Chapter One

19.2K 214 7
                                    

Vengeance Chapter 1

Subukan Mo Ako

---

"PARE... si Jeanne, girlfriend ko. Jeanne, si LG, bestfriend ko."

Pakilala sakin si Josh ng 'girlfriend' nya.

De javu. Pang-ilan na ba si Jeanne sa mga babaeng pinakilala nya ngayon buwan?

Nginitian lang ako ni Jeanne na kilala ko naman talaga. I met her first before Josh met her.

"Sige pare. Dito lang kami sa mga table, see you around." Sabi ni Josh.

Naiwan ako sa counter mag-isa.

Nandito ako sa RLX bar na isa sa mga business ni Daddy. Nakaramdam ako ng inis. Bullcrap! I felt very alone. Half of my friends are happy with their love lives... or flings.

"Erick. Bigyan mo nga ako ng matindi dyan." May babaeng umupo sa tabi ko at kinausap ang bartender naming si Erick. She looked young. Mahaba ang buhok nya. She's just wearing ripped jeans and a T-shirt but her simplicity makes her beautiful tonight.

"Bakit? Nag-break na naman kayo?", tanong ni Erick.

Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila. Anong magagawa ko, katabi lang nila ako.

"Fuck him, Erick! Ano bang meron dun sa Megan na yun? Mas magaling ba sya sa kama kaysa sakin?! Binigay ko naman lahat ah."

Napatingin sakin si Erick.

"Oh, ano tinitingin-tingin mo dyan?" Sarkastiko kong tanong kay Erick.

Ngumiti si Erick. "Winter. Ayan si Sir LG. Kausapin mo. Magkakasundo kayo." Pagkatapos nya'ng sabihin yun ay umalis na sya at inasikaso ang ibang customer.

"Ano namang mapapala ko sayo?" Sabi ni 'Winter' sabay inom ng alak na binigay sa kanya ni Erick kani-kanina lang.

"Tsss. Ano?! Makikipaglandian ka rin sakin tapos kapag natikman mo na ako, iiwan mo na rin ako? Ganyan naman kayong mga lalaki! Mamatay na kayong lahat!"

She's too loud and it's irritating me. I hate loud girls.

"Excuse me, miss. Hindi ako ganung lalaki. Sino ka ba?! Ingay mo." Umiwas ako nang tingin sa kanya. "Kaya ka nun hiniwalayan kasi ang ingay mo! Nakaka-turn off ang babaeng maingay." Kakarating nya lang, sisigawan agad ako. Okay lang naman na kausapin nya ako. I can be friendly to her. Pero kung ganitong sisisgaw agad? Wtf?

"Ganun ba..." she whispered. Napatingin ako sa kanya nang napansin kong nanginginig ang boses nya nang sabihin nya yun. Teka... umiiyak ba sya? What the heck?

"Bat' ka umiiyak dyan?" I asked her. Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao. "Hush now! Akala nila pina-iyak kita!"

Muli sya'ng uminom. Lasing na yata sya bago pa magpunta dito eh.

"Maingay ako... kaya pala sya nakipag-break sakin... ang ingay-ingay ko. K-kung alam ko lang na ayaw nya sa maingay." Patuloy pa rin sya sa pag-iyak nang malakas. Parang bata lang na inagawan ng ice cream. Maya-maya lang rin naman, tumahan na sya sa kabaliwan nya. Moody. Psychotic.

"Ikaw ba? Iniiwan mo rin ba ang girlfriend mo kapag maingay sila katulad ko?" She asked. "O diba. Hindi ka makasagot. Ayaw mo rin sakin. Kapag ba nakikipag-one night stand ka or sex sa girlfriend mo, ayaw mo rin ng maingay habang nag--"

"One-night stand?! Sex with my girlfriend? What the fuck? I don't do one night stands nor sex."

"Eh ano lang?"

"What's with that question? Jesus! I'm still a virgin. Wag mo akong igaya sayo." Sabi ko sabay inom ng red label na in-order ko.

Ay. Tangna! Tinawanan lang ako?!

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" I yelled.

"Seriously? Virgin ka pa?! Sa itsura mo mukhang nasa late 30s ka na but... you're still a virgin like Mary. Ahahaha!"

Nakaka-insulto yon.

"Eh ano naman?! Kaysa sayo! Babae kang tao, hindi ka na virgin. Nakaka-turn off ang mga babaeng hindi na virgin!"

Bigla nyang hinawakan ang baso at ibinaba ito ng padabog. Shit. Na-offend ko yata.

"So sinasabi mong malandi ako?!"

"Miss. Wala akong sinasabi."

"Ganyan kayo! Kung maka-ungol sa kama, napakagaling. Tapos ngayon sasabihin mong malandi ako! Fvck you!" Sabay sign pa sa mga kamay nya. This is the first time I met a woman like her. Bigla na lang akong napa-iling.

"Alam mo? Malala ka na!"

She shook her head. Ayan na naman sya. "Wag ka na nga'ng umiyak! Para kang tanga dyan eh."

"Mahal ko sya eh. Sir LG!"

Tsk. Nabalik na naman dun sa ex nya yung usapan. Ang drama ah?

"Mahal ko sya. Sya ang naka-una sa akin at hindi ko matanggap na nakipaghiwalay sya sakin pagkatapos ng first ever sex namin!", she growled.

It's her fault. And for the girl's information, we will do everything... I mean boys will do everything just to get what they want katulad nang sa kaso ng babaeng ito. Pero tulad nga nang sinabi ko kanina, IT'S HER FAULT. There's no crying lady here beside me kung hindi rin sya pumayag sa gusto ng ex-boyfriend nya.

GIVE AND TAKE. It's just that.

"Who to blame? Me? Because you gave you virginity to your ex-boyfriend? C'mon! Bumigay ka. Kasalanan mo.", buti nalang malakas ang music sa buong bar kaya hindi kami naririnig na nagsisigawan dito.

Tinitigan nya ako. ANO? Balak pa yata akong tunawin. "Ano na naman? I'm sorry for the word ah? But I pity you. You looked broken." I said.

"Nakipag-break sya sakin pagkatapos ng first sex namin... ibig sabihin ba hindi ako magaling sa kama? Paano ba maging magaling?" She asked while staring at my eyes.

"I don't know, miss. Don't ask me stupid questions. Umuwi ka na."

"Sir LG! Subukan mo ako!"

"Ha?!"

"Sir LG! Lets have sex tonight! Sabihin mo kung magaling ba ako! Gusto kong gumaling para balikan nya ako." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Parang inaalok lang ako ng candy ah?

Tumayo sya at unti-unting lumapit sa akin.

Shit.

Hinalikan nya ako...

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon