Chapter Sixteen

4K 74 9
                                    

Vengeance Chapter 16

Insults

---


HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko nang makita ko si LG sa harap ko. Hindi ko maipinta ang mukha nya. Galit. Galit na galit sya sakin.

Lumapit si Jace sa amin at hinablot si Josh na nakadagan sa akin. Nakangiti pa sya, ganyan na nga ang nangyayari.

"I'm sorry, Winter. Nadamay ka pa." Bulong sa akin ni Jace habang inaayos ko ang blouse ko.

"Ano 'to?" Narinig kong nagsalita sya. "WINTER ANO 'TO!?" Napa-urong at napapikit ako sa sigaw nya. Si Jace naman, hinihimas-himas ang likod ko. Si Jules ay halatang nagulat din. Siguradong bababa rin ang tingin nya sakin.

"Sabihin mo sa kanya ang totoo, Elaine!" Sumulyap ako kay Josh at tumingin kay LG. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Naiiyak na ako.

"Ako na ang magpapaliwa-"

"Tang ina! Wag ka maki-alam dito, Jace! Si Winter ang tinatanong ko!" Sigaw ulit ni LG.

"LG..." I sigh. "LG... sorry. Binayaran nila ako para akitin ka at makuha yung virginity mo." Tumulo ang luha ko. "Pero LG... maniwala ka mahal tala-"

"Enough!" He cut me.

"I don't even want to hear that stupid explanation. Para saan pa?", sabi nya habang nakatingin sa akin at umiiling-iling.

"Sobrang nakaka-disappoint ka! Sinayang ko lang ang panahon ko. You're not worth it." Bago sya naglakad palabas, nagsalita ulit sya na lalong nakapagpa-guilty sa akin. "Winter. Nga pala, sorry ah?. Napaaga ang pagsundo ko sayo. Akala ko kasi nag-overtime ka sa trabaho. Nag-overtime ka pala sa ibang lalaki." He said sarcastically.

Tumingin sya kay Josh at Jace. "Salamat mga pre! Tinuring ko kayong kaibigan, lalo na ikaw! Break na ba kayo ni Jeanne kaya si Winter na? Lahat na lang Josh! Lahat nalang!" Sabay turo nya kay Josh. "Hindi ko inaasahang magagawa nyo 'to sakin."

Pagkatapos nun ay lumabas na sya ng condo unit ni Josh. Naiwan kaming apat na nakatayo. Nagpatuloy ako sa pag-iyak habang si Jace kino-comfort ako.

"Masaya na ba kayong dalawa? Sinira nyo ang Wi-FIVE. Jace hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo bakit ka nakasama dito. At ikaw! ELAINE! High school palang tayo hinahangaan na kita. Ngayon hindi ako makapaniwalang sinayang ko ang buong buhay ko sa kakahintay sa isang babaeng katulad mo. Talagang kaibigan ko pa ang pinuntirya mo ah." Agad sya'ng umalis katulad ng ginawa ni LG.

"Josh. Sana naman naawa ka kay Winter kahit konti!" I heard Jace said. "Nadamay pa sya dito-"

"Wag kang tanga, Jace! Pumayag sya sa deal at alam nya ang mga pwedeng mangyari. Kasalanan nya yan!" Josh yelled and walked out.

Inakbayan ako ni Jace. "Sorry. Ihahatid na kita."

Hindi na ako nakatanggi sa offer nya'ng ihatid ako dahil hindi na ako makapag-isip ng maayos. Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makarating kami sa Benz ni Jace.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. It was just a blink of an eye, nawala sa akin si LG. Pati si Jules. Tama si Josh. Kasalanan ko. Alam ko ang mga pwedeng mangyari pero nagpadala pa rin ako sa damdamin ko.

"Tutulungan kitang maayos 'to. Ako ang magpapaliwanag kay Kuya. Sa ngayon, sa kanya ko muna lilinisin ang pangalan mo. Sasabihin ko sa kanya ang dahilan mo kung bakit mo yan nagawa."

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon