Chapter 22

124 1 0
                                    

Alice's P.O.V

Isang buwan narin ang lumipas simula nung mag panggap kami na mag boyfriend/girlfriend ni Santher.

marami-rami narin ang nakakaalam sa relasyon "kunoh" namin. Ang pamilya ko at ang pamilya ni Santher.

Naging komportable na kami sa isa't isa at unti-unti ko na rin natanggap ang kawalang hiyaan nya -.- gaya ngayon, andito kami sa tambayan.

"Santher naman ang kulit...dun ka nga." kanina ko pa sya pinapaalis dito sa tabi ko, kasi naman istorbo!

"wala na akong maupuan."

sagot nito habang kinikiliti ang kili-kili ko. Opo, kanina pa nya tinutusok-tusok yung kili-kili ko gamit ang ballpen habang nanunuod kami ng wrestling (_._)

"next time kung mag rarason ka rin lang naman siguraduhin mo yung maniniwala ako." wala daw maupuan. may sala set bang isa lang ang upuan? Gosh**

"hui! kayong dalawa kanina pa kayo ha, alam nyu bang wala na kaming marinig sa ingay nyung dalawa.." reklamo ni Kent sabay tapon saamin ng throw pillow. Si Kenneth better known as Kent ay Frat. member/ka'klase ni Santher.

"oo nga naman." sang ayun naman ng iba.

"dun nga kayo sa kwarto mag landian." iritang sabi ni Aaron.

tiningnan muna ako ni Santher bago ito nag salita. "eto ikakama ko? daig pa nito ang kawayan eh walang ka shape shape."

eto nanaman po kami sa asaran..

"tigas din ng mukha mo eh noh, asa ka pa na papatulan kita."

"asa daw ako..boyfriend mo na nga eh"

sabay tawanan naman ng iba.

"ha.ha.ha nakakatawa."sarkastiko kong sabi.

pag si Santher na ang bumabanat tagos na tagos talaga.

"tingnan---

naputol ang sasabihin ni Santher ng biglang mag ring ang cellphone nya.

"hello ma."

"what?! yes ma I'm coming"

mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ng mama nya, nakakunot pa ang noo nito kaya hindi ko na napigilang mag tanong pagkatapos ng usapan nila ng mama nya.

"anong sabi ng mama mo?"

"Aaron, ihatid mo na si Alice sa bahay nila."

pagkasabi nun ay agad ding nag mamadaling umalis si Santher kaya naiwan kaming tulala.

Hanggang sa nakauwih ako ng bahay ay pala isipan parin saakin kung ano ang sinabi ng mama ni Santher sakanya at ganun na lang ang ekpresyon ng mukha nya bago sya umalis ng tambayan.

"kaya na nya yun." kapag kuwan sabi ni Aaron.

"ha?" sa pag-iisip ko kay Santher hindi ko namalayan na andito pa pala si Aaron.

"alam kong kanina mo pa iniisip si Santher. Ako nga din eh, nag-alala sakanya pero may tiwala ako kay Santher at alam kong kaya na nya yun."

isang pilit ng ngiti lang ang itinugon ko kay Aaron. Siguro nga kaya na ni Santher yun pero hindi ko parin maiwasang mag-alala.

"alis na ako Alice"

"sige Aaron, salamat sa pag hatid salamat."

----

9:20 p.m

My God ! ano bang utak meron ang Santher na yun? kanina pa ako tawag na tawag sakanya di man lang ako sinasagot. mamatay ako sa pag-alala sa bakulaw na yun..argh..!

"Alice anak" tawag saakin ni tatay Jack.

"bat andito ka pa sa labas? gabi na ah."

hindi ko kasi ugaling tumambay sa labas lalo na't ganito na kagabi marami kasing nag-iinuman sa labas alam nyu na, iskwater..

"nag papahangin lang po 'tay."

"si Santher ba?"

"po?"

"kanina ko pa kasi napapansin panay ang dial mo sa telepono mo. si Santher ba ang dahilan?"

"ang totoo nyan 'tay nag-alala ako kay Santher, ewan ko ba. kanina kasi tinawagan sya ng mama nya at mukhang seryoso ang pinag-usapan nila at nag mamadaling syang umuwih. eh kahit naman gaano pa yun ka busy 'tay hindi nya ugali ang ipatid ako sa iba." ganun ka O.A si Santher Villiegas.. ayau nyang mga bakarda nya yung mag hahatid saakin kasi alam nyang parang hinahabol ng sampung demonyo kung mag patakbo ng motor ang mga yun.

"sigurado naman ako na mag papaliwanag din yun, tanungin mo na lang bukas.. mag pahinga ka na anak."

"sige po 'tay susunod na lang po ako."

kung ano man ang dahilan mo Santher lagot ka sakin bukas..

"hay...! bwiset ka!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa inis. bahala sya sa buhay nya akala nya mag-alala ako sakanya? hindi noh..

akmang papasok na ako sa loob para mag pahinga ng mag ring ang cellphone ko.

tita Therese Calling...

"hello tita."

"ahm.. hija nandyan ba si Santher?"

"si Santher po? hindi po nadalaw dito." sabi na eh kaya hindi ako mapakali, may problema talaga si Santher..

"asan na kaya ang batang yun? kaninang hapon pa hindi umuwih.." nag alalang sabi ng mama ni Santher.

"tita? may problema po ba?" wala naman sigurong masama kung mag tanong ako.

"kaninang hapon kasi nagkaroon sila ng pag tatalo ng daddy nya, nagkasigawan sila tapos biglang umalis si Santher.."

mukhang napapadalas ata ang away ng dalawag yun.

"Alice pwede bang pag nadalaw si Santher jan tawagan mo ako?"

"yes tita."

"sige salamat hija."

pag katapos namin mag usap ni tita sinubukan ko ulit tawagan si Santher..

"Santher sagutin mo." natataranta na ako iba kasi kung magalit ang isang yun nawawala sa sarili, maihipan lang yun ng iba suntok agad ang igaganti.

finally after 347765 missed calls sinagot na nya ang tawag ko.

"bakit ba?" wala man lang hello o hi? bulyaw agad? tss!!

"asan ka ba Santher?"

"ano bang pakialam mo?" kita mo na.. halos mamatay ako sa pag alala ganito lang ang isasagot (-.-)

"my God Santher, nag-alala na sayo ang mama mo, asan kaba?" kalmadong tanong ko. hindi ko dapat bulyawan si Santher ngayon baka mas lalong mag alburuto.

may mga naririnig akong hampas ng alon..

"San---

*toot.toot*

"hello..Santher?" bwiset! binabaan ako ng telepono.

sinubukan ko ulit tawagan si Santer kaso cannot be reach na ang phone nya.

hampas ng alon...san ko ba sya hahanapin! eh ang laki ng dagat dito sa pilipinas..

isisp pa Alice...isip..

"alam ko na!" naalala ko nung mag away kami dinala nya ako sa tabing dagat para makapag usap kami dahil tahimik daw doon.

"'nay, 'tay"

"oh anak bakit?" gulat na tanong ni nanay.

"alis po muna ako." pag papaalam ko sabay akyat ng kwarto para mag bihis.

"san ka ba pupunta? gabi na." tanong saakin ni tatay Jack pagkababa ko.

"kailangan po ako ni Santher."

pagkatapos kong mag mano sa kanila ay agad din akong umalis.

Marrying Ms. Wrong !?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon