Fall hard. To me.
Yan talaga yung narinig ko eh! But he said he didn't say that. Sabi niya pa i'm hearing things lang. But i'm pretty sure. Yun ang narinig ko.
God! Yan lang ang tumatakbo sa isip ko as he carried me to who-knows-where. Ang kinaiinis ko pa, alam niyo kung ano? Sa puno lang naman kami dumadaan. He is leaping from one tree to another.
Piningot ko na nga ang tenga niya pero ayaw niya akong sundin. I asked him to just run but he didnt listen. Mas maganda raw kasi para sa kanya ang sa puno na na lamang kasi in that way, natatabunan siya ng mga shades ng dahon, so hindi masusunog balat niya.
But damn it! How about me? Paano ako? Kanina pa ako lulang-lula at hilong-hilo. I can't even manage to open my eyes para tignan ang nasa baba. I just closed my eyes and leaned on his back the whole duration of our travel.
Pagkarating namin sa hide-out niya ay nagulat ako. It doesn't look like a hide-out. At all. Para nga itong engrandeng bahay-bakasyunan.
Alam niyo yung sa tangle, the disney animated film about the girl named rapunzel with a very long hair that glows, heals, and stop aging just by singing? Diba yung tower nila ay nakatago sa likod nga mga bato at matataas na vines. Well, parang ganito din yun. Tinatago ang engrandeng bahay ng matataas at dikit-dikit na puno.
Sa harap ng bahay ay may naliit na round shape pool. Meron ding magagandang namumulaklak na halaman na nakapalibot dito, Merong wild roses sa paligid. Para itong Garden of Eden na hindi. Dahil ang nakatira dito ay isang halimaw.
"Sa iyo to?" Nacurious kasi ako, aba malay ko bang hindi sa kanya to, makasuhan pa ako ng trespassing, makulong pa ako. Ako lang naman makakasuhan sa aming dalawa eh, kasi kong sakaling mahuhuli kami, tatakbo lang siya ng napakabilis tulad ng ginawa niya kanina.
"Oo sa akin to. Kaya wag kang mag-aalala na makakasuhan ka ng trespassing. Mana ka talaga sa mama mo." Then he laughed.
Nanlaki naman ang mata ko. Oh my gosh! Paano niya nalaman ang iniisip ko?
"Paano ko nalaman yun? curious ka?" Dahil sa pagkabigla ay napahawak ako sa naka-awang kong bibig. Could he really do that? Read minds?
"You know what? Curiousity kills a cat. I will feed your curiosity just this once, you are correct sweetheart, i can read your mind." he opened the door and entered the house, he left me there with an open mouth. Siguro kong hindi niya ako tinawag ay hindi ako makakasunod sa kanya .
I entered the house na rin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang couch doon. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay. It seems normal naman except sa fireplace. Yes, he have one.
"Oh, so you can read minds pala? Wow! Para ka lang pala si Edward Cullen, you can read minds of all the people except one, the woman you love. Well, i will safely assume na si mama yun." Tumango-tango pa ako sa conclusion na nabuo sa isip ko habang tinungo ang upuang nasa harapan ng annoying vampire na ito.
Mas comfortable sana yung upuan ni vampire kase kutson at malaki. samantalang etong sa akin ay kahoy lang, but hell i will never ever go near him again. Never.
"Who is edward cullen? Please, stop comparing me to him or to other people." he hissed angrily. Did i hit a nerve? Eh siya nga kanina pa compare ng compare sa akin at ki mama. Now he knows how it feels.
Tsaka swerte niya nga kinukumpara ko siya kay Edward Cullen. Ang hot-hot at gwapong-gwapo kaya si Robert Pattison.
"Yes sir, di na kita ico-compare. I should not compare you to Edward Cullen cause your ugly while he is hot and handsome." dinilaan ko pa si vampire. I gave him a smirk of victory. Ang sarap lang sa feeling na ako naman ang nakabara sa kanya. His face turned red, hindi dahil na flatter siya kundi dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
A night with a vampire
Vampire"I hate waiting. But if waiting means being able to be with you. I'll wait for as long as forever to be with you." They loved each other. But they were torn apart due to life's complication. Now, they meet again. Different era. Different time. Diffe...