JEORGIA LAURICE'S POV:
Nasa loob ako ng barko, malakas ang alon at naririnig ko na naman ang isang sanggol na umiiyak. Dati rati ay pilit kong hinahanap kung saan nag-sisimula ang palahaw pero ngayon, natagpuan ko na siya kalong ng aking Mama. Hinele niya ang bata at blangkong nakatingin sa akin. Nakita ko ang Papa kong lumapit a,t niyakap ako. Sa yakap niyang 'yon ay sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Hinagod niya ang likod ko.
Lumipat siya ng yakap sa aking Mama at tumigil ang iyak ng bata. Lumapit ako sa kanilang tatlo at ngumiti ang bata sa akin.
"Mahal kita anak," sabi ng Papa ko at mabilis tumulo ang luha ko.
Tinapik ng Mama ang balikat ko."Maging masaya ka anak, masarap ang mag-mahal."
"Jerie! Jerie! Gising!!! Jerie!!!"
Bakit parang may umuuga? Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Una kong nakita ang lampshade na may malamlam na ilaw. Tsaka ko inisip kung nasaan ba ako? Lumipat ang tingin ko sa babaeng katabi ko sa kama. Nag-aalala ang kanyang mata.
"Jerie! Nananaginip ka na naman? Umiiyak ka," mahinang sabi ni Mindy tsaka pinisil pisil niya ang kamay ko.
O Mindy, gustung-gusto ko ang haplos mo sa palad ko. Ang init no'n ay nag-dudulot ng kapayapaan sa puso ko. Oo, kakaiba ang panaginip ko ngayon. Noon, bawat bangungot ay parang nagsasabing kasalanan ko kumbakit namatay ang mga magulang ko. Tumitindi ang bawat senaryo sa panaginip lalo na kung sa moment na yon ay may nagugustuhan akong isang tao. Pero ngayon, iba. Para akong naiyak sa saya.
Alam kong tahimik at payapa na ang Mama at Papa ko, at ang kapatid kong hindi man lang nasilayan. Pero narealize kong tama sila, hindi rin sila magiging masaya kung nakikita nila akong lugmok sa pagmumukmok at pag-paparusa ko sa sarili ko. Panahon na para pagbigyan ang puso ko, sa katauhan ni Mindy. Gumanti ako ng pisil sa kamay niya. Mas mahigpit ang hawak ko.
"Oo nga eh, pero masayang panaginip kaya siguro ako naiyak."
"Hindi na ako nakaalis ng kuwarto mo, napagod kasi ako sa pagtakbo sa thirty seconds mo at sa masarap mong halik."
Alam kong pinapagaan ni Mindy ang loob ko. "Ha! Ha! Kunyari ka pa!"
"You sure you okay? Gusto mong gatas?"
"Tubig na lang."Tumayo si Mindy at lumabas ng kuwarto. Nang maiwan ako ay napangiti ako. Gusto ko ng umibig. Gusto ko ng ibigin si Mindy...ng tuluyan. Umupo si Mindy sa kama katabi ko.
"Oh, gatas na lang Jer, para mas makatulog ka," sabi niya tsaka ko kinuha ang baso sa kamay niya. Hinagod hagod niya pataas ang magulo kong buhok. Haay, ang sarap ng feeling ng hagod niya. Para siyang ate, nanay, kaibigan na inaalagaan ako. I smiled at her pagkainom ko, straight.
"Straight ah! Nauhaw ka siguro sa dream mo," tanong niya habang pinapahid ng thumb niya ang ilang drops ng gatas sa gilid ng lips ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil naaalala ko ang halikan namin kagabi at ang malambot, mabango at masarap niyang labi.
"Napanaginipan ko lang ang Mama at Papa," sagot ko sabay kuha ng kamay niya at kinulong ko ang dalawa niyang palad.
"Salamat Mindy sa pagdating sa buhay ko."
"Thank you din Jerie, sa maraming dahilan."Natigilan kami pareho. Mindy sighed.
"Can I kiss you? 'Yung walang time?" parang nahihiya niya pang tanong. Hindi ako sumagot. Inalis ko ang kamay kong naka-hawak sa kanya. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya tsaka nialapat ko ang labi ko sa labi niya. We shared a passionate kiss again. Again and again, my heart pumps rapidly.
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...