A/N:
Pasearch na lang po sa youtube yung mga song na namention ko. Lani Misalucha version.
Thanks and enjoy...
////////////////////////////////////////////////// ;)
JERIE'S POV:
Matapos kumain ay tahimik lang ako. Saglit nagkuwentuhan sina Irma at Stacy sa labas.
"Jeorgia, asikasuhin mo na ang bisita mo. Ako na rito sa kusina," sabi ng Tita ko habang nilalagay sa lababo ang mga pinggan.
Hinila ni LC ang kamay ni Mindy. "Ate, let's play." Sumunod naman si Mindy at naiwan kami ni Tita sa kusina.
"Tita, what are you up to? Bakit dito mo pinapatulog si Mindy?"
"Jeorgia, ano ka ba? Puwede bang alisin mo muna ang pride sa katawan mo?"
"Ano'ng pride?"
"Ako na ang halos nagpalaki sa 'yo. Alam kong nahihirapan ka dahil sa damdamin mo kay Mindy. Sa tingin ko nama'y walang namamagitan sa kanila ni Stacy. Nagkaliwanagan kayo diba? Eh hanggang kailan niyo ba naman balak mag-taguan at mag-habulan aber? Maikli lang ang buhay anak."
Niyakap ko ang tita ko. "Bakit napaka-maunawain mo tita?"
"Gusto ko lang maalis ang alalahanin mo. Masakit makitang nasasaktan ka Jeorgia. Marami ka ng pinagdaanan kaya't panahon naman na isipin mo ang sarili mo."
Tinapik-tapik ni tita ang likod ko. "Kaya mo 'yan, andito lang ako."
Paglabas ko ng salas ay eksaktong mag-papaalam na si Irma. "Salamat sa masarap na dinner Jeorgia, busog!" sabi ni Irma sabay himas sa tyan niya.
"Aalis na rin ako Jerie, bahala ka na kay Mindy. Mabait naman 'yan atsaka.. sobrang miss na miss ka na niya."
Nalitong tumitingin sa amin si Irma. Wala naman kasi siyang alam. "O sige ingat na lang kayo," sagot ko na lang.
Iniwan ko muna ulit sina LC at Mindy sa salas na nanonood ng TV. Pumasok ako ng kuwarto at nag-ayos, naglinis at nagligpit. Nagshower na rin ako.
Habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin ay kinausap ko ang sarili ko. "Am I doing the right thing? Is it worth if ever to take the risk? Pa'no kung mas masaktan ako lalo?"
Napabuntung-hininga ako. Haaay! Kung hindi rin si Mindy ay ayaw ko na. Mahal ko siyang sobra.Nang matapos ako mag-ayos ay lumabas ako ng salas. Naka-pajama na ako at manipis na t-shirt. Naabutan kong nakasandal sa sofa si Mindy at nakapikit. Wala na rin si LC, malamang ay pinapatulog na ni Tita. Hindi niya namalayan ang pagtabi ko sa kanya dahil hindi siya kumilos at nag-mulat ng mata.
Tinitigan ko si Mindy. Medyo humapis ang mukha niya. Ganito ba siya namroblema sa 'kin? Napadako ang mata ko sa labi niya. How I love to touch those soft lips and kiss it until it will take my breath away. I had the urge to touch her face but I resisted. Tinapik ko ng mahina ang balikat niya. She must be tired.
"Mindy….halika na," bahagya ko siyang niyugyog. Nagmulat siya ng mata at bumaling sa akin. She smiled at me, that same sweet smile that melts my heart.
"Sorry, naka-tulog ako. Nanonood lang ako ng celebrity bluff kanina eh."
"Hay...halika na't makapag-pahinga ka na. Ano ba kasing pinag-gagagawa mo't nahapò ka ng ganyan?"
"Alam mo," sabi niya na may namumungay na mata. "Namiss ko 'yan, 'yang pag-nanag mo."
"Hindi ako nag-nanag owkey? I'm just asking."
"Eh di saan pa, eh di napagod kakaisip sa 'yo at kung paano kita maikukulong ulit sa bisig ko."
"Pumipick-up ka pa. Hala tayo na."
"Uhmmm…buhatin mo ako?"
"Whaaaat? Sa laki mong 'yan? Okay ka lang? Mamaya ka na maglambing."
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...