Chapter 21

157 0 0
                                    

Santher's P.O.V

"ano bang gusto mong gawin?" tanong ko kay Alice.

"isa lang naman ang gusto ko." malungkot na pag kakasabi ni Alice. himala! ngayon ko lang nakitang malungkot to after ng operasyon ng tatay nya.

kaya na curious ako.

"ano ba yun?" interesado kung tanong.

"ikaw.."

5..

4..

3..

2..

1..

processing....

"wait, nag ba'blush ka!" natatawang sabi nito.

"hi-hindi ah..!" actually nabigla talaga ako sa sinabi ni Alice kaya siguro hindi ako agad nakapag react.

eto ang namiss ko kay Alice, ang kanyang tawa o mas tamang sabihing hagikgik at ang kanyang pagka pilya.

pag katapos naming mag lunch nag bake kami ng cake ni Alice, naikwento kasi saakin ni Anna na ang pag bi'bake daw ng cake ang paburitong gawin ni Alice pag wala daw ito sa mood.

"infairness umi'effort ka ngayon para mawala ang galit ko sayo ah." masayang wika ni Alice.

"tsss..! hindi noh.. ikaw talaga kung anu-ano ang iniisip mo kung ayaw mo wag na lang." utak isda talaga sya na nga 'tong hinihingan ng pabor kung anu-ano pang iniisip.

"pasensya na. tara bake na tayo." sabik na sabi nito.

hindi ako yung tipo ng lalake na mahilig sa kusina, ang pag luluto ang pinaka ayaw ko sa lahat pakiramdam ko kasi mga lalaking bakla lang ang mahilig mag luto. pero para mawala ang inis saakin ni Alice sasamahan ko syang mag bake.

"oh ano titingin ka lang ba jan?" sita saakin ni Alice ng mapansing nakatingin lang ako sakanya I mean.. sa bini'bake nya.

"oo naman, asa ka pa na tutulungan kita tss!"

"ikaw... akala ko pa naman nag bago kana, sadya talagang maitim ang budhi mo bakulaw ka." pang aaway saakin ni Alice.

"pwede ba utak isda mag bake kana lang jan." pag sesermon ko sakanya.

"mag bake pala ha...uhmm.." wika nito sabay pahid ng arina sa mukha ko.

"ui ano ba.!" reklamo ko.

"ano ha.." natatawang sabi nito at inulit pa ang pag pahid ng arina saakin.

"Alice...ang kulit..."

"tulungan mo na kasi akong mag bake." pag pupumilit nya.

"ayoko nga..Alice..tigilan mo na nga ako." sabi ko habang panay ang iwas sa mga kamay nya na may arina.

"ayaw mong tumigil ha.." pag babanta ko.

ng hindi na ako makatiis ginatihan ko na rin sya..mag papatalo ba ako? tss..! hell no!

hanggang sa nauwih sa pag bubuhos ng arina ang sana'y pag bi'bake namin..grabe! hindi ko akalain na tatawa ako ng ganito, matagal narin simula ng tumawa ako, pag nakita ako ng mga tropa ko sa ganitong iksena siguradong pag tatawanan nila ako..

"halika dito.." habol ko kay Alice..

nag habolan kami hanggang sa sala hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganun ang ginagawa basta ang alam ko, masaya ako....kasama sya..

"time out..time out.." hingal na sabi saakin ni Alice habang nakataas ang dalawang kamay nya.

naka upo na sya ngayon sa sofa.

"ayoko nga." pang aasar ko..

akmang lalapitan ko na sana sya ng may marinig kaming galit na boses..

"what the hell is happening here?!!" galit na sigaw ng boses lalake..

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon