A/N: Finally, official student council here for the next school year! Masaya ako kaya ako nag update. Nasabi ko sa sarili ko na nakalimutan ko na tong story ko hehe. Hope you'll like my update today. More power readers!
---
Aya's POV
Name: Jose Chen
Age: 72 years old
Date of Birth: August 29, 1943
Date of Death: November 28, 2015
Time of Death: 6:39 am
Yan yung nakalagay ngayon sa labas ng UW. 2 days had passed. Kakauwi ko lang galing sa burol ni Lolo. May suspect na kami kung sino ang may kagagawan nito. Nakatakas daw ang mga gumawa nito at pinaghahanap na ito ng mga tao sa UW at ng mga pulis. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nilang kahayupan sa pamilya ko.
Pagtapos nito, nasisiguro ko na kikilos ako para matapos na tong lahat.
Iniintay na nila ako sa burol ni Lolo. Nandito pa kasi ako sa Mansion, kung saan nakatira si Lolo at kung saan ako dati nakatira. Inaayos ko yung mga gamit ni Lolo para masunog na. Dito na din siguro muna kami titira ni Silver. Yung bahay na regalo ni Lolo sa amin siguro papalinisan nalang namin araw-araw.
Kasama ko si Silver, may inasikaso kasi kaming mahalagang bagay tungkol ito sa pagkamatay ni Lolo. Kung anong nangyari. Ang eksaktong pangyayari.
Hindi naman ako nag-aalala dahil nandon ang gang ko at gang ni Silver. Isa pa, nandon din si Amy at Amanda kaya wala naman akong dapat ikabahala. Pinababantayan ko ding mabuti ang burol. Dahil baka may mangyari pang hindi maganda.
"Mam Aya?" nagulat ako nasa likod ko na si Manang Ester. Napapitlag ako dahil sa biglang pagtawag nito sa akin. Agad naman siyang napakamot sa ulo.
"Ginulat nyo naman po ako Manang." napabuntong-hininga ulit ako at tumuloy sa paghahakot ng gamit ni Lolo.
"Kasi po kanina pa po ako katok ng katok di naman po kayo sumasagot, nag-alala lang po ako."
Bumaling naman ako dito at ngumiti ng matamis. "Thank you po." saad ko dito at muling tumalikod.
"Isa pa po pala, sabi po ni Sir Silver may mga pulis na daw po na dumating sa baba. Pakibilis nalang daw po." saad nito habang nahihiya. Tumango naman ako.
Binilisan ko nalang ang paghahakot ng gamit ni Lolo sa closet nito.
Nang matapos na ako, agad kong sinara ang bag na laman ng mga gamit nya. Binuksan ko na ang drawer ni Lolo ng makita ko ang kanyang wallet. Teka? Eto yung wallet na lagi nyang dala ah? Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko ang picture nila ni Lola. Nakaakbay sya kay Lola at nakahalik sya sa pisngi nito. Samantala, si Lola naman ay nakayakap dito at nakangiti.
Napangiti nalang ako ng mapait. May napansin akong isang papel na parang luma na. Akma ko sana itong kukunin ng marinig ko na ang sigaw ni Silver na tinatawag ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
She's a Gangster (ON-GOING)
ActionAya Margarette Chen is the leader of a notorious gang named Golden Cobra Gang and the heiress of the Underworld. She became a gangster after the SPIDERS killed her mother 3 years ago. She's about to have a fight with the Black Scorpion Gang in the U...