Mindy's Pov:Nang maging katapat ko si Celesta ay hindi pa rin ako makapaniwala. Parang nabuhay ang isang Carina sa harap ko. Muling umuukit ang hapdi sa puso ko, ang lamat ng nakaraan na hindi mabura-bura sa pagkatao ko.
Tahimik akong nakinig kay Celesta at ramdam mo rin ang lungkot sa kanyang boses.
"Mindy? So....Im glad we met. Noon ka pa kinukuwento ni Carina sa akin pero masyado siyang private kaya ayaw niyang ipakilala ka niya sa akin."
Normnal ang tono ni Celesta. Pero ako, walang tigil ang tahip sa dibdib ko dahil parang buhay si Carina sa harap ko. Lamang, mas mahinhin si Carina magsalita.
"Sa abroad ako namalagi. Walang alam ang buong angkan tungkol sa sexual preference ni Carina. Hindi ikaw ang dahilan kumbakit siya nagsuicide. May ibang dahilan."
"Hindi kita maintindihan."
"Kaya ang sulat niya ay humihingi siya ng tawad sa 'yo dahil alam niyang may kasalanan siya sa 'yo. Sana lang, ihanda mo ang sarili mo sa malalaman mo."
"Kakayanin ko."
"Mindy, ako bilang kapatid niya ay hindi rin siya nasuheto. Si Luisa ang dahilan kumbakit siya nakagano'n."
"Luisa?""Oo, si Luisa ang kababata namin. Ang unang niyang girlfriend noong third year high school pa lang kami."
Humugot ako ng malalim na hininga. Sa totoo lang naman kasi, wala akong alam sa background ni Carina. Nang maglive-in kami, ang mahalaga lang sa akin ay ang kasalukuyan namin.
"Sobra siyang na-attach kay Luisa kaya nung nagpasya si Luisa na magcollege sa Maynila ay sumunod si Carina. Sobrang tutol ang mga magulang namin. Kaya't kahit ayaw kong sa Manila mag-aral ay naplitan ako para bantayan siya. Second year College kami nong mabuntis si Luisa ng isang varsity player. Halos nahirapan akong guwardiayahan si Ate dahil lagi siyang may suicidal tendency. Pinaluwas ko sa Manila ang ilan naming kaibigan at kamag-anak para tulungan ako. Until she finally met you."
"Kaya pala ayaw niyang sabihin sa akin kumbakit may gabing umiiyak siya. Ang sabi niya lang ay namimiss niya ang pamilya niyo. Ibang tao pala ang nasa puso at isip niya."
"Takot din kasi Ate sa mga kamag-anak namin sa Davao. Hindi tanggap ang mga homosexual sa angkan namin."
"Ano'ng nangyari kay Luisa nang mabuntis?"
"Nag drop siya sa school. Sa sobrang mahal ni ate si Luisa ay tinanggap niya pa rin ito at inalagaan sa dorm hanggang manganak. Si Carina ang nasa tabi ni Luisa. Pero biglang sumulpot ang ama ng bata at kinuha ang mag-ina. Hindi nakalaban si Carina at naiwan siyang bigo."
Parang kinukurot ang puso ko nang hindi ko maintindihan. Saan ba ako nasasaktan? Sa nangyari kay Carina o dahil sa hindi pala niya ako tunay na minahal? Hinawakan ni Celesta ang kamay ko.
"But don't get me wrong Mindy, she have loved you. Hindi nga lang kasing tindi ng kay Luisa. Alam ko 'yon dahil sinabi niya sa akin."
"So....pa'no nag come up sa ganitong ending ang buhay ni Carina?"
"Alam kong naglilive-in na kayo noon. Nakarating kay Carina na umuwi galing abroad si Luisa at hiwalay na sa asawa. No'ng minsang may convention ka sa Malaysia ay pumunta sa Davao si Carina at nagkita silang muli. Carina is having false hope na magkabalikan sila ni Luisa. Sinabi ni Luisa na kung makakasunod siya sa US ay doon sila magsisimulang muli. Binigyan ni Luisa ng taning si Ate na sa ganitong date ay magkita sila pero hindi nakapunta si Carina dahil nasa Palawan naman kayo. Hindi ako kinukuwento ni Carina sa 'yo dahil alam nyang magtatapat ako sa 'yo. And besides, desisyon niyang
lahat at nandito lang ako para pangaralan siya. I know, it was so unfair sa 'yo.""Tapos?"
"Obviously, 'yun nga, hindi siya nakapunta sa usapan hanggang muling umalis si Luisa.""Oo, at naalala ko na nung mga panahon na 'yon, ay halos araw-araw masama ang pakiramdam niya. At yun na ang simula ng pangungulit niyang mag abroad siya."
"Oo, hindi lang siya makaalis dahil kulang nag pera niya. Ayaw ko siyang suportahan dahil mali. Maling mali ang gagawin niya kaya't nag-away kaming dalawa non."
"Bakit gano'n ako naging clueless?"
"Dahil mahal mo siya at naniniwala ka sa lahat ng bilang siya. Kung papayagan mo siyang mag abroad noon, alam niyang dagdagan mo ang pera niya."
"Pero kung nasa abroad si Luisa, bakit bumalik sa Dava o si Carina?"
"Dahil may isa kaming kababata na nangakong tutulungan siya. Masyado nang komplikado ang lahat. Nahirapan din ako dahil wala akong magawa. Hindi sya mapigilan. Ang rason niya kumbakit siya umuwi dahil may lover daw siya sa Manila na hinihigpitan siya at sinasaktan. Isang karelasyon na pinipigilan siyang lumago, isang lover na mahigpit at hindi marunong magmahal."
"At nagtagumpay si Carina dahil mula ng mamatay siya, 'yon ang tinanim ko sa isip ko. Na halimaw ako at hindi marunong magmahal. Nagdudusa pala ako sa isang nakaraang hindi naman pala dapat. So ano'ng nangyari do'n sa tutulong sa kanya dapat?"
"Nag-iwan ng sulat sa Mama na may emergency sa Aklan at hindi alam kung kailan babalik. Nawalan siya ng pag-asa. That day din, kinontak siya ni Luisa at sinabing kalimutan na ang lahat sa pagitan nila at iintindihin na lang ang nag-iisang anak. Biktima ka Mindy, wala kang kasalanan. Ang mahalin siya at protektahan, 'yun lang ang macoconsider kong kasalanan mo."
"That's it.."
"Oo, sa sobrang depression at kawalang pag-asa at lalim ng hinanakit ay hindi niya kinaya. Hindi siya nagdalawang isip na kitilin ang sariling buhay."
"Sana...pinagtapat na rin niya ang lahat sa akin."
"Ayaw ka niyang saktan.""Ganun din naman kung hinayaan ko siyang mag US. Iiwan din ako. Pero sana nga ganun na lang, naging masaya pa siya kaysa yung nagsuicide siya."
"Hindi natin hawak ang damdamin ng isang tao."
"Nakarating ba kay Luisa?"
"Oo pero hindi na siya umimik."
"Isang linggo matapos ang libing ay pinagtapat ko rin kay Mama at kuya. Mas galit sila sa akin dahil kung hindi ko tinago, malamang ay may nagawang paraan. Sa part ko oo, nag-kamali ako dahil nanaig ang karuwagan ko bilang kapatid niya."- - - - - - - - - - - - -- - - -
Maaaring tinadhana na rin na makita ko ang kambal ni Carina. Naliwanagan ako. Nagpasalamat ko sa kanya at sinabi niyang masaya na rin siya kahit papano dahil may bigat din sa puso niya na hindi makahingi ng tawad sa akin on behalf of her sister.
Nakahiga ako ngayon sa kama. Gusto ko man balikan ang mga nakaraan, ayoko na dahil masakit. Masakit ang mga nalaman ko.
Biglang natuon ang pansin ko sa kamay ko kung saan sinuot ko ang singsing na ginawang pendant ni Jerie. Naalala ko ang sabi ng lola. Iusot ko raw at ihahatid ako sa nararapat kong daanan. May kapangyarihan kaya talaga ang singsing na 'to?
Sa isang banda, may ginhawa sa dibdib ko. Hindi totoong halimaw ako. Hindi totoong hindi ako marunong magmahal. Dahil hindi naman pala ako ang may sala. Ilang taon kong kinimkim ang lahat. Lahat ng dumaan sa akin ay pinigilan kong mahalin dahil sa buong akala ko'y, mapupunta lang sa iisang sitwasyon ang mamahalin ko.... Nasasakal.
Ilang taon kong pinaderan ang puso at buhay ko pero tanging si Jerie lang ang nagpatibag no'n. Si Carina ang dahilan kumbakit noong una ay pigil kong ipakita kay Jerie na mahal ko na sya. Mahal ko siya at ayaw kong danasin niya ang 'dinanas kuno' ni Carina sa piling ko. So, hindi pala gano'n.
Bumaling ako sa isang side ng kama at niyakap ang unan ko. Mula bukas, isang bagong Mindy ang gigising. Jasmin Diana na buo na ang loob na magmahal. Ako na malayang magmahal at may pusong buong-buo na mahalin ang tanging babaeng nagpapasaya sa akin ngayon...si Jeorgia Laurice.....
***************************
Thank u for reading...
shan
aug 19, 2016
BINABASA MO ANG
Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )
RomanceFourth Story Dec. 2015 ~ Oct. 20,2016 completed Highest Rank: No.2 (gxg story - Feb.20, 2020) No.1 (gxgstory - Feb. 21, 2020) Kuwento ng dalawang taong may mabigat na nakaraan kung saan, tinuturing nilang dahilan kumbakit hi...