Chapter Twenty Six

4.6K 86 8
                                    

Chapter 26

---

INABUTAN nya ako ng isang T-shirt at boxer shorts. Mukhang sa kanya yun.

"Anong gagawin ko dyan?!" Masungit kong tanong.

"Iyan muna ang isuot mo." He said.

"Paano kung ayoko?"

He sighed heavily.

"Please Winter. I'm sooo sorry for what happen. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko sayo. I'm trying to work this out."

"I didn't tell you to work for this." Pumasok na ako sa CR at nag-shower.

Di nga ako nagkamali, blue halos lahat ng nandito. Nakigamit lang ako ng mouthwash dahil wala akong toothbrush. Naghilamos din ako para matanggal yung make up ko.

Gusto kong itanong kung dito ba ako matutulog... pero obviously naman dito nga. Kaso... saan? Tabi kami? Sa ganitong kalagayan, magtatabi kami? The hell! No!

Paglabas ko sa CR, nakita ko sya'ng nakabihis ng pajama at v-neck shirt. Naka-upo sya sa kama at nakatingin sa akin sa paglabas ko sa CR.

"B-bakit?" I asked dahil na-aawkward ako sa mga tingin nya.

Umiwas sya ng tingin at dumretso sa transparent glass wall na sliding door pala. May balcony pala dun sa labas. Nanatili lang sya dun na nakatingin sa malayo.

Nagsuklay ako ng buhok at sinundan sya.

"Sir. Dito ba ako matutulog?" I asked politely. Sinundan ko sya sa balcony.

Hindi pa rin sya nagsalita. Ni-hindi nya ako nilingon.

Nanatili lang kami dun pareho. Magkalayo kami sa isa't isa. Napapatingin ako sa langit kasi ang daming stars. Nagsusuklay rin ako ng buhok para matuyo. Pero tuyo na't lahat yung buhok ko at na-recognize ko na lahat ng constellations, hindi pa rin nya ako pinapansin. Sya pa talaga ang may ganang hindi mamansin ngayon ah? Sya nga 'tong may atraso sakin. Pasalamat sya napakalma ako ng charm nya kanina. Kundi baka mapatay ko na sya.

Nakakainis dahil nagagawa nya sa akin 'to. He can control me. He can change my feelings and decisions immediately. Damn him. Damn him 'cause I'm still affected when he's around. Sa isang iglap nawala yung galit ko.

Papasok na dapat ako nang tawagin nya yung pangalan ko.

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon para tingnan sya. Hinihintay ko lang yung susunod nya'ng sasabihin.

"Kahit kailan ba talaga hindi mo ako nagustohan?" He asked. Nanlaki ang mata ko. At nakakabingi yung katahimikan sa pagitan namin. Hangin lang galing sa labas yung naririnig ko.

"Kahit kailan ba hindi ka talaga nagkaroon ng pakialam sakin? Ha?" Sabi nya nang mas malakas.

Deja vu.

Naramdaman ko ang bisig nya mula sa likod ko. Yakap nya ako habang ako napapapikit nalang. Gusto kong pumalag. Gusto ko sya'ng itulak pero wala akong lakas at ayoko sya'ng kumalas sa akin.

Baliw na nga ako. Pagkatapos ng ginawa nya... eto ako nagpapayakap.

"Kahit kailan ba, hindi ka nagkaroon ng kahit konting pakialam sakin?" He whispered.

"Nasagot ko na yan dati..." I said.

"Iba yung dati sa ngayon. Gusto kong marinig."

"May pakialam ako sayo. Dahil boss kita."

"Tang ina. Hindi iyon!"

"Tang ina rin. Ano bang gusto mo?!" Itinulak ko sya sa pagkakayakap nya sa likod ko at hinarap sya. Nanlambot ako nang makita ko ang ekspresyon nya.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon