Chapter 27: Sana di na lang

5.6K 161 2
                                    

JERIE'S POV: 

        Mabilis umusad ang dalawang Linggo. Tinulungan ako ni Attorney sa mga legalities sa mana ng tita. Wala namang nag oppose sa mga kamag-anak ko sa hatian dahil alam naman nilang sobra-sobra 'yun. Inasikaso ko muna ang pagsecure sa mga gastusin sa ospital ni LC. 

          Mabilis naibenta ni Attorney ang isang lupain at partial no'n ang binayad ko ng buo kay Mindy. Nagresign ako sa kompanya niya thru email. Naunawaan naman ako ni Ms. Balot kaya siya na raw ang bahala. 

         Sa kabilang dako, ang ilang pera ay ginastos ko naman sa pagrenovate ng dampa namin. Pinabato ko na at niluwagan ang silid ni LC.  Nagdagdag kasi ako ng extra room para sa katulong ni tita Salve sa Pagaalaga kay LC kapag wala ko. Sa tulong ng tita Salve at ni Attorney ay mabilis naisayos ang lahat. Pending ko na lang ang tiles business sa Maynila at kinokontak ko naman ng regular ang general manager doon. 

         Isang araw na nagpapahinga ako, pumasok sa isip ko si Mindy. Parang kailan lang, simple akong namumuhay sa nakakulong kong mundo. Mundong nag-iisa ako, madilim at mapanglaw. Pero nang makilala ko siya ay nabago lahat. Hindi lang buhay ko ang nagkakula kundi pati puso ko ay nagsimilang umibig. Pero alam kong kabuntot ng pagmamahal ang sakit. Mabuti na rin 'yon para hangga't maaga ay nalaman ko ng may Carina pala na nagmamay-ari ng isang Mindy. 

         Siguro sa bagong buhay kong tatahakin ay makakatagpo rin ako ng taong magmahal sa akin ng buo. I don't care kung babae o lalaki, basta mahal akong totoo. Pero as tuwing dumadapo sa isip ko 'yon, parang nagpupumiglas ang puso ko na tila sinasabi niyang wala ng ibang ititibok 'yon kundi ang pangalan ng isang Jasmin Diana. 

      Isang Lunes ng umaga habang kakatpos lang namin mamalengke ay may isang bisita kaming inentertain. "Maupo kayo Aling Grace," alok ko sa kanya. Si Aling Grace ang asawa ng namayapang si Mang Arnold, ang may ari ng   AGM AUTOSHOP. Kalaban ng lolo ko dati ang talyer na 'yon. Wala namang kaso sa amin dahil tanggap na namamin ang pag-angat nila ng mastroke ang lolo.  Humina ito at walang gustong magpatuloy hanggang mabalitaan namin na napilitan ang apong isalba ang talyer. 

         "Ano ho bang maiaalok ko sa inyo habang inaantay ang tita Salve? Pinapaliguan lang po saglit ang kapatid ko."

         "Huwag ka ng mag-abala, kakakain ko lang din sa bayan. Ikaw hija talaga ang sadya ko. Una sa lahat ay nakikiramay ako sa pagkamatay ni Rosa. Isa siyang mabuting kaibigan."

        "Salamat po." 

         Umayos ng upo si Aling Grace. "Jeorgia, kakapalan ko na ang mukha ko anak. Hihingi sana ako ng tulong sa 'yo, kami ng apo kong si Mavick." 

        "A-ano pong tulong?" 

        "Nakikita kong gustong iahon ni Mavick ang talyer. May puso siya para ro'n. Lubog na kami sa utang dahil sa pagkakasakit ng lolo niya.  Alam mo namang ulila si Mavick at kami na lang ang nasasandalan niya." 

         "Ano pong specific na tulong ang kailangan nyo?"

        "Willing akong ibenta ang talyer sa 'yo. Ang hiling ko lang ay kung maaari mo pa ring kunin si Mavick sa talyer. Tatanggapin ko kahit nong posisiyon ang ibigay mo. Makakatulong kasi siya sa 'yo dahil alam niya ang pasikut-sikot ng negosyo. Kinukulang lang talaga kami." 

        "Ano ho ang difference kung bibilhin ko 'yon or pahiramin na lamang kayo?"  

         "Hindi komportable si Mavick sa utang na loob. At least, kung ikaw ang may-ari ay may kontrol ka sa lahat ng bagay. Nasa sa'yo ang desisyon sa pagbabago ng pamamalakad, pag improve ng pasilidad at iba pa. Isa pa, makakatulong ang ilang bahagi ng mapagbebentahan sa pagaaral niya. Mabait si Mavick. Huminto siya sa pagaaral sa kursong mechanical engineer."  

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon