EUNICE POV
Wala sila Cyrene ngayon kasi busy sila sa kanilang practice...pero mabuti nalang at may ipagagawa lang na activity ang teacher namin kasi may conference sila ngayon...kaya naman ang iba sa amin ay lumabas muna sa room...
habang nagsusulat ako ng essay...bigla nalang nag ring ang phone ko. Pagtingin ko si David pala ang tumatawag kaya naman binaba ko...haha...di ko parin sa bati..kaya manigas sya...
maya maya ay tumatawag na naman sya kaya pinatay ko nalang ang phone ko...maya maya lumapit sa akin yung isa kong classmate at binigyan ako ng white roses...nagtaka ako kaya nagparinig ako ng malakas kasi alam ko na kung sino ang nagbigay...
"KUNG SINO MAN ANG NAGPAPABIGAY SA AKIN NITO AY PUPUGUTAN KO TALAGA NG ULO...!!! sigaw ko...
nakita kong may magbibigay pa sana pero umurong ito ng marinig ajg sinabi ko ay kaagad itong lumabas...
Nagsulat na naman ako ng essay ng may kumalabit sa akin...
"Pssssttt. Ms. Beautiful...hoy...tumingin ka naman". alam ko ang boses na to kaya hindi ko nalang to pinansin.
Nagulat ako ng bigla nyang lagyan ng posas ang kamay ko maging ang sa kanya...
"Hoy! Baliw ka ba?! pakawalan mo nga ako! pag di mo ko pinakawalan tignan lang natin kung makakangiti ka pa...!" Banta ko sa kanya...
"Hinding hindi kita pakakawalan kapag di ka makikinig at makikipag usap sakin..." sabi nya.
bigla na lang syang tumakbo at hinawakan ang kamay ko...nagtaka ako kasi sa school stage sya patungo..
"Hoy ano na naman ba ang plano mo!" Sigaw ko sa kanya
"Basta"
nakita kong maraming tao sa may stage kasi nanunuod ng practice ng mga contestants sa Mr. And Ms. Intramurals.
lalo akong kinabahan ng bigla syang umakyat sa stage habang nakaposas parin ang mga kamay namin...bigla nya nalang kinausap ang choreographer at kinuha ang Mic nito..kaya naman biglang natigil ang practice nila...Nakita ko si Cyrine na mukhang nagtataka kung ano ang ginagawa namin ni David at bakit nakaposas ang mga kamay namin..
Bigla nalang lumuhod si David dahilan ng nakakabinging sigaw ng mga estudyante..
"Hoy..tumayo ka nga dyan...nakakahiya sa mga tao!!"
Akala ko makikinig sya pero bigla na lang..."Eunice..." seryoso ang mukha nya habang sinasabi ang pangalan ko...
"Alam kong hadlang ang family ko sa pag ibig ko sayo. Alam kong masakit ang nararamdaman mo noon kasi hindi ko pinaliwanag sayo ang totoo ng bigla kitang hiniwalayan. Alam kong malaki ang galit mo sakin dahil sa mga nangyayari pero please..( habang may kinukuha sya sa bulsa nya...nagulat ako ng makita ko ang singsing na hawak nya...yun yung singsing na binigay ko sa kanya noong 2nd monthsary namin noon) bigyan mo ako ng chance para ipaglaban ka..WILL YOU BE MY GIRL...AGAIN?!" halos hindi ko na marinig ang mga salita dahil biglang dumagundong ang buong stage..tuwang tuwa naman si Cyrene nang lumingon ako sa kanya..."Paano na kayo ni Chabel?" tanong kp sa kanya...
"Wag kang mag-alala kasi wala naman syang gusto sa akin at may boyfriend din sya kaya...pumayag syang makipaghiwalay ako sa kanya..."
"Sure?" paninigurado ko sa kanya
"Sure na sure!!" sagot nya naman"Paano na ang family mo at ang business nyo?"
"Wag kang mag alala kasi handa na akong ipaglaban ka kahit hadlang pa sila sa pagmamahalan nating dalawa. Handa akong mawala ang lahat para lang makasama ka...so ano na?"
"YES...I will give you a chance!" sumabay ang mga tao sa paghiyaw ni David...
"Yes as in Yes?!"
"Yes! Yes na yes!!!" Sigaw ko naman..."
Napatalon sya sa tuwa at nagsisipalakpakan naman ang mga tao...Sa totoo lang di ko ma express ang damdamin ko ngayon kasi naghahalo ang tuwa ko at ang pangamba ko na baka mawala na naman sya sa akin...
BINABASA MO ANG
Fall To A Heart breaker
عاطفيةAnother story.... title: Fall To A Heart breaker paano kaya kung one day, mahulog yang puso mong sintigas ng bato sa taong alam mo naman na heartbreaker. Maraming ng pinaluha,marami ng niloko at mga balak pang lokohin. Paano kung isa kalang pala sa...