Chapter 16

173 0 0
                                    

at ayun nga...1 week na kaming nag papanggap ni Santher bilang isang super duper sweet pa sa sweet na lover, kalat narin sa school na mag boyfriend/girlfriend kami at ang pinaka malala pa hindi ko alam na leader pala sya ng isang fraternity.

sa canteen..

"alisya lukrisya na nakapag boyfriend ng isang ubod na gwapong mayaman, anong plano mo sa weekend?" tanong saakin ng masugid kong tagapakinig ng mga problema ko. si Anna :'D

oh diba improving? dati-rati alisya lukrisya lang ngayon may karugtong na.

"inimbitahan ako ng parents ni Santher na pasamahin sa beach resort nila this weekend." walang gana kong sagot habang sumusubo ng spaghetti.

"wow naman 'te improving! sa pag kakaalam ko dati ayaw sayo ng mga yun dahil hadlang ka sa pag me'merge ng kompanya ng Villiegas at Arelliano."

oo, tama si Anna. nung unang kong na meet ang parents ni Santher akala ko gigilitan ako sa talim ng tingin nang parents ni Santher saakin. kung anu-anong tinatanong saakin at ang malala pa may kamukha ko daw ang isa sa mga big stock holder ng kompanya nila sa Amerika oh diba nakakaloka! ansaveh ng beauty ko? akala ko pang squaters lang yun pala umabot pa hanggang sa amerika.

hanggang sa malapit na kaming maubus sa pag didiner deadma parin ang beauty ko sa erpat ni Santher.

pokerface ang matanda >.

FLASHBACK..!

"young man ano itong nababalitaan ko na hindi kana raw pumapasok sa mga classes mo?" kapagkuwan tanong ng daddy ni Santher sakanya.

tingin kay Santher...

(''_) hala ka! deadmahin ba naman ang tatay!

"kinakausap kita!" matigas na wika ni Mr. Sonny Villiegas.

"ako ba?" pa inosenteng tanong ni Santher.

"you bullshit!" sagot ng daddy nya.

ano ba namang pamilya to! mag murahan ba sa harap ng pagkain (,--)

"ano nga yung tanong mo?" walang ganang sabi ni Santher.

"umalis ka sa pagiging frat. leader mo Santher habang wala pang alam ang mga media." matigas na utos ng daddy nya.

"tama na." awat ni mommy saamin.

"pano kung ayaw ko?" pabalang na sagot ni Santher.

"sinusubukan mo ba ako?" panghahamon na sagot ng daddy nya.

"ano ba sa-

hindi na naituloy ni Santher ang sasabihin nya ng sikuhin ko sya sa tagiliran.

after ko syang sikuhin tiningnan nya lang ako gamit ang walang ikspresyon na mukha.

"kung sasagot karin lang naman siguraduhin mong matigas na ang mukha mo." galit na sabi ng daddy ni Santher na sya namang ikinatayu ng huli.

sa lakas ng pwersang gamit ni Santher nung tumayo sya nabuwal ang upuang gamit nya.

"what did you say?" nag hahalong galit at seryosong mukha ang itsura ni Santher.

OweMGi! galit na si papaSanther (O.O)

isip Alice. isip! sabi ng utak ko.

bago ako nakapag isip, tumayo na ako para hawakan si Santher sa braso.

"tama na." bulong ko kay Santher.

"ulitin mo nga yun old man!" nagiginig na sa galit si Santher nung mga panahong yun.

"bakit affected ka?" panginginis na sabi ng daddy nya.

"Sonny! that's enough!" pag aawat ulit ng mommy ni Santher.

"wala ka-

aray,..!"

sigaw ni Santher.. eh pano ba naman tinapakan ko ang paa nya \(^o^)/

"sabi ng tama na.. ang tigas ng ulo mo." bulyaw ko kay Santher.

pagkatapos ng ilang minuto ay humupa na ang galit ni Santher at kumain na ulit kami. grabe lang ang tigas ng kalamnan ng mga taong to pagkatapos mag away magkasama din palang kakain!

END of the FLASHBACK...

"diba sabi ko pulutin mo?" sigaw ng isang lalake sa likod namin na agad nakapukaw ng atensyon ng mga estudyante sa loob ng canteen.

"pa-pasen-pasensya na po ma-master." hinging paumanhin ng lalaking nakayuko.

"ano ba yun?" takang tanong ko kay Anna.

"malay."-Anna

kakain na sana ako ulit ng may marinig akong sampal.

PAAAKK...!

bigla akong napatingin sa lalaking nakayuko.

haaayy...! grabe! ang sama-sama ng ugali ng lalaking yun. hindi ko matiis..

"ui, ui lukring san ka pupunta?" natatarantang sabi ni Anna.

pero hindi ko parin sya nilingon tuloy-tuloy ako sa pag lakad.

"teka nga. mukhang kuhol! bakit mo ba pinapatulan itong lalaking walang kalaban laban?" inis kong sabi nung makalapit ako sakanya.

"anong sabi mo? mukhang kuhol?" di makapaniwalang tanong nung lalake sakin.

"oo bakit? aangal ka?" panghahamon ko.

PAAKK..!

ayun! sapul ang superhero nyo >.

ang sakit-sakit nung sampal saakin..

akmang sasampalin nya ulit ako kaya pumikit na lang ako.

"my God ! dyos ko! dito naba ako mamatay? hindi ko pa nararanasan maging mayaman at hindi ko pa naabut ang paris..saklolo..!" sabi ng isip ko habang nakapikit..

"goodbye..!" mahinang sabi ko at naghintay na lang ako na sasampalin ako ng mukhang kuhol na yun.

7..6..5..4..3..2..1..

dilat mata.. (*.*)

hala! nasaan na yung lalaking yun? takang tanong ko..

"oh..oh.." speechless ako sa nakita ko.

si mamang kuhol nakabulantang sa sahig at...at.."may dugo?"

"SUBUKAN MO MULING SAMPALIN SI ALICE HINDI LANG YAN ANG AABUTIN MO HAYOP KA...!" galit na galit na sabi ni...Santher?

"PAPATAYIN KITA..!" sigaw nya ulit.

"pare tama na.." awat ng mga kaibigan nya.

"BITIWAN NYU AKO! PAPATAYIN KO LANG ANG HAYOP NA TO" nag pupumiglas na sabi ni Santher.

"Sa-Santher.." mahinang usal ko.

"tama na." naiiyak kong sabi sabay yakap sakanya at tila natauhan naman sya dahil tumigil na ito sa pag wawala.

ilang sandaling katahimikan..

"ayos ka lang ba?" nag alalang tanong nito saakin.

tango lang ang isinagot ko.

"patayuin nyu yan." matigas na utos ni Santher sa mga kaibigan na agad din namang sinunod.

"sampal" wika ni Santher.

"ha-ha?" nalilitong tanong ko.

"sabi ko sampal." mariing utos nya ulit.

"pe-pero-

"gusto mo ako ang sasampal jan?" inis na sabi ni Santher.

hala! pag si Santher ang sasampal dito kawawa ang lalaking to.

"ang tagal..!" inip na wika ni Santher.

"e-eto na oh." sabi ko sabay harap kay mamang kuhol at pikit matang sinampal sya.

"lets go.." sabi ni Santher sabay hatak saakin.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon