We are on our way sa isang botika malapit sa tinitirhan nila Joseph para bumili ng gamot for her lola. Tuwang tuwa ako sa itsura niya nung sinakay ko siya sa sasakyan ko.
Miss ganda, ang sarap naman po sa feeling ang pagsakay dito sa sasakyan mo. Kung gaano kaganda sa labas, ganun naman ka'komportable dito sa loob. Ang gandaaaa!! Palundaglundag pa siya sa kinauupuan niya.
Hahahaha! Ang kulit mo. Pero ang cute-cute mo din. Bakit hindi ko feel ang ganitong pagmamahal sa kapatid ko. Hindi ko alam. Pero siguro dahil sa galit na namumuo dito sa puso ko.
Miss ganda?
Uhhhmp?
Sabi ko po. Nandito na po tayo. Ayun po yung botika ohh. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami malapit sa isang botika. Bago ako bumaba, nagsuot muna ako ng isang sports hat para hindi ako mahalata ng ibang tao bago umikot sa driver's seat upang tulungang makababa si Joseph sa sasakyan. Nagulat si Joseph sa disguise ko pero nagkibit-balikat nalang siya at nanatiling nakatitig sakin nung papalapit na kami sa botika.
Dito kanalang sa tabi ko ha. Ako na ang bibbili. Ang liit mo kasi, baka hindi ka makita. Sabi ko ng nakaluhod sakanya.
Okay po. Sagot naman niya.
Ng makalapit na kami sa botika, agad naman kaming binalingan ng pharmacist upang i'assist. Kinuha ko yung listahan ng gamot kay Joseph at agad na ipinakita sakanya. Nung una muka pang gulat at parang gusto akong tanungin ng pharmacist, pero ng ibigay ko yung listahan, wala na siyang ginawa kundi ang hanapin ang mga gamot.
Pumlicurt at ventulin:salbutamol ang mga resetang nakita ko doon. Alam kong pang hika ang mga yun dahil pamilyar sakin ang gamot. Hindi ko alam kung saan ko nakita o dahil nabanggit sakin ni Jaycel one of my BITCH PERFECT bestfriend dahil isa kasi siyang successful doctor ngayon ng pedia kaya siguro naaalala ko yun. Anyway, back to reality. Ako na ang nagbayad kahit na pinipilit ni Joseph na siya na. Bumili ako ng halos pang isang taong gamitan para hindi na sila mahirapan pa. Nagulat nga yung pharmacist. Ang sabi pa niya sakin, kulang nalang daw lahat nalang bilhin ko. Tag iisang box ng gamot ang nabili ko. Tinulungan niya akong naglagay ng mga yun sa loob ng aking sasakyan. Pinauna ko na sa loob si Joseph para dun nalang maghintay. Bago pa makabalik sa botika si Ms. Pharmacist, hinarap niya ako at tila sinusuri ang aking sangkatauhan.
Mam, wag niyo po sanang mamasamain ah? Pero, ikaw po ba si Ms. Alison Gomez? Kamukang kamuka mo po kasi siya eh.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka kasi may mga paparazzing makakita sakin, laman nanaman ako ng news. At kapag nangyari yun, sigarado akong sasabog nanaman sa galit ang tatay ko dahil pinag'pye-pyestahan ako sa media. Pero sakala'unan, umamin na din ako.
Oo ako nga. Nagulat siya. Natulala na ewan. Gusto ko sanang tumawa pero kinagat ko nalang ang aking pang ibababang labi para pigilan ang namumuong halak-hak sa lalamunan ko. Pero ng natauhan siya, tinakpan ko na ang bibig niya dahil alam kong titili lang ang gagwin niya.
Hmmmpp....mmmmmppp...uhmmmmpp....
Ssssshhhh! Wag kang maingay ha. Tatanggalin ko na tong kamay ko sa bibig mo. Pero basta, promise me. DONT.SCREAM. Okay?
Tango naman siya ng tango at dahil dun, tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya. Lumingon muna siya from left to right sabay lapit sakin. Nagulat ako kaya napa'atras at buti nalang meron yung sasakyan sa likod ko pang suporta.
Ms. Alis. Pabulong niyang sabi.
Op? Lapit ko din sakanya. Pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Malay ko bang may maitim siyang balak diba? Pero sa itsura niya naman, siguro 20% dun yung maitim at 80% naman ang mabuti. Hehehehe. Pasensya, judgemental.
BINABASA MO ANG
The Good Girls
RomanceInsecurity at Jelousy ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, galit siya sakanyang kapatid na walang ginawa kundi ang mahalin, intindihin at maging isang mabait sakanya. Pero hindi niya ito pinansin, bagkus pagkauwi ng kanyang kapatid sa pilipinas f...