PROLOGUE:
"Madam, here's your bag" agad na iniabot sa akin ni Bruce—my own butler ang aking bag matapos kong lumabas sa NAIA.
Lumakad ako sa sasakyang naghihintay sa labas—isang puting limousine para sunduin ako at muling balikan ang nakaraan ko na matagal ko nang binaon sa limot. Ngunit kahit anong gawin ko, pilit pa din ako nitong sinusundan.
Giniya ako ni Bruce papunta sa limousine upang pagbuksan ako ng pinto. Agad akong huminga ng malalim bago ako pumasok.
Sa wakas, nakabalik na ako ng Pilipinas. Ito ang pinaka-hihintay ko—ang ipaghiganti ang pagkamatay ni Mama mula sa kamay ng mga SPIDERS. Tatlong taon na mula nang mangyari 'yon pero sariwang-sariwa pa rin sa ala-ala ko.
Isang hindi ordinaryong car accident ang pangyayari at isa lang ang tumatak sa isip ko; kailangan kong maghiganti, ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Mama!
"Shall we go now, Madam?" Tanong ni Bruce na agad ko namang sinagot sa pamamagitan ng isang tango.
Sa loob ng isang oras na byahe papuntang Underworld, isa lang ang tumatakbo sa utak ko—ang patayin ang dapat kong matagal ko nang pinatay at sila ang SPIDERS.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster (ON-GOING)
ActionAya Margarette Chen is the leader of a notorious gang named Golden Cobra Gang and the heiress of the Underworld. She became a gangster after the SPIDERS killed her mother 3 years ago. She's about to have a fight with the Black Scorpion Gang in the U...