Chapter 23

73 0 0
                                    

tama ang hinala ko, dito ko pumunta si Santher.  sa dagat kung saan malapit sa pier.

nakita ko syang naka-upo sa motor nya, agad ko naman syang nilapitan.

" bitwin ka ba?"

" tss! " lately kasi napag-alaman kong isa sa mga nakapag papalamig sa mainit na temperatura ng gwapong bakulaw na to ay ang PICK UP LINES. .korni noh?  ang isang leader ng fraternity, pinag kakaguluhan ng mga kababaihan, ang siga sa school namin ay mahilig pala sa pick up lines.

"sagot na." utos ko kay Santher.

"bakit? "

"kasi ang sarap mong titigan." eh kasi napaka imposible mong abutin.  yun sana ang gusto kong sabihin kay Santher.

"bitwin ka ba? " balik nyang tanong saakin.

"bakit?" excited kong tanong.. syempre minsan lang kung mag karoon ng mood 'to.

"kasi pang display ka lang. " ayun!  basag -.-

"ayos karin noh?  pinupuri ka na nga"

" ano ba kasing ginagawa mo dito? "

"sinasamahan ka."

alam kong kailangan mo ako ngayon Santher.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon