Chapter 9: Fear

8.5K 200 7
                                    

JEORGIA LAURICE' POV:

        PARA akong kulang ng umalis ako ng Maynila. Madali kong namiss ang presence ni Mindy. Sa sarili ko, kailangan kong lumayo at umiwas sa kanya, dahil hindi dapat. Pero iba ang nangyari.

       Hindi ko alam kung pinag-aadya ba ng diyos na kaharap ko ngayong umaga ang babaeng nagsisimula ko ng itangi. Aaminin ko, masaya ako na kasama ko siya dito sa Bohol at nakilala niya ang kapatid ko.

        "Matapos mag-almusal ay mauna ka na maligo Mindy. Asikasuhin ko muna si LC."

       "Okay sige," sagot niya atsaka ako tumayo matapos kong ubusin ang hot choco ko.

        "Jerie....salamat."
        "For?"
        "Accepting me here, hindi mo ako tinaboy at isasama pa sa trip ngayon?"
      "As if may choice ako? Arte mo!"

       Tumawa siya. "Oh bakit?" tanong ko.
        "I like that, 'yung mataray ka. Meaning, bumalik na slight, si Jerie ko. Ikaw na 'yan, normal  mo na 'yan eh!"
          "Tumigil ka nga, dami mong alam."

          Tuloy na akong nagpunta sa kuwarto ko. Palihim akong nangingiti. Mindy makes my heart smile.

     Alas diyes kami sinundo ni Kuya Ben, ang pinsan kong tourguide ang part-time job.

        "Mindy!!!!" Sigaw ko. "Ano ba 'yan? Buong cabinet ba dadalin mo, antagal mong mag-ayos ng bag?!"

       Nakangiti siyang lumabas ng bahay. Mula sa pinto ay nakita ko ang maaliwalas niyang mukha. Pumitlag ang puso ko. Sobrang kabaligtaran ang nangyari. Nandito ako para iwasan siya at talikuran ang namumuong damdamin ko para sa kanya pero heto't kasama ko at nakabuntot. Napailing na lang ako.
Nakapasan si LC sa likod niya at nakangisi rin.

        "Ate, Tita karga."
       "Oist! Bumaba ka nga diyan, baka madagdagan pa ang pasyente ko pag nabalian Tita mo."
        "Hamo na," si Mindy. "Magaan lang naman ang bata. Shall we go?" Halata ang ningning sa mata ni Mindy. Ningning na ayaw kong mawala sa mata niya.

        "Shall we go, ang tagal mo? Sandali lang at nag Cr lang si Kuya."

       
       Kuya Ben dropped us off sa bahay ng isa ko pang pinsan. Tutuloy na siya sa hotel kung saan nagcheck in ang mga itu-tour niya. Pinakilala ko si Mindy.

        "Ate Buen, si Mindy, kaibigan ko, courtesy na sa akin expenses ha. Mindy, pinsan ko si Ate Buena."

        "Naku, huwag mo na akong po-in, mukha langa kong matanda pero ahead lang ako ng limang taon kay Jeorgia.

       "Magandang araw po," yuko sabay bati ni Mindy."

      Mindy just smiled, in fact matanda pa siya kay ate Buen dahil twenty eight na siya, at twenty seven lang itong huli.

         "Oh siya, siya, pasok pasok na sa kotse, dadaanan pa natin si Annie."

     Pagpasok ng kotse ay okay lang naman na sa likod na kami naupong tatlo, para pagsakay ni Annie ay wala naraw lipat-lipat ng puwesto. Fifteen  minutes at nasa bungad na kami ng baranggay nina Annie. She wears her usual shy smile.

         Pag-pasok ng kotse ni Annie ay agad nag lips to lips ang dalawa. Buti na lang at busy si LC sa tablet niya habang kunwari ay tinuturuan niya si Mindy sa mga games sa gadget niya. Hindi ko pa kasi sigurado ang reference ni Mindy, baka mabago ang pagtingin niya sa pamilya ko. Ang mga pinapakita niya naman sa akin lately ay hindi ko binibigyan ng kahulugan. Na para bang natural lang sa kanya ang bumuntot at mangulit sa akin. 

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon