JERIE'S POV:
NAG-LINIS muna ako ng bahay pagka-alis ni Mindy. Masaya akong gumawa, baon ang mga after shock effect ng mga halik niya. I decided na huwag na siyang hintayin para makapag-grocery.
Excited na ako sa movie marathon date namin mamayang gabi. Inalis ko na lang sa isip ko na kasama niya si Mina. Haaay, nagseselos ako sa babaeng 'yon. Palabas na ako ng bahay ng eksaktong kakatok sa pinto si Bambi.
"Oh Bam! Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Wala akong ginagawa sa bahay eh. Busy ba kayo? Makikigulo ako, he!he!"
"Hindi naman, eto papunta akong grocery samahan mo ako?"
"Sa'n si Mindy?"
"Umalis kasama si Mina. Imi-meet daw Ninong Rigor niya sa Makati. Uuwi rin 'yon mamaya. Magluluto ako ng meryenda at dinner, dito ka na maghapunan."
"Wow! Sweet! Sige, sige. Magkotse ba tayo?""Huwag na! Nang matagtag ka naman, tumataba ka na oh! Maglakad tayo."
Namili ako ng mga ingredients for my pesto pasta at menudo for dinner. After no'n ay inaya ko siya sa may lugawan para may lamaan muna ang tyan namin before ako magluto.
"Salamat sa treat ha! Sure ka bang hindi ako istorbo sa inyo ni Mindy mamaya?"
"May magagawa ba ako?"
"Wala!"
"O eh di kumain ka na ng mabilis para makapagluto na ako."Tahimik lang kumakain ng lugaw. Umorder pa akong dagdag na tokwa't baboy.
"Gulaman gusto mo?" Tanong ko kay Bam. Huwag na raw. Saglit kong tiningnan ang cellphone ko. Wala pa ring text si Mindy. Ano na kayang ginagawa nila?
"Jerie..."
"Hmmmm?"
"Kayo na ba ni Mindy? Ang ningning ng mata mo, hindi ko maipinta. Parang tumatagos ang tingin ko sa liwanag."
"Grabe ka! Hindi....wala.."
"Hindi? O hindi pa?"
"Malay ko ba!""Jer..ngayon lang ulit umibig 'yang si Mindy. Pagpasensyahan mo muna kung medyo mabagal ang manok ko ha. Natyope sa 'yo eh."
Sus! Bambi, kung alam mo lang!
"Pero mahal ka no'n, believe me."
"Bam....oo, tinutulungan niya ako sa problema ko. Pinahiram niya ako ng malaking halaga, binigyan ng tirahan, biniyan ng trabaho, mahal na ba 'yon? Hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay para sabihing mahal niya ako."
"Mali ka dyan babae! You know, it's just a way of showing that she cares. It's not the material things. Kung aantayin mong sabihin ni Mindy na mahal ka niya, nakow! Goodluck! Hindi siya masalitang tao pero sa gawa niya kasi pinapakita."
"Kahit na...iba pa rin 'yung may hold ako. Keysa namin lagi akong nag-assume? Ito nga wala pang text ilang oras na."
-------------
Pagdating sa bahay ay nanood lang ng tv si Bambi. Sinimulan ko na ang pag-prepare ng mga lulutuin ko. Dalawang oras din akong nagluto. Alas sais na ako halos natapos. Kumain pa kami ng sabay ni Bambi. Sarap na sarap siya sa pasta ko.
"Do you think magugustuhan niya ito?" tanong ko sa kanya.
"O naman! Sarap kaya! Puwedeng puwede ka na mag asawa!"
"Kay Mindy?"
"Well...all I can say is? Goodluck na lang, hahah!!! Anyway, bakit ba ang tagal niya? Nagtext na ba? Pabili kang icecream, 'yung cookies and cream kamo.""Wala pa ngang text eh, ano kayang nangyari do'n? Nag call ako, napuputol naman."
"Naku, ganu'n lang talaga 'yon. Baka may dinaan lang."
"Sabi ko itext ako eh. 'Yan na nga ba, umaasa na ako. Haay!"
"Chill lang."
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...