MINDY'S POV:
Umuwi ako sa bahay namin na may magaan na pakiramdam. Hinalikan ko sa pisngi ang lola ko nang makita ko sa veranda.
"Hija...."
"Hi Lola! I love you! Mmmmuwaaah....""Hay ikaw bata ka na kay bilis magbago ng mood. Kanina ay iab ang aura mo ngayon nama'y para kang lilipad sa kasiyahan?"
"Ayaw mo 'yon La? Lagi lang happy! Ang mama at Papa?"
"Nasa Tayuman, may outreach silang sinalihan."
"Samantalang ako hindi nila makamusta man lang?"
"Hayaan mo na sila hija. O...suot mo pala ang singsing? Natutuwa ako apo."Inaya ko ang lola sa kitchen. "May niluto ba kayo for dinner?"
"Wala. Pero nagpaluto ako ng kare-kareng gulay kay Inday dahil alam kong uuwi ka."
Tinaasan ko siya ng kilay tsaka inakbayan. "Yan ang gusto ko sa 'yo La eh. Lakas ng instinct mo, he! He!"
"Huwag mo na akong hainan, papanoorin na lang kitang mabusog."
Kumuha ako ng pagkain at tinabihan ang lola. Siya naman ay nakatunghay lang sa akin na akala mo antagal akong hindi nakita.
"Alam mo bang kamukha-kamukha mo ang ate? Hindi mo na siya naabutan pero pwedeng mapag-kamalang siya ang lola mo."
"Eh natural naman La, iisang hulmahan lang tayo no..."
"Lamang..hindi siya sumunod sa tradisyon. Iniwan din sa kanya ang sigsing pero pinagwalang bahala rin niya.""Lola, tama na ang kuwento. Oo naniniwala na ako na ihahatid ako ng singsing na 'to sa taong mamahalin ko habambuhay."
"Mainam."
"Eh pano la kung...babae pala?"Hinawakan niya ang kamay ko. "Kung saan ka dadalhin niyan, sumunod ka lang. Oh siya, naantok na ang matanda, maiwan na kita at makikinig pa ko kay Papa Jack."
"Huwaaat Lola?!! Seryoso?"
Tumayo ang lola. "At baket? Anong akala mo sa akin hindi updated? Groovy to apo. May zumba pa ako sa Bel-air bukas, gusto mong sumama?"
"Loooo--laaa..."
The following day, ikatlong araw ng nakaburol ang tita ni Jerie. Hindi na ako nangahas na makipaglamay sa Bohol. Tsaka na lang ako magpapaliwanag. Nalilito man ako sa huli naming tagpo na kung saan parang aloof sa akin si Jerie ay hinayaan ko na lang. Ang focus ko ngayon ay ayusin ang buhay ko nang walang nakadagan na bigat ng nakaraan.
I invited Bamby over lunch sa bahay. Kinuwento ko sa kanya ang lahat.
"So ano'ng plano mo girl?"
"Una...papakiusapan ko ang dad na iturn over ulit sa iba ang project sa Antipolo. Pero tignin mo? Dapat ba?""Tingin ko hindi, tapusin mo na siguro kahit yung first phase lang ng project. Ako kasi nanghihinayang sa kurso mo eh."
"Kurso? Kursong wala akong puso para ro'n. Alam mo naman yung reason behind it diba?"
May kumurot sa puso ko dahil naalala ko bigla si Jerie. Miss na miss ko na siya. :(
"Tapusin mo Min. Para matuwa na rin ang dad mo."
"May iba pa kasi akong naiisip. Hindi ko naman binitawan ang studio sa Quezon City."
"Itutuloy mo mo 'yung photoshop niyo ni...Carina? Hindi ka ba mahihirapan?"
"Oo mahirap sa simula. Pero, may suggestions ka ba na puwedeng gawin do'n na matutuwa si Jerie?"
"Alam ba niya yung tungkol do'n? baka lalong magwala 'yun pag nalamang sa inyo 'yon dati? Huwag mo na lang sabihin na may memories ka ng ex mo do'n."
"Pa'no kaya?"
"Ano ba hilig niya?"
"Mahilig siyang magluto, lahat ng gawaing bahay, magaling siya. Ni sa kalingkingan niya ay wala akong binatbat."
"Natural, mag-kaiba kinalakhan niyo."
"Ano kaya?"
"Naisip ko lang, kung mahilig siyang magluto. Why not, maliit na coffeeshop with pastries and pasta. Open ang JLC cafè for franchising ah. At least 'yon, sabay kayong matututo. Eh hindi ka naman music lover, hindi naman siya mahilig sa photography. At least yun, compatible kayo," sabi niya at parang nang aasar ang mukha niya.
"Ano?!"
"Compatible....Siya taga luto, ikaw taga lamon! Hahahah!!!"
"Baliw! Pero itetake consider ko 'yan. Tawagan kita para tulungan ako ha."
"Sure! Eh pa'no yung apartment sa Singalong?"
"Nasa akin pa rin. Nasa Bohol ang Ninong Rigor. Hindi pa kami nakakapag-usap."
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
Storie d'amoreFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...