Chapter Eight

5.5K 95 5
                                    

Vengeance Chapter 8

Promise

---

LG'S POV

"SIGE... uuwi na ako." She walks towards me and... kiss me on my cheek.

"Thank you talaga, LG.", she added bago umalis. Hindi ko na sya hinatid sa lobby dahil ayaw nya.

After what happened last night, I'm sure everything's gonna change.

Sinara ko na ang pinto. Linggo ngayon, ano bang pwedeng gawin?

Then my phone rang...

Ate Clare calling...

"Ay shit."

I answered the call. "Ano na naman?" I asked her in a rude voice.

Nakaka-inis!

"Sinabi ko kay Daddy yung nangyari..."

"Alam ko namang gagawin mo yan, what's new ate?"

"Pina-ban ka na ni Daddy sa bar. Bawal ka nang magpunta dun."

"Ano pa?" I asked na parang nang-aasar.

"In-inactivate ni Daddy ang ATM mo, pati credit cards. Hindi mo na pwedeng gamitin yun."

"Tapos?"

"Yung kotse mo, binabawi ko na. Pagpunta mo sa parking, wala ka nang maaabutan na kotse dun. Yun lang..."

Napa-mura nalang ako sa isip ko. Tanga ina lang. Ano bang mapapala nila kapag ginawa nila 'tong lahat?! Pati ba naman kotse ko?! Shet. Paano ako makakapasok sa trabaho?

"Okay. Patayin mo na kung wala ka nang sasabihin." I said na parang hindi affected pero ang totoo, gusto ko silang sigurin ni Daddy sa office. Bwisit! Ngayon lang nila ginawa 'to sakin! Twenty seven na ako, bakit kung ituring nila ako parang college student na nagrerebelde?

"Kung gusto mong mabalik yan lahat, layuan mo ang babaeng pokpok na-"

"Ate naman!" I yelled on the phone. Natahimik naman sya sa kabilang linya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi sya ganun?! Hanggang kailan nyo ba ako papakialaman?! Alam mo bang sampal sakin yung bawat masasamang salita na sinasabi mo sa kanya?! Ikaw lang naman ang may gusto na maghigpit sakin! Pinakialaman ko ba kayo nung David na yun?! Hindi naman diba?! Iniwan ka nya pagkatapos ka nya'ng-"

"Wag mong isama si David sa usapan!"

"You know what? Ang unfair mong Ate! Ikaw pwede, ako hindi?!"

"Ginagawa ko 'to para sayo!"

"Tama na, Ate! Marami ka nang nagawa, tama na!"

"Ito ang huling bilin ni Mama sakin, ang alagaan ka! Sana naman maintindihan mo!"

"Eh iniwan naman nya tayo diba?! Ni hindi ko nga sya kilala. At bakit patuloy mo pa sya'ng sinusunod?! Wala naman sya'ng kwenta!" I exclaimed.

"Fvck you!" My sister said before hanging up the phone.

Bwisit na buhay 'to! Ang aga-aga, ganito agad ang nangyari... gusto kong uminom pero paano?! Banned na ako sa bar namin.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon