Chapter 26

63 0 0
                                    

"utak isda"

pati ba naman sa panaginip utak isda parin tawag nya saakin?  nakakainis ha!

"utak isda gising na"

gising na? hala! hindi panaginip..

-____-

-____O

O____O

then I saw... ang anghel na asal demonyo. . no other than...Santher Villiegas!

"bakulaw naman! kitang natutulog pa yung tao eh" napuyat kaya ako sa kakaisip sa huli nyang sinabi saakin bago nya ako ihatid sa bahay kagabi.

salamat girlfriend first time nyang sinabi saakin yun.. kaya hindi ko alam kung paano mag react. basta ang alam ko ang sobrang sarap sa pakiramdam na marinig yun.

" kung hindi ka pa babangon jan wala ka ng aabutan sa first class" at dahil doon napabangon ako agad..

" seryoso?  anong oras na? "

"7:45.. sagot ni Santher habang nakaupoh sa gilid na kama ko."

"luuh! Santher ba't ngayon mo lang ako ginising? 8a.m kaya yung klase ko."

"ginising kita kaso ayaw mo naman gumising.. sabi ko naman sayo hindi mo na ako kailangan pag pantasyahan sa panaginip mo, andito na ako sa harap mo oh! all you have to do is please me" then I saw him smirked. . swear !

"hoi Santher ha! ba't ka nakangisi jan?" sita ko kay Santher.

" nah! maligo ka na.. late ka na oh."

---

"andito ka pa?"

" utak isda talaga kahit kailan.. andito pa ako natural! infact kausap mo pa nga ako eh."

"oo na ikaw na matalino.." malay ko bang paglabas ko ng c.r eh andito pa sya.

" bihis na. bilis. kanina pa naghihintay sina nanay at tatay sa baba.. ang kupad kupad."

nanay? tatay? kung maka nanay at tatay sya akala mo naman totoong magulang nya yun.

pagkatapos kung magbihis bumababa na ako para mag almusal.

" oh andito na pala si ate Alice" puna saakin ni Jr.

" morning nay,tay"

"good morning din anak, halika na at sumabay ka saamin sa almusal." aya saakin ni tatay Jack.

at dahil sa wala ng bakanteng upuan maliban sa tabi ni Santher doon na ako umupoh.

" dito ka na sa tabi ko aking prinsesa. anong gusto mo hon? ito oh masarap 'to tikman mo love, ay babe! kape gusto mo? eh yu--

"stop!" nung una prinsesa tapos hon sunod naman love at ano yung huli babe?? yung totoo, ano 'to? type of test?  multiple choice!  aba! Santher bopols ka mabubuko tayo nyan eh.

"ako na.. kaya ko naman abutin lahat nangyan eh. hindi ako imbalido." nakakainis na eh! ako itong si todo effort para mag panggap tapos sya kung anu - ano sinasabi nya.

"may problema ka ba?" untag ko kay Santher kanina pa kase sya walang imik, simula ng umalis kami ng bahay hanggang sa makarating kami dito sa school.

" wala"

"eh bakit hindi ka nag sasalita jan?"

"wala nga"

"edi wala." nag tatanong lang naman ako bakit kailangan nya pa akong sigawan? tss! makalabas na nga ng kotse..

" naiinis ako"

sasabihin din naman aarte-arte pa!

"naiinis saan?"

"sa kanina?"

" galing.." hell-o ang dami kayang nangyari kanina?  'di ba nya pwedeng kompletohin sagot nya? nakuu! pag kumuha 'to ng kursong BS Education sigurado bagsak agad to.. bawal kaya dun yung incomplete answer!

" alin ba dun?"

"yung kanina sa almusal.  ako na nga itong nagmamagandang loob ako pa yung napahiya."

" Santher naman.. ikaw kase eh kung anu - ano na lang tinatawag mo saakin.. prinsesa, hon, love,  babe.. maghihinala sila nanay dun."

"hindi ko naman kase alam kung ano itatawag ko sayo "

" ano ba naman yung tawagin mo ako sa pangalan ko. oh de  walang problema."

" ayoko nga."

aba! aarte pa!

"at bakit ayaw mo?" nakakainis na sya ha.

"sabi kase ni Aaron dapat pag mag boyfriend / girlfriend na daw yung dalawang tao dapat may tawagan. "

yung Aaron na yun.. hinayupak sya! idamay ba naman kami sa kalandian nya.

" ano na?"

"anong ano na?"

"ano na nga yung tawagan natin? "

seryoso??

"ah eh.. a-ano ka ba Santher nag papaniwala ka sa Aaron na yun. ang mabuti pa labas na tayo dito sa loob ng kotse tapos ikaw pumasok ka na sa klase mo at ako naman papasok na rin. sige bye!"

eh sa hindi ko alam kung anong irereact ko. sa tagal namin nag papanggap ni Santher ngayon lang sya nag demand ng aming "sweet" endearments  as in NGAYON lang 'te!

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon