Vengeance Chapter 17
Hundred One Percent Sure
---
WINTER'S POV
"JUSKO, Winter! Akala ko naman kung bakit ilang araw ka na namang hindi pumapasok. Okay ka na ba ngayon?."
Dinalaw ako si Darlene sa apartment ko dahil tatlong araw na akong hindi pumapasok nang walang paalam. Naisip ko nga'ng malaki na naman ang kaltas sa sweldo ko n'yan. Kailangan ko pang tipirin yun para sa mga emergencies at ipadala kina mama.
Yvanne calling...
Accept | DeclineAgad ko yung sinagot at halos mabitawan ko yung cellphone ko sa sinabi nya.
"Ate, si Papa. Sinugod na naman sa ospital. Inatake na naman sya kanina, hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon."
"Si mama? Okay lang ba si mama?" natataranta kong tanong.
"Kanina pa sya iyak nang iyak ate. Hindi ko naman mapigilan kahit i-comfort ko. Natatakot ako, baka si mama naman ang magkasakit nyan." My brother said. "Ate. Titigil na muna ako sa pag-aaral para mas lalo kong mabantayan sina mama."
"Yvanne, ilang beses na nating napag-usapan yan. Kahit anong mangyari, hindi ka titigil diba?!"
"Pero ate, nahihirapan na rin ako. Wala na rin namang maipabaon si mama sakin dahil napupunta sa gamot ni papa tsaka sa pagkain namin araw-araw. Naglalakad lang ako papuntang school dahil wala akong pamasahe. Tapos ngayon, mag-eexam na naman ate. Kailangan kong magbayad ng tuition."
"Magpapadala ako ngayon, Yvanne. Hindi ka titigil. Gagawa ako nang paraan."
"Ate, baka naman baon ka na sa utang dyan?" Tanong nya.
"Kahit mabaon ako sa utang basta hindi ka hihinto. Alagaan mo sina mama ah. Itext mo ako kung kumusta na si papa."
"Oo ate."
Then he hanged up.
Nagsisisi na akong hindi ako pumasok nang tatlong araw. Ngayong kailangan ko nang pera, ngayon pa ako nag-inarte! Dapat hindi ko muna isipin si LG dahil hindi naman mawawala ang galit nun sakin kapag hindi ako pumasok sa trabaho. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko.
"Darl. Magbibihis lang ako. Papasok ako kahit half day... o overtime."
"Bakit ano bang nangyari?"
"Inatake na naman si Papa, Darlene. At nagbabalak na namang tumigil yung kapatid ko sa pag-aaral." I explained habang inihahanda ko yung mga damit ko.
Hinintay nya ako at sabay kaming pumasok sa trabaho nang mga alas'dose.
Pagpasok namin sa St. Paul's, sinalubong kaagad ako ni Raven at tinadtad ng tanong tungkol sa di ko pagpasok.
"Anyway. Ikaw na ang mag-check kay Leslie. Anak mo naman yun eh." Raven laugh. I smiled.
Nasa 47 years old na si Leslie pero yung pag-iisip nya, minsan 7 years old minsan mga 20. Hindi ko alam kung ano yung dahilan kung bakit sya nagkaganyan. Ang alam ko lang may asawa at anak sya dahil iyon ang madalas nya'ng kinekwento. Pero ilang taon na sya dito, walang bumibisita sa kanya.
Nasa kwarto nya ako nang may kumatok kahit bukas naman yung pinto.
"Yes?" I asked.
"Pinapatawag ka ni Dr. Apollo." Sabi nang isang nurse na katrabaho ko.
BINABASA MO ANG
Vengeance (COMPLETED)
Genel KurguAtty. Luke Greyson Harrington is one of the most eligible bachelors in the country. Aside from being successful in his career, he behaved like a perfect gentleman. He never played a woman's heart and his respect towards them are pure. He never had s...