MINDY'S POV:
HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko that time. It's just that I felt so desperate to have Jerie's attention, second to the thinking that I wanna help them with LC's financial problem.
I gave her a deal or option that I guess would be hard to reject, na hindi masasaling ang pride niya. Wala naman talagang siyang talo. Simpleng laundry, luto, linis at habang nasa apartment ko ay magagawa pa niya ang online job niya. Ayoko na siya sa kompanya ni Sean, ayokong may ibang pumoporma sa kanya.
Ang problema ko na lang ay ang ipapasahod ko sa kanya. Kaya kong doblehin pero ang excess para sa ospital na LC ang hindi ako sigurado.
Pumunta ako sa opisina ng dad ko that Sunday. I need to talk to him. Binati ako ng guard sa lobby pagpasok ko pa lang ng building. Nakalakihan ko na itong si Manong guard. Paglabas ko ng elevator at bumati sa receptionist ng eight floor, ay sobrang kaba ng dibdib ko. Bukod sa isang taon akong hindi ako tumuntong dito, hindi ko alam magiging reaction ng Daddy ko pag nakita ako dahil halos napapaso raw ako pag nasa opisina niya.
Binati naman ako ng mga staff ng Daddy ko habang dumadaan ako sa hallway papunta sa office niya.
Nagsecond look pa ang pinsan kong si Juno ng napadaan ako sa cubicle niya. Mabilis siyang tumayo at binati ako ng yakap."Oh my! Oh my! Yoo look gorgeous as ever dear cousin!"
Isang simpleng pants at polo lang ang suot ko para bolahin ako nitong mokong na 'to.
"Magbago ka na, tama na ang sipsip," sagot ko at ngumiti sa kanya.
Mabait naman si Juno, kaya lang, since siya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan, parang naging kakumpetensiya ko siya sa lahat ng bagay. Pati sa atensiyon ng Daddy kalaban ko siya. Pag magkasama kami, feel na feel kong wala akong lugar sa korporasyon ng pamilya namin, na wala akong kuwenta pagdating sa negosyo.
I knocked twice and softly opened the door of my Dad's office. Naabutan ko siyang nakaharap sa glass wall at may kausap sa cellphone. Sa tono ng boses niya ay mukha na naman aburido. Kundi sa Mom ko, sa kapatid niyang makulit o sa kliyente.Umupo akong tahimik sa harap ng table niya. Nang ibaba niya ang telepono ay deretso upo siya sa swivel chair at umikot paharap sa akin. Alam niyang pupunta ako. Inalis niya ang salamin niya at bahagyang kumunot ang noo niya.
"Dad, ang noo mo, nawawala kapogian mo," tukso ko.
"As usual, ang Mama mo at tiyahin mo, nakikisabay pa ng amot ng gastos. Wala ng tinutulong sa kompanya, panay mga waldas."
"Sinanay mo kasi eh."Sumandal siya sa upuan niya at pinagsiklop ang bisig niya. "So...asa'n ang pasalubong ko?"
"Padating palang 'Dy 'yung isa sa Chocolate Hills, ihaharang ko sa gate natin para hindi na makapangulit ang tita."
Mahina siyang tumawa. "So..shall I welcome you back?"
"Yes, desidido na ako."
"Natutuwa ako sa pasya mong 'yan anak, higit kaninuman, ikaw ang dapat na umaalalay sa 'kin. Ibibigay ko ang hiling mong package deal kapalit ng seryoso mong commitment sa trabaho."
"Seryoso nga ako Dad, tama na ang panahong nasayang at nadis-appoint kita."
"Tell me, who's the girl should I thank for?"Lahat ng kalokohan ko ay alam ng Daddy ko. Kaya galit sa akin ang Mom dahil laging kampi sa akin ang Dad. Dad believes na lahat ng past gf ko ay dadaan lang at magmamature din daw ako. He still hopes na magkaka-asawa rin ako . (in his dreams!)
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...