Chapter 8-Amiah

12 0 0
                                    

Habang nagba-browse ako sa FB ko, nakita ko ang picture ng ex kong si Ralph.At last minute hindi ko na in-unfriend dahil gusto ko lang.Kasama niya sa picture ang ipinalit niya sa akin-si Kathy. Parang ang saya nila.Hindi ko pa nakitang ganun kasaya si Ralph kapag kami ang nagpapa-picture.Wala akong maalala na kuha naming dalawa na siya ang naka-akbay sa akin.Nagsisimula na naman magbalik lahat sa akin ang mga memories namin.Kailan ba 'yong time na hindi naging masayang-masaya ako ng magkasama kami?Yong wala siyang napupuna sa mga kilos ko? Wala akong maalala...

May narinig akong nagdo-doorbell,mabuti na lang bago pa tuluyang sumama ang loob ko sa mga naaalala ko.

Sinilip ko muna kung sino ang tao sa may gate. Mukhang delivery boy ng isang courier.

"Magandang araw po. Flower delivery po para kay Ms. Jeremmiah Alviz." bungad nito ng mapagbuksan ko ng gate.

" Ako yun...kanino po galing?" tanong ko ngunit ang mga mata ko ay nasa magandang flower bouquet na hawak ng delivery boy.

" Galing po kay Christianne Dominguez..." inabot sa akin ang hawak na bouquet at ang papel na pipirmahan ko.

Akala ko nagbibiro lang siya ng sabihin niyang may ipadadala siya sa akin.Hindi ko akalaing padadalhan niya ako ng ganito kagandang bulaklak.

Inabot ko ang papel na pinirmahan ko kay manong at saka nagpasalamat.Pumasok na ako sa loob ng bahay ko,dala ang mga bulaklak. Hindi ko mapigilan mangiti,para akong highschool girl na inabutan ng roses ng crush ko.

Teka... bakit nga ba ako pinadalhan ni Lian ng flowers? Nagmamadali akong nagtext sa kanya...

"Hi! I just received the flowers you sent,pero sa akin ba talaga ito? Baka nagkamali ka lang ng pinadalhan." then I press the send button.

Para lang akong timang habang tinitignan ang mga flowers. Ayaw kong malanta agad ang mga iyon kaya kumuha ako ng vase na may konting tubig saka inilagay ang iyon.

Ilang seconds lang ang hinintay ko saka may nag-text sa akin.

"Yeah,that's for you.Hindi ako nagkamali ng pinadalhan.At tama naman ang address na binigay mo.I hope you'll like it." message ni Lian sa akin.

"Thank you and yes I really like it." reply ko sa text niya.

Marami pa kaming napag-usapan ni Lian .Saka nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw. Babalik din daw at chat na lang daw siya magpaparamdam. Bigla akong nalungkot pero hindi naman niya malalaman yon. Nalilibang ako kapag siya ang kausap ko. Nawawala ang mga bad vibes sa isip ko kapag nag-jo-joke siya.

Hanggang gumabi hindi pa rin nagpaparamdam si Lian sa text man or chat.

Tinawagan ko si Cacai,I wanted to go out at kalimutan yong malungkot na pakiramdam na kanina ko pa nararamdaman dahil hindi ko pa nakakausap si Lian.

"Cai...free ka ba tonight? Let's go out." sa telepono .

"Uy..anong meron? Bago yan ah.Simula ng maging magkaibigan tayo ngayon ka lang nag-ayang lumabas ng hindi ka napipilitan or hinihila palabas dyan sa pinto ng bahay mo.Sige,baka magbago pa isip mo.Magkikita na lang ba tayo or pupunta pa ako dyan sa bahay mo?" tanong ni Cacai sa akin mula sa kabilang line.

"Magkita na lang tayo sa BuckStar,then doon na lang natin pag-usapan ang next destination." sagot ko habang iniisip kung ano ang isusuot ko.

"Alrighty! See yah there." saka nagpaalam na si Cacai.

Tama siya,buhat ng maging magkaibigan kami I never go out na ako ang nag-aaya sa kanya.It's the other way around. Mas lalo na noong naging kami ni Ralph.Umikot ang oras at buhay ko kay Ralph.

I Need to be Next to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon