Chapter Nine

4.9K 81 7
                                    

Vengeance Chapter 9

Bracelet

---

Pagdating ko sa bahay, agad akong humiga sa maliit kong sofa. Feeling ko pagod na pagod ako... hindi yung katawan ko. Kundi yung utak ko. Kanina ko pa kasi iniisip yung mga sinabi sakin ni Jules sa simbahan. Our conversation was short yet full of meaning.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Elaine. Hindi naman nawala yun. Kahit sino pa ang naka-relasyon ko noon, hindi naman talaga kita nakalimutan."

"P-pero... Jules."

"I know. Hindi naman kita minamadali. Please, Elaine. Just give me a chance. Ipapakita ko sayo yung mga hindi ko naipakita sayo dati. Elaine...", he hold my hands tighter.

Hindi ako nakasagot.

Ano ba ang dapat isagot? Alam kong may bahagi pa ng puso ko na nagsasabing... mahal ko pa rin si Jules. Pero... baka kasi nadadala lang ako ng mga nangyayari, ayoko na ulit sya'ng paasahin. Alam kong nasaktan ko na sya dati kaya... baka masaktan ko na naman sya.

"Tara na. I-uuwi na kita.", he offered nung napansin nya'ng hindi ako makasagot.

Habang nagmumuni-muni ako sa mga nangyari kanina, narinig ko namang may kumakatok.

Halos alas'otso na ng gabi. Sino pang tao ang mag-eefort na magpunta dito?

Palakas nang palakas at pabilis nang pabilis yung katok. Medyo kinabahan tuloy ako. Baka magnanakaw? Baka i-hostage ako? O kidnap with ransome. Sino tutubos sakin?... wala akong kamag-anak dito.

Pasimple akong sumilip sa bintana. Tutal may ilaw sa harap ng apartment ko, nakita ko kung sino yung tao.

Nakilala ko sya sa suot nya'ng relo.

I opened the door.

"LG!", halos mapasigaw ako sa gulat.

"Hoy. Winter. Eto naa yung bracelet moo.", napakunot ang noo ko nang magsalita sya.

"Lasing ka ba?", I asked him stupidly kahit alam kong oo. Pero akala ko ba... hindi sya umiinom nang hindi nya kaya. I mean... sabi nya kapag umiinom sya, nakaka-uwi pa sya pero ngayon... oo! Naka-uwi sya pero hindi sa bahay nya.

"Ayan. Sinauli ko na....-"

Muntik na kaming ma-out of balance nung bigla-bigla nalang sya'ng bumaksak sa akin. Ang bigat nya pero nagawa ko naman s'yang dalhin hanggang sa kama ko.

"Tubig...", I heard him whispered. Kumuha naman ako kaagad ng tubig.

"Oh. Eto na." Inabot naman nya agad yung baso. Bumangon sya ng konti para maka-inom. "Bakit ka kasi naglasing ng sobra? May pagkasira ulo ka rin e. Pinagmamalaki mo pa sakin na hindi ka umiinom nang hindi mo kaya! Eh ha- oh!"

"LG! ANO BA NAMAN YAN?!", hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong mapasigaw. Natapon nya yung baso ng tubig sa damit nya. Agad kong kinuha yun baso at kumuha ng twalya at ipinunas sa kanya 'yon.

Ayan. Basa sya. Lasing pa sya.

Huhubarin ko ba yung damit nya? Baka magkasakit sya pag hinayaan ko sya'ng basa eh. Tutal... lasing naman sya. Hindi nya namamalayan yung mga gagawin ko.

I started to pull up his shirt. Nasa kalagitnaan palang ako, bigla na akong napalunok.

Shit. Real abs.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon