Malapit ng matapos ang klase niya sa PE nang may mga anasang naririnig sa paligid si Stephanie. Hindi naman niya mausisa kung ano ang pinagkakaingay ng ilang mga kaklase dahil busy siya sa pagsusulat ng lesson. Lecture lang kasi ang PE1 na subject na iyon kaya walang masyadong pisikal na gawain.
"Shocks, ang gwapo talaga niya, ba't kaya siya naandito?" Narinig pa niyang usal ng babaeng nasa likuran niya habang kinikilig. Bigla naman siyang na-curious pero hindi pa rin niya magawang lumingon dahil malapit ng matapos ang klase pero ilang sentences pa ang kailangan niyang isulat. Sakto namang natapos siya nang mag-dismiss ng klase ang prof nila. Lalo namang lumakas ang anasan ng mga kaklase niyang babae. Sino bang sinasabi ng mga ito? Pag lang hindi kasing-gwapo ni Marco yung pinag-uusapan nila, hay naku, ewan ko na lang, nacu-curious na usal niya sa sarili.
Pagkalabas niya ng classroom, agad namang bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Marco. Naka-white t-shirt ito at maong pants. As usual, nakatali ang buhok nito. Nakasandal ito sa barandilya ng pasilyo malapit sa classroom nila. Inalis nito ang suot na shades nang makita siya at lumapit sa kanya. May narinig pa siyang ilang kaklaseng napasinghap na nakatingin sa kanila pero inignora na lamang niya ang mga ito dahil na rin sa nararamdamang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Sinusundo ka. Tara, sabay na tayong pumasok sa Psy." Nakangiti namang tugon nito.
"Ha?"
"What? Wala naman sigurong problema kung magsasabay tayo, di ba?"
"Wala naman, pero ..."
"No more buts, tara na." Sabay akay sa kanya nito na lalo namang ikinatingin ng iba pang estudyante sa paligid nila. Naiilang naman siyang sumunod na lamang dito. Ayaw rin naman niyang gumawa pa ng eksena. Mag-iinarte pa ba siya?
Paglabas sa building na iyon ay hinahanap niya ang motorbike nito pero wala naman. Siguro, maglalakad na lang kami. Malapit-lapit lang naman yun eh, naisip pa niya nang biglang dumako sila sa nakaparadang black SUV. Hindi siya marunong sa mga sasakyan. Para sa kanya, basta kotse, iisa lang ang hitsura ng mga ito. Pero kahit na hindi siya marunong kumilatis ng sasakyan, masasabi niyang mamahalin ang isang ito dahil na rin sa style at tatak nito. Alam niyang mamahalin ang Audi.
Pinagbuksan siya nito ng pinto saka siya sumakay. Lumigid naman ito agad at sumakay na rin.
"Iyo rin ba 'to?" Tanong niya rito. Ano ba, malamang naman di ba?
"Yup, you like it?" Tugon nito habang ini-start ang sasakyan.
Tumango naman siya rito. Inilibot niya ang paningin sa loob ng sasakyan at talagang namamangha siya sa hitsura ng loob nito. Napaka-manly ng pagkakadesin nito at komportableng sakyan. Bigla naman siyang nagulat ng tumukod sa harapan niya si Marco. Pigil ang hiningang napatingin siya rito. Sobrang lapit na kasi ng mukha nito sa mukha niya. Halatang natuod siya nang bigla itong magsalita.
"Relax, I just want you safe," nakangiting usal nito saka inabot ang seat belt sa gilid niya upang isuot sa kanya. Namula naman siya habang itinuon ang paningin sa labas. Huminga muna siya ng malalim dahil tila kinakapos na siya sa hangin bago nagpasalamat dito at magkasama na nilang tinahak ang papunta sa kanilang klase.
Nung hapon ng Martes ay nag-meeting ang grupo nila matapos ang klase nila. Sa apartment nina Marco ang meeting place dahil na rin mas accessible ito mula sa huling klase ng bawat isa. Magkakasama sina Marco, Jace at Christian sa apartment na iyon. Mapapansing mamahalin ang upa sa naturang tirahan dahil na rin sa laki ng loob maging ng labas nito. Para na itong bahay sa laki at dahil pare-parehong may sasakyan ang mga nakatira, napuno ng iba't ibang klaseng kotse ang malawak na bakuran nito, andun din ang big bike ni Marco. Sa loob naman ay may sari-sariling kwarto ang magkakaibigan. Mapapansing malinis ang tinitirhan nila kahit na mga lalaki pa ang nakatira rito. Ginawa nila ang mga kakailanganin para sa gagawing visitation at interview sa isang hospital sa Mandaluyong sa darating na Sabado. Iyon ang napili nilang subject para sa topic ng kanilang major group project. May mga series of observation silang gagawin sa naturang ospital para sa mga pasyente roon. Mag-a-alas-syete na ng gabi ng matapos ang kanilang meeting. Nagpaalam na rin naman siya sa supervisor niya sa trabaho na hindi siya makakapasok.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
General FictionSYNOPSIS Can love heal the hatred from the past? Stephanie has nothing to do with the foolishness of her cousin, pero tila yata itinakda na siya ang magbayad nun. She loves Marco and he loved her. Yes, loved! Past tense! Ayaw man nya, pero di maiwas...