Chapter Twenty Nine

4.7K 93 9
                                    

Chapter 29

---

UMUWI ako sa apartment nang latang-lata. Feeling ko pagod na pagod ako maghapon eh wala naman akong masyadong ginawa. Humiga lang ako sa kama ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising lang ako nang may narinig ako kumakatok. Agad akong bumangon at nahagip ng mata ko yung cellphone ko na may tumatawag. Si LG.

Sasagutin ko ba? Na-oovercome ako ng mga sinabi ni Brio.

"Wag kang magpahalata na may alam ka, Winter. Act normal. Kunwari hindi mo alam kung ano man ang pinaplano nya."

Brio's statement plays on my mind. Tama. Act like you don't know anything.

Sinagot ko ang tawag at bumangon sa pagkakahiga para buksan yung pinto.

"Hello..." He whispered.

"Yes? Why?" I asked.

"Bakit ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo." He yelled from the other line.

"Sorry. Nakatulog ako. Naka-silent cellphone ko."

"Nandito ako sa labas ng apartment mo kaya pagbuksan mo na ako."

Binuksan ko yung pintuan at nandun sya. Nakalagay pa yung cellphone nya sa tenga nya.

Hinintay ko lang sya'ng pumasok. I saw how he clicked his phone para na mamatay yung tawag.

He stepped inside my house and immediately hugged me. Nagulat ako sa ginawa nya. I can smell his manly scent. Ang sarap nya'ng amuyin.

"Pinag-alala mo ako. Akala ko naman kung bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko. Akala ko kung ano nang nangyari sayo."

I pushed him away. "Wag ka nga'ng OA dyan." I coldly said. Naglakad ako palayo sa kanya at umupo sa sofa.

Sinundan nya ako at umupo sa tabi ko.

"Are you okay? May problema ba?" He asked.

Umiling lang ako. I can't stand being this close to him. Gusto ko sya'ng paalisin na. Naiisip ko pa lang na niloloko nya lang ako, gusto ko nang umiyak.

"It seems like you're not in a good condition. May lagnat ka ba?" Hinawakan nya ang noo ko.

"ANO BA?!" I yelled sabay tapik sa kamay nya'ng humawak sa noo ko. I saw how his expression changed. I just shooked my head. Na-carried away lang ako sa mga nalaman ko kanina kay Brio.

"Okay. You're not in the mood. Uuwi na muna ako. I came here just to check you. Okay ka naman. Wala ka namang lagnat." He tiredly said. I think he's offended. "May dala akong pagkain. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya nagdala ako." Inilapag nya lang yun sa tabi ko habang ako, hindi sya tinitingnan. "Kumain ka bago matulog. Lock your door after I leave. I love you. Aalis na ako."

Umalis sya at isinarado ang pinto. Sinundan ko lang nang tingin yung pintong kumalabog. Nangilid na naman ang luha ko. Bakit ba ako nagiging emosyonal dahil sa kanya?

Dapat hindi ko ginawa yung pag-oOA ko kanina sa kanya. Kailangan hindi nya mahalata na alam ko na yung plano nya. I need to observe him first.

Kinuha ko yung pagkain at tiningnan kung ano ang laman.

Dalawang meal ang nandun galing sa Sbarro. Siguro may balak sya'ng dito kumain kaya dalawa yung dala nya... at dahil um-attitude ako, umalis sya.

Napaka-ipokrita ko kasi. Nagu-guilty tuloy ako ngayon.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon