sa ginawa nito. Siguro ay higit na rin ng mga nanonood ang kanilang hininga at inaabangan kung maaabot ni Stephanie ang last last touch kaya natuwa sila sa ginawa ng dalaga. Nang maabot na nito ang tuktok ay dahan dahan na rin itong ibinaba.
"Ang galing! Nakita mo, naabot ko yung pinakataas." Masayang kwento ni Stephanie kay Marco habang humihingal pa. Kinakalag naman ni Marco ang harness nito habang ngiting ngiti sa nakikitang tuwa sa mukha ng kasintahan.
"Yep, you're great. Galing ah, nakaka-proud." Sabi pa nito habang pinupunasan ang pawis na nasa noo ni Stephanie.
Matapos noon ay makulit na naglakad-lakad ang grupo. Hindi talaga maiiwasang pansinin ang mga kalalakihang kasama dahil na rin kilala talaga ang fraternity nila sa buong university.
"O, ferris wheel naman." Aya ni Jace.
Agad na tumingin naman si Stephanie kay Marco. "No, not those rides." Pinal na sabi nito kay Stephanie tukoy sa ferris wheel at sa iba pang rides na naroroon.
"Okay." Sabi ni Stephanie rito at ngumiti. Ang iba naman ay nauna ng pumila upang bumili ng ticket at naiwan silang dalawa sa labas upang maghintay na lamang sa mga kasama.
Ito rin ang isa pang katangian ni Stephanie, submissive ito pero hindi naman sa puntong wala na itong disposisyon sa buhay. Iginagalang lang nito kung ano ang sa tingin ni Marco na makabubuti sa kanya.
Habang hinihintay ang mga kasama ay naupo muna sila sa damuhan ng Freedom Park habang kumakain ng inihaw na mais. Madilim na rin sa park ng mga oras na iyon.
"Malapit na graduation nyo." Unang salita ni Stephanie.
"Yup, two months na lang."
"Anon'g gusto mong gift?" Masiglang tanong ni Stephanie at kumagat sa mais.
"Anak!" Seryoso ang mukhang sagot ni Marco.
Natigil naman sa gagawin sanang pagkagat si Stephanie sa tinuran ng kasintahan. Tumingin siya rito na tila hinahanap ang katotohanan sa mukha nito. Sabay bunghalit naman ng tawa si Marco.
"Your face! If you could only see your face, so epic, baby." Sabi pa nito sa pagitan ng pagtawa.
"Hmp, grabe ka naman. Pinagtitrip-an mo na naman ako." Nakasimangot na tugon naman ni Stephanie.
Niyapos naman siya ni Marco habang impit pa rin ang pagtawa.
"Ikaw naman, hindi na mabiro. Nakakatawa lang talaga yung shock sa mukha mo. Eh sa yun naman talaga gusto kong gift from you eh. Bear my child, but not now. Siguro few years from now. Masyado ka pang bata." Nakangiti na niyang wika rito.
"Makapagsalita naman ito, akala mo eight years old lang ako ah. Four years lang naman ahead mo sa akin."
"Malaki na rin ang agwat nun."
"So, sugar daddy lang ang peg mo, ganun?"
"Sa gwapo kong ito, sugar daddy ang tingin mo?" Sabi pa nito habang ipinupungay pa ang mga mata.
"Sus, di ka naman nahahawa kay Jace sa kayabangan, no?" Pambabara naman ni Stephanie rito.
"Sige nga, sabihin mong hindi ako gwapo."
"Ayoko nga. Kasi, ikaw naman talaga ang pinaka-gwapo para sa akin." Matamis na sabi ni Stephanie. Bahagya namang natigilan si Marco sa sinabing affection ni Stephanie sa kanya. Kahit marami na siyang naririnig na paghanga mula sa ibang tao at kadalasan ay mula sa mga kababaihan, iba pa rin ang epekto sa kanya kapag ito na ang nagsabi. Napaiwas tuloy siya ng tingin dito. Napansin naman ni Stephanie ang reaksyon niya sabay tukso rito. "Uy, kinilig siya," pang-aalaska nito.
"Hindi ah!"
"Eh bat namumula yang tenga mo." Hirit pa nito habang hinahawakan ang tenga nya.
"Tss..." Iwas naman ni Marco pero patuloy pa rin ang pangungulit ng kasintahan. Maya- maya ay hinawakan nito ang kamay ni Stephanie at walang pasabing hinalikan ito sa labi. Natigagal naman si Stephanie at dahil sa gulat ay napaawang ang mga labi nito. He then took that opportunity to slip his tongue inside her mouth ang deepen their kiss. Bago pa makatugon ang kasintahan sa mga halik niya ay itinigil na niya. Humihingal siyang kumalas ditto at maya-maya ay hinarap ang kasintahan. "Now, that's blushing." Tukoy niya rito habang nakatulala at namumula ang mga pisngi. Tumingin pa ito sa paligid pero buti na lang at puro busy ang mga tao kaya mukha namang walang nakapansin sa kanila. This is the first time he did that kind of kiss with her on public.
Nakasimangot namang pinagkukurot ni Stephanie ang tagiliran ni Marco habang tawa ng tawa at umiiwas sa pangungurot nito. "Ikaw talaga! Bat mo ginawa yun? Ang sama mo!"
"Ako, masama? Nasarapan ka naman eh." Pang-aasar pa nito.
"Marco!" Halos pasigaw na usal nito dahil sa bigla sa sinabi niya.
"Hahaha, come here." Kinabig niya ang kasintahan at inihilig sa kanyang dibdib. "Okay, I'm not going to do that again on public, but I'm not sorry kissing you. I love you, baby." Usal nito sabay halik sa tuktok ng ulo nito.
"AndI love you too, Marco." Sagot nito sabay siksik ng ulo sa dibdib ni Marco.
Ito lang po muna ang nakayanan ko. Sa susunod ulit. Please click vote, share and comment na rin. Thanks sa support.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
Ficción GeneralSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...