Chapter 27: Revelations

888 20 0
                                    

-1 Week Later-


Aya's POV


Isang linggo na ang nakalipas simula nung nakalabas ako sa ospital. Well, okay nanaman ako, kaso may problema pa akong isa. Napakalaking problema.


Tungkol kay Justin. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kanya bakit nya kami tinraydor ng gang. Ngayon, apat nalang kami sa gang. Tatlo nalang ang members. Wala na si Justin. At hanggang ngayon pinapa-imbestigahan pa rin naming sya.


Hindi ko alam kung anong motibo nya. Kaya ngayon nandito kami ng gang sa Underworld at nagtawag ng meeting. Kasama ang King of all the King (Lolo) at Queen of all the Queen (Lola).


Pinag-uusapan namin ngayon yung maaring maging motibo ni Justin kung bakit nya kami tinraydor.


"Well, kaya pala ganun ang kinikilos nya at lagi siyang wala kapag umaalis din si Cleo." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Derrik. Minsan lang to mag-seryoso na gantong kaseryoso.


Napa-sandal nalang ako sa swivel chair na inuupan ko ngayon at napahilot nalang ako sa sintido ng ulo ko.


"May nagawa ba ako sa kanya para gawin nila sa akin to ni Margarette?" nakapikit ko pa ring tanong sa kanila.


Dumilat naman ako at naalala ang sinabi sa akin ni Margarette na nakapagpa-puzzle sa akin.


"King, ano ba yung sinasabi ni Margarette na argh!" naiinis na saad ko sa mga ito.


"What do you mean Cleopatra?" naka-taas ang isang kilay nito sa akin.


"She said, she is my sister." Nakatingin ako sa mata nila habang sinasabi ang bawat salita na iyon.


Halata mo namang nagulat sila.


"Ano?!" nagulat ako sa reaksyon ng King at Queen.


Siguro nagtataka kayo kung bakit King at Queen ang tawagan naming ngayon? Kapag kasi once na tumuntong ka dito sa Underworld, kailangan mo silang galangin. At kailangang galangin nyo ang isa't-isa.


"What?" bored na tiningnan ko sila


"May kailangan ba akong malaman?" naka-taas ang isang kilay ko sa kanila at agad umayos ng upo.


Napabuntong hininga naman ang King at Queen. Nagtinginan sila na para bang may kailangan silang sabihin sakin. Nang tingnan ko naman ang Gang, nag-shrugged lang silang lahat. At muli, napatingin ako sa King at Queen.


"So what? Are we going to discuss that thing? If no, then I'll better go." Paalis na sana ako ng biglang magsalita ang Queen.


"Yes. It's true. She is your sister." Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng Queen. Wtf? Is this a nightmare? If yes, can you wake me up?

She's a Gangster (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon