Chapter 10

170 0 0
                                    

Alice P.O.V

mula sa binabaan ko kanina nilakad ko na lang yun papunta sa bahay namin...mag mumuni-muni muna ako.

"what a night...!" nasabi ko na lang sa sarili ko sabay buntong hininga.

"hindi na siguro masama kung pag tsagaan ko muna yung ugali ng bakulaw na yun para sa pamilya ko."

fast forward....

sa bahay....

"andito na ako." sigaw ko pagka bugas ko ng gate.

"oh ate kumusta yung raket ?" salubong saakin ni Jr.

"magulo." maikli kong sagot.

"paanong magulo?" pag tatanong ni Jr.

"haish ! si nanay ?" pag iiba ko ng paksa.

"sa hospital, kasama si Marilyn binabantayan si tatay."

sagot ni Jr sabay upo sa upuan para sabayan yung ibang kapatid ko sa hapunan.

"anong ulam?"  grabe,  ginutom ako dun sa party. pano naman kase ang tipid maglagay ng mga pagkain doon eh ang dami namang budget..

"sardinas.. hindi pa nga kasya saamin yung isang lata ng sardinas para saaming tatlo.." sabi ni Jr.

"kakain ka ?"

"hindi na, busog pa ako." hindi pa nga ako nakakain inu-unahan na ako na hindi kasya sakanila yung ulam. -.- paano pa kapag kumain ako?

"oo nga pala ate, pinapasabi ni nanay sa isang linggo na daw yung operasyon ni tatay." sabi ni Jr.

"ganun ba." mahina kung sabi tsaka pumasok sa kwarto ko.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon