Epilogue
---
WINTER'S POV
Umuwi ako ng apartment at walang ginawa kundi umiyak.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpa-uto ako sa kanya. Baka hindi lang talaga kami meant-to-be. Nung naging kami months ago, hindi pa kami tumagal ng 24 hours. Ngayon naka-abot naman kami ng one month and one week. Sapat na siguro 'yun na sign na hindi talaga kami pwede.
Naisip ko na dati na baka gusto nya lang maghiganti sa akin. Sinabi rin ni Darlene na TRAP yung pagkuha nya sakin bilang secretary pero hindi ko inintindi.
Pinaalala pa ni Jace sa akin yung huling beses daw na nagpadala ako sa damdamin ko, nasaktan ako... Ayan ngayon, nagpadala na naman ako kaya nasasaktan na naman ako.
KAYA KAYO! MAG-ARAL MUNA KAYONG MABUTI! WAG MUNA KAYONG LUMANDI! KAPAG NAKATULONG NA KAYO SA MGA PAMILYA NYO TSAKA NA KAYO MAG-LOVE LIFE NANG HANGGANG ILAN!
"Winter!"
I heard someone knocking on my door. I know it was him. Sinadya kong isara pati bintana ko para magmukhang walang tao. Pinatay ko lahat ng ilaw pati sa harap ng apartment ko.
"Winter! Mag-usap naman tayo! Bigyan mo ako ng chance na magpaliwanag!" He yelled.
He doesn't deserve it. Nung unang beses na nagkagalit kami, hindi naman nya ako binigyan ng chance na magpaliwanag diba? Tapos ngayon aartehan nya ako sa labas ng apartment ko?
Kinaibigan nya ako, oo. Nung nasa Cornelia H na sya pero WTF? Ginawa nya lang yun kasi may balak sya sa akin. At kahit kailan hindi ako nagmaka-awang balikan nya ako. Sya ang lumapit!
Wala akong paki-alam kung gusto nyo'ng kampihan si LG kaysa sa akin, ade kayo nalang magpatuloy sa FOREVER namin! Tang ina!
Oo! Bitter ako!
Dumapa ako sa kama at nagtakip ng tenga.
Maya-maya lang tumigil na yung mga pagtawag. Sana umalis na sya dahil hindi nya ako maaasahang makausap ngayon.
NAKATULOG ako nang hindi namalayang hindi pa pala ako kumakain.
Nag-resign na ako sa Cornelia H kaya pwede na akong hindi pumasok. Tutal naka-sweldo na ako nung katapusan kaya may pera na ako.
Uuwi ako ng Bulacan. Doon nalang ako muna. Sana makahanap ako ng trabaho. May mental hospital naman sa Plaridel. Malapit-lapit. Sana pwede ako dun.
I took a bath and fix my things. I packed my clothes. Tinext ko si Yvanne na uuwi ako kahit alanganing araw. Baka nasa school na sya ng mga oras na 'to.
Naglakad na ako palabas ng bahay pero pagbukas ko ng pinto, halos mapa-atras ako sa nakita ko.
Nakatayo 'dun si Jules, Brio at isa pang lalaki na hindi ko kilala.
"Brio... Jules... at Kuya... bakit?" I asked them.
"Ikaw na Jules..." sabi nung hindi ko kilala.
"Ikaw na magsabi Miguel. Hindi ko kaya..." patuloy lang sila sa pagtururuan nang nagsalita si Brio.
"Naaksidente si LG kagabi sa East Cost Avenue, Winter. His car was rammed by an 18 wheeler truck. He's in comma right now."
Naghari ang katahimikan sa aming apat. Higit sampung segundo ang tinagal nang pagkatulala ko sa kanilang tatlo.
Parang gusto ko nalang himatayin sa narinig ko.
Oo, ayoko na sya'ng makita pero wag naman yung dahil patay na sya kaya hindi ko na sya makikita.
Nilapitan ako ni Brio at inakbayan. Ngayon ko lang napansin na putok ang labi nya at may pasa sya sa kanang pisngi.
BINABASA MO ANG
Vengeance (COMPLETED)
General FictionAtty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successful in his career, he behaved like a perfect gentleman. He never played a woman's heart and his respect towards them are pure. He never had s...