Chapter 14

171 0 0
                                    

Alice P.O.V

pag dating ko sa hospital naabutan ko si nanay, marilyn at Jr na nagbabantay sa mahal kong tatay na ilang buwan ng nag be'beauty rest dito sa palasyong hospital na to.

"nay, mano po." usal ko nang makapasok na ako sa loob.

"kaawan ka ng dyos anak." malungkot na sabi ni nanay.

"hayy..! si nanay talaga wala na namang energy, diba sabi ko sa inyo painumin nyu ng energy drink ang mahal na reyna para may lakas na bantayan ang hari nya." biro kong sabi kena Jr at Marilyn.

"si Ate patawa, 'di naman bagay." singit ni Marilyn.

"oh Alice sinong yang kasama mo?" nalilitong tanong ni nanay.

"aah ito? si Santher po nay."

"magandang hapon po." bati naman ni Santher sa nanay ko.

"'te boyfriend mo?" tanong ni Marilyn.

"nakuu..! Marilyn patawa karin noh.. si ate mag kakaboyfriend ng ganyang ka-gwapo? in her dreams." pang aasar naman ni Jr.

"oi, kayong dalawa hindi nyu ba ako natatantanan? gusto nyu ata mawalan na ng allowance." panghahamon ko.

"ay si ate 'di na mabiro syempre ang ganda-ganda mo hehe" natatawang bawi ni Jr sa sinabi nya.

"nakuu..tigil-tigilan nyu nga ako. labas na may pag uusapan pa kami ni nanay." pag uustos ko sa kanila.

"sige 'te, gutom na din kami eh." sagot ni Jr.

"sama nyu na rin si Santher, eto yung pera" sabi ko bago sila lumabas ng kwarto.

pag alis ng mga kapatid ko at si Santher sinara ko na ang pinto.

"nay, may... nakuha na po akong pera para sa operasyon ni taray Jack, tsaka may pambayad na din po tayo sa mga utang natin sa mga kapit bahay." pag sisimula ko.

"Alice anak, san ka kumuha ng ganong kalaking pera?" pag tatanong ng nanay ko habang nangingilid na ang luha sa mga mata, alangan naman luha sa ilong.

"yung...yung kasama kong lalake kanina si Santher, may-may charity kasi yung pamilya nya kaya tinulungan nya ako. yung foundation nila na lang daw po ang mag babayad ng mga utang natin sa hospital." pag sisinungaling ko.

pasensya na nay, kailangan kong ilihim sa inyo ang totoo, dahil alam kong hindi kayo papayag sa desisyon ko.

"talaga anak? ang bait naman pala ng Santher na yun, hayaan mo mag papasalamat ako sakanya pag nakabalik na sila dito." sabi ni nanay na mukha namang nakumbinsi ko sa pag sisinungaling ko.

"si-sige po, kung yan ang gusto nyu." I replied.

"anak, salamat sa lahat lahat ng naitulong mo. nakakaiha na siguro kasi dapat kami yung nag ta'trabaho para sa inyu ng mga kapatid mo imbes na ikaw." naiiyak na sabi saakin ni nanay.

"si nanay naman eh, maiiyak na ako nyan sa sinasabi nyu." natatawang sabi ko tapos nyakap ko sya.

nay pangako, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ko ang pamilya natin.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon