Chapter 30: Face to face

6K 177 2
                                    


JERIE'S POV:

       I still can't believe na nagkita kami ni Mindy. Dito pa sa lugar namin at kasama niya pa ang babae niya ha. Sakit lang.

       Pag-alis nilang dalawa ay agad akong nagsara ng talyer. Hindi ko alam kung pinag-adya ng pagkakataon na mawalan ng tao sa talyer para ako ang mamahala kanina. Dahil kung hindi ay di ko alam kung maglalandas pang muli kaming dalawa. Bago matulog ng gabi ay hindi maalis si Mindy sa isip ko.

       Maya't-maya ay nakatingin ako sa cellphone ko kung magtetext ba siya pero naantok na ako ay wala pa rin. I scolded myself. Nemen, bakit ako itetext kung si Carina ang kasama niya? Haysus! Panakip-butas lang naman ang role ko sa buhay niya at ang tanga kong napatihulog ako sa kanya.

       Pero bumalik sa ala-ala ko ang senaryo kanina. Bakit no'ng dumating si Mindy ay nasabi niyang destiny? Destiny na ano? Destined na magka-harap harap kaming tatlo at ipamukha sa akin na extra lang  ako sa buhay nilang dalawa?

       Bigla kong naalala ang singsing na napunta sa bag ni LC. Kailanagan kong isoli yon sa kanya. Pero….pa'no kung isoli ko at ibibigay lang niya kay Carina? Sayang naman. Pero hindi akin 'yon at alam kong mahalaga ang heirloom na 'yun sa angkan nila.

       Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Kinabukasan ay chineck ko ulit ang cp ko, pero waley! Waley pa rin text ni isa, kahit missedcall from unknown number, wala. :(

       Pag-labas ko ng kuwarto ko ay nadatnan ko ng nagbe-breakfast si LC kasama si Tita Salve.

         "Goodmorning!" bati ko sabay halik sa ulo ni LC. Paborito niya ang champurado at ayaw niyang naaabala.

         "Ta, may tao na ba sa talyer?"
         "Ay oo Jeorgia, kumpleto na ulit sila."
         "Disaster po kahapon."
         "Pati puso mo, nadisaster ano?"
         "Ho?"
         "Dumaan ako kanina bago magsimba. Tinipon ko ang mga resibo at pangalan ni Mindy ang huling nasa booklet. Kamusta naman?"

        Humila ako ng isang upuan at inalalayan ko si LC na uminom ng gatas. Pinunasan ko pa ang ilang drops na tumulo sa dibdib niya.

         "Ayos lang naman, kasama niya po ang….may kasama po siya."
         "Ang kasama na dahilan kumbakit napa-aga ang uwi mo ng Bohol."
        "That's more of a statement Tita ha, accusing me, unfair ka."
         "Hay ewan ko ba sa inyong mga bata kayo."
         "Ahm…dito lang ako sa bahay muna ha. Kayo ho muna bahala sa shop."
         "Ikaw ba sasama kay LC sa check-up?"
        "Okay po, ako na lang para maupdate na rin tayong lahat. God is good na stable na si LC."

          Nagpresinta na akong magligpit at maghugas ng pinggan. Naglinis na rin ako ng lahat ng tatlong kuwarto. Hinayaan ko muna si Lc na manood ng cartoons habang kumikilos ako.

           Habang nagpapahinga ako ay kinuha kong muli ang singsing sa pouch na nakatago sa tokador ko. Inikut-ikot ko ang singsing. Nalungkot ako. Maraming ala-ala ang nakapaloob dito. Kung pa'no ito napunta sa Inay hanggang mapunta sa akin, na pag-aari pala ng ninuno nina Mindy. Ano ba ang hiwaga nito at sa pangalawang pagkakataon ay napunta ulit sa mga kamay ko?

         After lunch ay binihisan ko na si LC para sa check-up. Lalabas na sana kami ng gate ng bumungad si Tita Salve.

       "Pasok Jeorgia, pasok ka ulit. Ako na sasama kay LC."

        Napa-atras ako ng ilang hakbang. "B-Bakit ho? Bakit ho kayo andito?"

          "Gusto lang kitang unahan, nagpunta si Mindy sa talyer kanina. Hinahanap ka. Aba'y gumandang lalo ang kaibigan mo."
        "Oh bakit daw ho niya ako hinahanap?"
        "Ando'n din kasi si Irma kanina, nag-offer ng tour sa tisay niyang kasama."
         "Carina."
         "Eh, alma mo namang kapos si Irma ngayon kaya sana eh, alalayan mo sa tour nila ni Mindy."
          "Tita! Baka ho gusto niyo na akong sumunod kay tita Rosalie?"
         "Ikaw ang gustong kasama ni Tisay at pasunod na sila dito at samahan mo raw kina Irma para mapag-usapan ang tour nila mamaya."
         "Mamaya?!"
         "Mapilit 'yung tisay, bagot na bagot na raw."
        "Tita naman…bakit niyo ho ako binala ng wala akong kaalam-alam, naman o…"
        "Sige na, trabaho lang, walang personalan. Tulong mo na lang kay Irma at Ruel at may sanggol sila."
        "Tsk!"

Inagaw Mo Ako ( Gxg Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon