Chapter 15

165 0 0
                                    

Santher P.O.V

haaay....! si utak isda talaga utusan ba naman akong sumama sa mga kapatid nya tss! humanda saakin yun mamaya (evil smirked)

"kuya Lanter, anong gusto mong kainin?" tanong saakin nung batang babae, marilyn ata yung pangalan ng nasa canteen nakami.

"it's SANTHER" pag kokorek ko.

mag kapatid nga sila nung manang nayun, parehong utak isda tss!

"kuya Santher, yung totoo boyfriend mo ba talaga si ate?" pag tatanong ni Jr ata yung pangalan.

hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko. hindi pa namin kasi pinag-uusapan ni Alice kung ipapaalam ba nya sa mga pamilya nya ang tungkol sa pag papanggap namin o hindi.

"alam mo kuya Santher kung talagang boyfriend ka ng ate namin, naku ! ang swerte mo." pag mamayabang ni Marilyn.

tss! maswerte daw, eh laging galit yung manang nayun saakin eh.

"pag pasensyahan mo na si ate kung minsan nambabara at kung minsan masungit yun." pag sisimula ni Jr.

MINSAN ?? sabihin mo madalas.

"ganun lang talaga ang defense mechanism nya, simula kasi nung maospital si tatay sya na ang nag taguyud sa pamilya namin, 3buwan nadin nandito si tatay. si nanay kasi mahina na hindi na nya kaya ang pang matagalan na trabaho." malungkot na sa sabi ni Jr.

"alam mo ba si ate? ginagawa nyang araw ang gabi para lang may pagkain saamin at pang gastos sa hospital, tuition at pagkain namin araw-araw." pag papatuloy ni Marilyn.

natigilan ako sa mga sinabi ni Jr at Marilyn tungkol kay Alice. ganun ba talaga kahirap ang pinag daanan nya simula nung maospital ang tatay nya?

masama naba ang ugali ko dahil palagi kong iniinis si Alice?

haay..! kasalanan naman nya yun eh, lagi na lang nya akong inaasar.

dahil sa sinabi saakin ng dalawang yung nagamit ko tuloy ang natutulog kong utak para mag isip.

pag katapos nilang kumain bumalik na ulit kami sa kwarto ng tatay nila Alice, hindi na ako kumain hindi din naman ako nagugutom.

pag pasok namin naabutan naming magkayap si Alice at ang nanay nya.

pag tingin ko sa mga mata ni Alice may nakita akong lungkot? na pilit iwinawaglit ni Alice para hindi sya maiyak.

"tss! utak isda!" mahinang wika ko.

habang nag tatawan ang mag ina palihim kong pinag mamasdan si Alice, hindi mo talaga maiisip na may masakit itong pinag dadaanan. ang lakas kasing nyang tumawa at hindi patatalo sa asaran.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon