Chapter 2

250 2 0
                                    

"grrr ! may mga tao talagang hindi alam ang salitang SORRY nakakasakit sa bangs yung bakulaw na yun.!"

"ui Alisya Lukrisya ano naman ang binubulong-bulong mo jan? " tanong saakin ni anna, ang bestfriend ko.

"aah eh wala naman, binibilang ko lang yung bangs ko para kasing dumarami araw-araw hehe" natatawang sabi ko kay Anna.

"nakuu..Lukring tigil-tigilan mo na nga yan.. ay oo nga pala kumusta na ang step-dad mo?"

"si tatay Jack? hanggang ngayon nag be'beauty rest parin sa hospital." pag bibiro ko.

"tawagin mo na lang ako pag may sasabihin ka nang tama." inis na sabi saakin ni Anna.

"joke lang eto naman di na mabiro" pag pipigil ko sa kanya..

"kailangan namin ng malaking halaga ngayon para sa operasyon ni tatay." seryoso kong sabi kay Anna.

"anong balak mo ngayon?" pag tatanong nya saakin..

"balak? hah..! balak kong mang hold-up ng karinderya ngayon gutom na gutom na ako halika na kain na tayo.." pag iiba ko ng paksa kay Anna baka kasi mag senti pa ako nakakahiya sa ganda ko pa namang to :D

ay oo nga pala hindi pa ako nag papakilala sa inyo..

hello everyone (kaway-kaway) ako nga pala si Alice Salvador madalas akong tawagin ng mga kaibigan kong Alisya Lukrisya bakit? kasi naman sabi nila daig ko pa daw ang prisedente sa dami ng responsibilidad ko sa mundo I mean sa pamilya ko. alam nyo bang lima kaming mag kakapatid at ako ang panganay? ako lahat ang nag papaaral sa kanila kita nyo? daig ko pa ang tesda sa dami ng pina paaral ko tss! biro lang :D

3rd year college na ako sa pinapasukan kung university nakapag aral lang ako dahil sa isang scholarship na inaaplayan ni tatay Jack ang step-dad ko. ngunit kailan man hindi ko sya itinuring na step-dad sobrang bait kasi nya saakin. ako lang naman ang ibang tatay sa lima naming magkakapatid sabi ni nanay spanish daw tatay ko (-.-)

so much for the entro..:D

back to reality..

@canteen...

"Alice anong gusto mong ulam ?" tanong saakin ni Anna.

"bahala ka na kung anong gusto mo tutal ikaw din naman ang mag babayad eh." natatawang sabi ko sa kanya.

"anong ako?" reklamo ni Anna.

"hep-hep..diba kailangan ko ng maraming pera ngayon kaya kailangan kong mag tipid." pag papaliwanag ko sa kanya.

"pasalamat ka bestfriend kita." sabi ni Anna.

"sih. matagal ko nang pinag papasalamat sa dyos yan." pag bibiro ko.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon