Chapter Fifteen

4.5K 85 11
                                    

Happy 1k reads! Haha! XOXO


Vengeance Chapter 15

A Bet

---


PAGDILAT ng mga mata ko, napangiti agad ako. Nandito na naman ako sa condo nya. Hindi dahil nalasing na naman ako at nagmalasakit lang sya. This time, may nangyari na talaga sa amin at kami na.

Bumangon ako para mag-cr. Naghilamos at nagmouthwash na rin ako bago lumabas ng kwarto nya. Paglabas ko, nakita kong nakabihis na sya nang pang-trabaho nya. Long sleeves and slocks. Mukhang kakaligo nya lang dahil basa-basa pa yung buhok nya. And it make him look so hot. Kung pwede lang na ganun nalang ang buhok nya kaso haharap sya sa maraming tao kaya kailangan presentable.

"Oh, gising ka na pala." He turned around and faced me. He walked and place his hands on both of my shoulders. "How's the sleep of my girlfriend."

Putapets! Insert angel voices here! Parang nasa langit na ako nung narinig ko yung salitang girlfriend mula sa bibig nya. Bakit sadyang nakakakilig kapag sya yung nagsasalita.

"Bakit ka namumula?" He asked. Bigla tuloy akong nahiya.

"Hmm. Okay lang ako kagabi. Ikaw?"

"Hindi."

"Huh?"

"Hindi ako nakakatulog kapag alam kong nandyan ka. Wala. Gusto ko lang talagang sulitin ang mga oras at pagkakataong magkasama tayo."

"Para namang may aalis at mang-iiwan satin ah?" I smiled.

"Naninigurado lang. Just promise me, you'll never leave me. Kahit anong mangyari, ipaglalaban kita. Lalo na sa ate ko."

Bigla akong napatulala sa sinabi nya'ng yun. Hindi nya daw ako iiwan. Ipaglalaban nya ako. Naalala ko yung dapat kong aminin sa kanya. Nawala na yun sa loob ko dahil sa sandamukal na emosyong bumabalot sakin kagabi. Ngayon, hindi ko naman alam kung paano sabihin. Kapag nalaman ni Darlene at Raven na kami na, baka batukan nila ako. Lalo na si Darlene dahil mas alam nya ang lahat.

"Wala ka bang pasok ngayon? May hearing ako nang alas-nwebe."

"Ah. Meron. Oo nga pala, late na naman ako."

"Oh? Ano? Tara na, sumabay ka na sakin. Idadaan kita sa apartment mo."

Then we did.

Habang nagda-drive sya ay hindi ko mapigilang sumulyap sa kanya. Jusko?! Tao pa ba 'tong katabi ko? Bakit dati hindi naman ganito ang tingin ko sa kanya. Ni WALA nga lang sya sakin nung una kaming nagkita, pangalawa, pangatlo.

"Bakit ba ganyan ka makatingin. Nakakahiya ah." Napansin ko namng namumula sya.

Sasabihin ko na dapat yung dapat kong sabihin kaso... masaya ang mood nya ngayon. Ayokong sirain. Alam kong mafu-frustrate sya pag nalaman nya. Kung talagang mahal nya ako, mafu-frustrate sya.

Tsaka na lang. Basta sasabihin ko rin sa kanya. Pero yung relasyon namin, ililihim ko muna kina Darl at Raven.

"Alam mo dapat may mga damit ka na rin sa condo ko. Maluwag pa naman ang closet ko eh." He suggested.

"Bakit naman?" I asked.

"Para kapag may mga pagkakataon na ganito. May pasok ka kinabukasan, kailangan mo pang umuwi dahil wala kang damit. Pag may gamit ka sa condo, pwedeng doon ka nalang maligo at magbihis. Mahahatid pa kita hanggang St. Paul's." He looked at me and smirk.

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon