3 (revised)

16.1K 400 3
                                    


"What is you problem?" Tinulak ko siya.

"Ha? Problema? Ako? Baka ikaw. Ikaw itong basta-basta na lang nanunulak ng walang rason." Magkasalubong narin kilay niya.

"Shut up! Ikaw itong gustong manghalik. Tapos mambibitin. Tapos tignan mo, sayang ang boy bawang ko." Nilingon ko ang mga pirasong natapon sa lupa. Tinignan ko siya pero ngayon nakangisi na siya.

"So nabitin ka?" I pout as an answer.

"So nabitin ka nga." He said matter of factly.

"Oo. Nabitin ako sa boy bawang, you ass!" I rolled my eyes saka umupo ng pasalampak.Tumabi naman siya. Pagupo ko ay saka ko lang napansin na unti-unting nawawala ang mga ulap na nakatakip sa buwan.

WOW! its a full moon tonight.

Napatulala ako sa buwan. I really love the moon. May dating ito na nakakarelax.

"Beautiful, isn't it?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig parin sa buwan na nakangiti na parang tanga. I'm just looking at it admiringly.

"Yes. Breathtakingly beautiful!" he whispered while breathing heavily. Nilingon ko siya at awtomatikong nagtama mata mamin at kasabay na kumunot noo ko. He is looking at me. Very intensely. Para bang ako ang sinabihan niya nun.

Binalik ko ang mata ko sa buwan. Jeez, my heartbeat is racing.

"Do you wanna know the story of the sun and moon?"He asked after a long sullen silence.

"Nope. Care to tell me?"

"Magkasintahan daw ang araw at buwan dati. Pero nagkahiwalay sila dahil nainggit ang buwan kay araw ng atasan itong magbigay liwanag sa mundo. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari, mahal na mahal parin ng araw ang buwan. Kaya naman the sun silently gives off some of its light para sa buwan without the knowledge of the latter. The sun chose to die every night to allow the moon to shine. Nalaman ito ng buwan. Nalungkot siya at nanghinayang dahil sinayang niya ang pagmamahal ng araw sa kanya.
Nahihiya ito kay araw. Pinangako nito na hindi na guguluhin pa si araw.
Pero paminsan-minsan, nababali niya ang pangakong ito dahil minsan sinisilip niya si araw and that is the eclipse." Kwento niya na nagdulot ng lungkot sa akin.

"Nakakalungkot. They love each other." Mapakla akong ngumiti.

"Hey! Don't be sad. That's just a story." Tumawa pa siya trying to lighten up the mood.

"But it happens sa mga tao. Just like my mom and dad. They loved each other. Pero kupal ang buhay kase may nauna na kay mommy. Para silang sun and moon. Same galaxy, same world, same sky. But never at the same time. Ngayon, nagkikita na lang sila kung may paguusapan sila tungkol sa akin. Eclipse." Tumulo ang luha ko. My family's story is always a sore part for me. Tuwing napaguusapan ito ay naiiyak o nalulungkot ako.


"I'm sorry. Pero alam mo, swerte ang mommy mo. Kasi tulad ng moon, may kasama siyang maganda at kumikinang na bagay na nakapagdudulot ng saya. You. You are your mom's star. Although, madilim at malungkot ang story nila ng papa mo, nandiyan ka naman upang pasayahin siya." He said while hugging me. Pagkalas namin ng yakap ay may napansin akong nakasabit sa kanyang leeg. It's a necklace.


Wow! Its pretty although medyo luma na.

"Hey, Can I ask you a favor?"

"What?"



"Pwedeng akin na yan." Tinuro ko ang necklace niya.

"No." Matigas niyang sabi. Aray </3


"Why? Damot mo naman." I pouted.


"I can't sorry. Hindi to sa akin. Sa babaeng mahal ko." Pagkarinig ko nun ay parang may kung anong kumirot sa puso ko. Pero imbes na ipahalata ay biniro ko na lang siya.

"Uy! Gago ka. Baka may manabunot sa akin bigla. Baka akalain ng asawa o girlfriend mo na kabit mo ako." Sabay tampal pa sa pisngi niya.

He chuckled.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan nang may marinig kaming Alulong ng isang hayop. Napakalakas nito. Nakakatakot. Napakapit tuloy ako sa braso niya.

"Let's go!" Tumayo siya saka inilahad ang kamay upang tulungan akong tumayo. Pero di ko kinuha iyon. I smile widely.

"Let's stay here a little longer." Mas nagpacute pa ako para pumayag siya pero di tumalab.

"I would love to stay with you, pero we really must go. Now!" Hinila niya ako patayo. Mood swing na naman.

"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko ng may boses akong narinig sa edge ng bangin. May nakatayo doong lalake. Di ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.

"Too late!" Sabi noong lalake sabay halakhak na nakakatakot.


"Shit!" The stranger cursed. He hold my arms, tightly. Para bang mawawala ako.


"Hi." I cheerfully greeted the newbie. Pero nagulantang ako ng sa isang segundo ay apat na sila doon.


"Hi!" Bati ng isa. He smiled at kuminang ang kung ano doon.

"RUN!" Sigaw ni stranger. I was clueless sa nangyayari.


I stupidly stayed there, pero nung humarap ang unang lalakeng dumating ay nanghilakbot ako dahil pulang-pula ang kanyang mata at may dalawang kasinghaba-ng-hinliliit na pangil.


Napasigaw ako sa takot at napatakbo sa mga punong naroon.




Tumakbo ako ng tumakbo, walang lingon-lingon sa likod.

Tumakbo ako ng tumakbo kahit di ko alam kung saan ako papunta.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang napagod ako at nangdilim ang aking paningin.

A night with a vampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon