Chapter 7: Bluemoon

8.5K 235 0
                                    

JEORGIA LAURICE' POV:

      MAY binubuhay na damdamin si Mindy sa katauhan ko na hindi ko maintindihan. Hindi pa ako nagkakaroon ng relasyon mula noon.
Pero may naramdaman akong pamilyar sa namagitang halik namin ni Mindy. Alam kong mali dahil pareho kaming babae, pero wala akong maramdamang alinlangan nang tumugon ako sa halik niya.

        "It's getting late, I'd better go, Mindy," mahina kong sabi at hindi ako makatingin ng deretso. Mindy hugged me once again and whispered "Thank you..."

        "For what?"
        "For staying."
        "We're f-friends."
        "Friends?"
        "Bakit Mindy? Ano ba tayo? Hindi porket gumanti ako ng halik, tayo na diba? Ano ako, easy?"

        Natawa siya ng malakas.  "Ibang-iba ka talaga Jerie, grabe!"

        "Bakit? May pangil ba ang mga babaeng dumaan sa 'yo?!" Tumawa ulit siya.

        "Oo meron, pero iba ka, dahil sa halik mo, parang laging akong uhaw!"

        "Manahimik ka na nga, uuwi na ako."

       Hindi na naulit ang halik na 'yun dahil nararamdaman kong iniiwasan naming pareho pag-usapan. Lumipas ang isang linggo na naging ganu'n ang routine namin: Ihahatid niya ako sa office sa umaga, sabay magla-lunch, ihahatid ako sa bahay, sabay magdidinner - either sa condo ko or apartment niya.

       Patapos na ang therapy ko, ayos na ang pagla-kad ko. Medyo nalungkot ako dahil meaning, hindi na ako kailangang ihatid ni Mindy. Isang umaga, nabungaran ko siya sa lobby ng condo.

        "Ginawaga mo rito? Waiting for...Bamby?"
        "Nope, I am waiting for you."
        "May usapan ba tayo?"
        "Wala, ilang araw kasi kitang hindi nakita eh."

        "Hindi mo naman ako girlfriend para laging makita diba?"

       Hindi ko kasi maintindihan trip ni Mindy. Laging nakatext, nakatanong, nakabakod sa mga kumakausap lalaking sa akin. Ayoko namang tanungin dahil ayokong ma-assume.

        "Aga-aga ang sungit! Halika na nga, huwag ka ng pumalag."

       Tahimik akong sumakay ng kotse niya. Pabor sa akin kasi hindi na ako mapapagod mag commute.

        "Punta ako sa bahay mo mamaya, antayin mo ako," sabi niya.
        "May lakad ako," sabi ko kahit wala.
        "Mas importante pa sa akin?"
         "Oo!"
        "Puwes icancel mo, ako ang susundo sa 'yo mamaya."

       Pagdating sa opisina ay naguilty ako. Tinarayan ko na naman siya pero andiyan pa rin siya. Tapos na ang lunch pero wala pa rin siyang text. Para naman akong timang na hindi mapakali. No..I won't text her, I will not.

       Alas kwuatro y media ay nag-aalala na ako. Hindi normal ito na hindi nagpaparamdam si Mindy sa maghapong ito. Hanggang makauwi ako sa condo ay walang Jasmin Diana na nagparamdam.

       Pagpasok ko ay nilaro ko muna si Faw-faw, as usual. Sanay akong mag-isa mula noon pero nang dumating si Mindy sa buhay ko ay binago niya yun. Nakakaramdam na ako ng lungkot sa pag-iisa. Funny, funny how she changed me that easily.

     Alas nuwebe pa lang ng gabi pero inaantok na ako. Hindi na siguro magpapakita si Mindy. Binuksan ko ang laptop ko bago ako matulog. 
Binisita ko ang Fb niya. May post do'n kasama si Bamby at kasama si Mina. ATM daw sa may Robinsons Ermita.

      Hmmpf! Ano kayang ginawa nang mga 'yun. Arte arte, sabi siya magsusundo, wala naman, yun pala gumigimik! Nainis ako, sinara ko ang laptop at nag shower.

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon