Chapter 19

164 0 0
                                    

"andito na ako."

"hI ate" nakangiting bati saakin ni Kim. ang pangatlo sa lima kong kapatid.

"si nanay?"

"nasa taas, dinalhan ng pagkain si tatay." sagot ni Kim na abala sa pag kukulay ng coloring book.

umakyat na ako sa taas ng bahay para puntahan si nanay at para narin makita kung okay lang si tatay.

dalawang palapag ang bahay namin kasi maliit lang yung lapad ng bahay namin kaya ginawang dalawang palapag para hindi masikip sa loob.

"nay, tay mano po."

"kumusta ang school?" pag tatanong ni tatay Jack saakin.

"ayos lang naman 'tay, andun parin sya sa dati nyang pwesto. hindi pa naman umaalis." pag bibiro ko.

"ikaw talaga Alice puro ka kalokohan." sabi ni nanay.

"si nanay naman pinapatawa ko lang ho si tatay, diba tay?"

"ang luma naman kasi ng joke mo anak." nakangiting ganti saakin ni tatay, halatang nangayayat ito at medyo maputla parin.

"haha patawa. maiwan ko muna kayo mahal na hari at mahal na reyna raraket lang ang mahal na prinsesa." pag papaalam ko sa kanila.

"pasensya kana anak ha, dahil sa sakit ko ikaw tuloy ang gumagawa na dapat sana ako." mahahalata sa boses ni tatay ang panghihinayang.

"hay...! si tatay talaga wag ka nang mag drama jan. baka nakakalimutan mong si supergirl 'ata ito." pag mamayabang ko.

"oo nga pala astig ka." natatawang sagot nito.

"sige na po, mag bibihis lang ako para makaalis na ako papuntang trabaho." pag papaalam ko sabay mano ulit sakanila.

"sige anak ingat ka." nag-aalalang sabi saakin ni nanay.

"yes ma'am" sagot ko sabay saludo.

---

pag katapos kong mag bihis umalis na ako papunta sa coffee shop, isa sa mga permanente kong trabaho at dito ko rin nakilala si Stacey.

"hey..!" bati ko kay Stacey pag dating ko.

"ay bakla.....!" ganting tili nya.

"kung makasigaw naman baklang 'to akala mo kami lang ang tao sa coffee shop,"sabi ko kay Stacey.

"ui ikaw ha hindi mo kinukwento saakin ang tungkol sa anghel mong boyfriend." nakikilig pa ito habang nag sasalita.

ano daw anghel? si Santher? eh ang sama ng ugali ng bakulaw nayun, mukhang anghel lang pero demonyo naman ang ugali.

"sinong anghel?"

"ai bruha! kung makapag tanong ka parang angdami mong boyfriend ah, sa pag kakaalam ko first boyfriend mo yung nag-iisang anak ng isang bilyonaryong Sonny Villiegas na yun." mahabang hilatsa ni Stacey,

"pwede bang wag na natin syang pag usapan." naiirita ako pag naalala ko yung Santher na yun..!

"hmm.. may LQ kayo noh." at nang asar pa! sabi ng ayaw ko syang pag-usapan eg!

imbes na sagutin ko si Stacey iniwan ko na lang sya at nag trabaho na.

fast forward....

7p.m natapos ang trabaho namin ni Stacey sa coffee shop tapos nun niyaya ako ni Stacey na rumaket bilang isang waiter sa bar ng kaibigan daw ng kaibigan ng kaibigan nya, oh diba ang gulo? pero gowra parin ang lola nyo sayang ang pera eh.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon