Chapter Twenty Four

4.3K 90 7
                                    

Chapter 24

---

HINANG-HINA ako nang nakarating ako sa apartment ko. Halos gumapang na nga ako papasok habang umiiyak pa rin. Ano ba ang tingin nya sa akin? Hayop? Nung ginawa nya yun, hindi ko na sya makilala.

Isa lang ang sigurado sa akin. Maglalatay yung mga palo nya sa likod ko. Sana lang hindi backless ang ipasuot nya'ng gown sa akin bukas.

Nahirapan ako sa pagtulog dahil hindi ako makahiga nang maayos dahil sa likod ko. Alam kong kailangan ng hot compress pero syempre, hindi ko abot ang likod ko.

Sa umaga, may pasok pa kami hanggang alas'dose. Tapos kailangan nang maghanda ang lahat para sa biggest event ng Cornelia H.

Alas'syete na nang umaga nang magising ako kaya 8AM na ako nakapag-in. Pagpasok ko ay nagulat pa ako nang nandun na si LG sa table nya at naka-upo sa swivel chair nya. He's wearing a black long sleeves polo na nakatupi hanggang siko.

Ngayon naman, nakasuot ako nang red off shoulders at parang black na pencilcut skirt na hanggang tuhod pero magkadugtong talaga yung damit ko. Inshort, naka-dress ako. Medyo hapit sya sa katawan ko pero ayos lang naman sa akin. Nagsuot din ako nang 4 inches na wedge sandals na kulay red. Nung una, nagdadalawang isip pa ako kung magpapalit ba ako kasi may sumusungaw na latay sa likod kong gawa ng magaling kong boss kagabi pero nakita kong wala na akong ibang damit. Sana lang hindi mapansin ng iba dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila kapag tinanong nila ako kung saan ko yun nakuha.

"Good morning Sir Luke." Bati ko sa kanya at agad nag-iwas ng tingin. Ine-expect kong papagalitan nya ako dahil mas nauna sya'ng pumasok kaysa sa akin pero... wala akong narinig sa kanya. Umupo ako sa table ko at kinuha yung pinrint kong minutes of meeting kahapon. Awkward mang lumapit sa kanya... kailangan.

"Excuse me, Sir. Pa-sign lang po." I said at agad naman nya'ng inabot yung papers. Ni hindi manlang nya binasa. Basta piniramahan nya.

"Thank you po. Sir, itutuloy ko na yung pag-aayos dun sa mga files na hindi ko natapos kahapon. Tawagin nyo nalang po ako kapag may kailangan kayo."

I left the papers on my table dahil ilalagay ko yun sa report ko for this month. I proceed to the shelf and starts arranging. Ang tahimik ng buong office. Paghinga ko lang ang naririnig ko. Ang awkward pa dahil katabi lang nung table ni LG yung shelf na pinag-aayusan ko.

Narinig kong tumayo sya.

Takte! Buti naman at aalis sya. Hindi ako kumportable. Feeling ko, anytime pwede nya ulit gawin sa akin yun.

Nagdidiwang na ako sa isip-isip ko pero napawi ang lahat at napalitan ng kaba nang makita ko sya sa tabi ko at biglang hinawakan yung braso ko. Sa sobrang gulat ko...

"Sir wag!"

Agad ko namang pinakalma yung sarili ko. Akala ko gagawin nya ulit. "Sorry po. Nagulat lang ako." I shooked my head.

"Patingin ng likod mo..."

"Po?"

"Sabi ko patingin ng likod mo!" He almost shouted. Napaka seryoso nang mukha nya kaya lalong nakakatakot. Sa sobrang takot ko, I unzipped my dress at tumalikod para ipakita sa kanya yung likod kong siguradong kulay berde at lila na sa pasa.

I hold my clothes tight para hindi tuluyang mahulog. Likod lang naman ang ipapakita ko.

"Fuck." I heard him say. Sya na mismo ang nag-zipper nun ulit. Pagkatapos ay lumabas sya nang opisina. Sana naman nakonsensya na sya sa ginawa nya'ng yun.

Sakto nang natapos ko yung mga files... sa wakas after 10 years, muling pumasok si LG na may dalang kung ano. Nagkatinginan kami, hinila naman nya ako... I mean kinaladkad.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon