Vengeance Chapter 13
Pwede Po Ba?
---
LG'S POV
"MA? Bocaue na kami.", I heard Winter said on the phone.
Napatingin ako sa kanya.
We're on our way to Winter's province sa Bulacan. Isang oras at kalahati lang naman ang byahe kaya hindi naman masyadong nakaka-inip pero nakakapagod."Sige po. Bye." Then I saw her hanged up her phone. "Hinihintay na nila tayo... kanina pa daw excited yung kapatid ko." She smiled. Napangiti na naman ako.
"Alam nila na kasama mo ako?", I asked.
"Oo naman. Sabi ko kay Mama, may kasama akong kaibigan na gusto bumisita sa amin kaya ayun. Na-excite sya. Buti daw hindi na ako anti-social."
"Anti-social ka ba?"
"Hindi. Ewan ko ba kay Mama." She laughed.
Maya-maya lang, natanaw ko na ang malaking arko ng bayan ng San Il Defonso. Patuloy lang na itinuro sakin ni Winter ang daan papunta sa bahay nila hanggang sa nakarating na kami sa kanila.
Nasa isang compound ang bahay nila. Marami silang kapitbahay pero hindi kasing crowded ng Maynila. Malalaki at magaganda ang bahay na nakapaligid sa kanila. Ayos rin naman ang bahay nila. Mukhang hindi palang tapos kaya wala pang buhay yung itsura kumpara sa iba.
"Ano? Tara na." Aya ni Winter sakin.
Bumaba kami ng kotse, sinalubong kami ng Mama nya.
"Ma.", nagmano si Winter sa kanya. "Eto nga pala si LG. Abogado sya, Ma. Kaibigan ko sya."
"Magandang araw po." Nagmano ako sa kanya at ngumiti naman sya sakin. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Winter. "Tawagin mo nalang akong Tita Imelda." Mukhang nasa late 40s na sya pero maganda pa rin sya tingnan. Simple lang manamit pero disente.
"Nobyo ka ba ng anak ko?" She asked with a smile. Napangisi ako at napatingin kay Winter.
"Hindi, Ma. Kaibigan ko nga lang sya. Tara na nga, pumasok na tayo."
Pumasok kami sa bahay nila. Konti lang ang gamit pero naka-ayos nang mabuti. At napakalinis.
"Upo ka muna dyan, hijo. Pasensya ka na kung medyo magulo." Sabi ni Tita Imelda. Magulo pa pala 'to sa kanya. Tumango lang ako sa kanya. "Maghahain na ako ng pagkain para makakain na tayo. Dapat magpahinga na kayo dahil alam kong pagod kayo sa byahe."
"Ma, si Yvanne?"
"Nasa kwarto, nag-aaral. Wag mo munang istorbihin, maiinis na naman yun."
Nakita ko naman pumasok sya sa isa sa mga kwarto nila, paglabas nya nakabihis na sya ng pambahay.
Shorts at sleeveless top na jersey uniform.
Shit naman. Ganito ba sya ka-hot kapag nasa bahay? Pwede bang dito na lang ako tumira?
"Tara, LG. Lagay mo muna dito yung gamit mo."
Agad naman akong pumasok dun sa kwarto para ilagay yung bag na dala ko. Tinanggal ko yung sapatos ko. Sarado nun yung pinto kaya naghubad na ako ng T-shirt.
Kaso nung naghahanap na ako ng isusuot, biglang bumukas yung pinto.
"Winter!"
I saw how she blushed.
BINABASA MO ANG
Vengeance (COMPLETED)
General FictionAtty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successful in his career, he behaved like a perfect gentleman. He never played a woman's heart and his respect towards them are pure. He never had s...