MINDY'S POV:BY and by na lang ako nag-paparamdam kay Jeorgia. Inaayos ko muna ang buhay ko. I am staying now for a while sa Antipolo. Sa isang rest house namin dito.
Ang project ng Daddy ko ay simpleng clubhouse sa isang itatayong village dito. Hindi kalakihang project pero alam kong gusto lang akong i-train ni Dad for the meantime.
Mga unang araw ay kinilala ko ang mga ka team ko at nakipag-bonding sa kanila. Pero hindi ibig sabihin ay kinalimutan ko na si Jeorgia. Siya ang dahilan kumbakit ako ganito. Inisip ko nga, isang araw, dito ako magtatayo ng bahay, sa Antipolo... kasama si Jerie.
Isang araw bago ako lumuwas ng Maynila ay sumama ang pakiramdam ko. Sa init lamig marahil. Pero kahit masama ang feeling ko ay pinaunlakan ko pa rin ang imibitasyon ng lola ko.
"La, bakit kailangan pa nating maging pribado sa pag-uusap?" Nasa Tamagoya Noodle House kami.
"Gusto ko ng mainit na noodles hija. Hala, kumain na muna tayo."Matapos kumain ay umorder pa ako ng dessert. "Kamusta hija, ang trabaho? Totoo ba ang narinig ko sa iyong Ama?"
"Nai-chismis na rin pala sa 'yo?"
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni lola. '"Alam mo Jasmin Diana, kung naging lalaki ka? Mas malaki ang sakit ng ulo ng 'yong daddy."
"Lola...."
"Malamang marami kang panganay!"
"Lola!"
"I want to meet this girl, ano ang mayro'n siya kumbakit ka tumino bigla..."
"Ipartida niyo naman na sa akin ang lovelife ko no..."
"Basta....anyway anak, kaya kita gusto makita dahil may lead na kung saan mababawi ang singsing."
"Wow! Tha's good news!" Sa loob-loob ko, buti naman at hindi na eepal sa buhay ko ang paghahanap sa mahiwagang heirloom ring na yan!"Ikaw na lang ang aasahan kong makipag-negotiate sa bata, gawin nating simple ang lahat."
"Bata? Pano naman napunta sa isang bata ang singsing?"
Lola didnt answer. May kinuha siyang folder sa gamit niya at marahang tinulak sa mesa papunta sa akin. "Review that."
Sumubo muna ako ng isang kutsaritang icecream saka ko binuksan ang folder. Ang mga unang pages ay background ng singsing. Well, I knew all about it.
The next papers I turned are pictures of the heirloom ring and earrings. I paused for a while. Something had struck me deep within. The ring seems familiar. Kinabahan ako.
The next page is a report . Hindi ko na binasa. The next page ay picture ng isang babae na parang pamilyar din although luma na ang litrato. Natigilan ako ng sumunod kong makita ang picture ni Ninong Rigor. Ano'ng kinalaman ni Ninong dito? Nagtataka man ay nilipat kong muli ang page, mas nagulantang ako na ang huling pahina ay imahe ni Jerie!
"D-do you know these people Lola?"
"No hija, mga nakalap lang 'yan ng hi-nire kong detectives. Bakit?"Nakahinga ako ng maluwag. Laong sumasama ang pakiramdam ko. Paanong napunta kay Jerie ang singsing?
"W-wala lola. Nothing. So, ang trabaho ko lang ay inegotiate na ibenta sa atin ang alahas?"
"Yep!"
"Sinong nakakaalam nito? Ano'ng premyo ko la?"
"Tayong dalawa lang. Wala namang pakialam ang magaling mong ama. Gusto kong mapasa-kamay ko 'yon. Hindi ka pa rin nagbabago, wala pa ngang naaccomplish, premyo agad."
"Ang lagay eh...."
"Bueno, kung maaccomplish mo 'yan sa loob ng isang buwan, may bonus ka."
"Like?"
"Ililipat ko ang time deposit na inenvest ko years ago. Money? Overlfowing 'yan sa kaban ko hija. Ano'ng gagawin ko don?"
"Eh kung lustayin ko, okay lang?"
"Alam kong hindi mo gagawin 'yun, hija."
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...